CHAPTER THIRTY NINE

1.2K 67 6
                                    

    Gabriella POV

Hinawakan ko ang nakaangat na braso ni Nathaniel na ginamit nitong pangturo sa tatlo. Ibinaba ko iyon at sinamaan siya ng tingin. Nakita kong masama ang tingin niya sa dalawa. Napabuga ako ng hangin at bumulong sa kanya.

"Stop it."

Lumingon naman siya sa akin at ang kaninang galit na mukha ay umamo ng magtagpo ang aming mga mata.

"What did they say to you, darling?"

Umiling ako at napatingin sa tatlong tahimik lang.

"Wala, wala silang sinabi. Let's go."

Hinila ko ang braso niya habang siya ay nagpatangay lang pero nakita ko pang sinamaan niya muna ng tingin ang mga ito bago lumingon sa harap.

Habang nasa daan kami ay kitang-kita ko ang ilang sira-sirang building ng eskwelahan, nirerepair ito ng ilang construction workers doon. Nilinisan na rin ang buong school dahil maraming dugo ang dumanak ng gabing iyon. Kahapon nangyari iyon kaya bumalik na rin ang lahat sa dati. Kaya nga lang, maraming estudyante ang namatay.

Kaya ang ginawa ng headmaster ay nagpapa-enroll sila ng bago ulit na estudyante. Wala naman akong paki.

Napa-kislot ako nang dumulas ang palad ni Nathaniel sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya habang naglalakad kami. Tinitigan ko siya ng masama. Punyeta, kumikirot yung sugat ko.

"Masyado mo yatang kinacareer ang pagiging mag-boyfriend-girlfriend kuno natin, Nathan ah."

Inis kong bulalas at pilit tinatanggal ang kanyang braso.

Nainis ako dahil hindi ko iyon maalis-alis. Mas hinigpitan pa. Inilayo ko ang ulo nang inilapit niya ang mukha sa leeg ko, ngunit dahil hawak niya ako sa bewang, wala akong takas.

Nanatili kaming naglalakad at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng manyakis na ito.

"You smell good, darling."

Tinampal ko naman ang braso niya sa bewang ko dahil sa bulong niyang nagpakiliti sa leeg ko. Punyeta, no.

"Lumayo-layo ka ha, naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo. Tatadyakin kita, makikita mo."

Narinig ko siya na tumawa at mahigpit niyang hawakan ang aking baywang. Napapikit ako sa inis at sa sakit.

"I'm thankful. Dahil hindi nag-iba ang pakikitungo mo kahit nalaman mo kung sino ako, Ella."

Napalingon ako sa kanya at napansin ko na nakatitig din pala siya sa akin. Nagtigil kami sa paglalakad at nanatiling nakatitig sa isa't isa.

Hindi ko alam ang sasabihin, mukhang seryoso siya habang tinitingnan ako.

Nabigla siya nang ngumiti ako, kaya napatawa rin ako.

"You also know the real me, stupid. Patas lang."

Pinitik ko ang noo niya at natawa ng bahagya. Pero napatigil ako sa pagtawa dahil nanatili lang siyang nakatitig sa akin at may ngiti sa mga labi.

"I love you."

Umawang ang mga labi ko. W-what. Did. He. Just. Say?

"Excuse me."

Mabilis kaming nagkahiwalay ni Nathaniel nang may dumaan sa pagitan namin. Napanganga ako nang makita ang taong dumaan. Seriously? Ang lapad ng daan sa magkabilang gilid namin ni Nathaniel, pero sa gitna talaga namin siya dumaan.

Hindi ko naman sinasabing umistorbo ito, pero parang ganun nga, ay hala.

"What the f*ck, Adams? Nananadya ka ba ha?" inis na singhal ni Nathan kay Haize.

Oo, si Haize ang walang modong dumaan sa pagitan namin. Napapailing ako at nag-cross arms.

"Oh? Am I interrupting something? Sorry then."

Ramdam ko ang sarkasmo sa salita ni Haize na ikina-ngunot ng noo ko.

"No, you're not. Sige, mauna na ako sa inyo."

Ako na ang sumabat at nagsimulang maglakad nang hinigit ni Nathaniel ang braso ko. I looked at him with my brows arched.

"Think about it, because I mean it."

Nang sinabi niya iyon ay binitawan niya kaagad ang braso ko. Napakurap ako sa gulat ngunit mabilis na tumalikod sa kanila at nagsimulang umalis.

...

"May dress kana ba para sa acquaintance party bukas, Mika?"

Napatingin ako kay Erica na sumusubo ng cake habang ako ay uminom lang ng lemon juice. Umiling ako.

Wala pa kasi akong dress, saka hindi ako nagsusuot non. Hindi ko sila type.

"Don't worry, I have some. I'll just lend you one."

Hindi ko na lang siya pinansin at napa-sandal sa upuan ko dito sa loob ng dorm. Idinantay ko pa ang paa sa isang upuan at bigla akong napatigil dahil upuan ito noon ni Genivive. Napabuga ako ng hangin at pinatong ang hawak na baso sa lamesang kaharap namin.

Paano ko kaya mahahanap si Genivive? Ilang araw na din ang lumipas matapos mawala si Genivive. Rafael promised me to find her pero hanggang ngayon wala pa siyang balita.

BLAGG!

Mabilis akong napalingon sa pinto ng dorm namin nang bumukas iyon ng pagkalakas-lakas. And speaking of the devil.

I saw my cousin full of sweat and his face gave me bad vibes.

"Rafael?"

Lumapit ako sa kanya at tinanong ito.

"What happened?"

Hinawakan bigla nito ang braso ko at seryoso akong tinitigan at ganun din si Erica.

"I-i found her, I found your friend..."

Napasigaw si Erica sa saya kaya napangiti na din ako.

"...she's dead."

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now