CHAPTER FORTY

1.2K 61 5
                                    

    Gabriella POV

"NOOOO!! GENIVIVE! HINDI PWEDE TO! HINDI!"

Mabilis kong niyakap si Erica ng magsisigaw ito ng makita namin ang bangkay ni Genivive, para itong nalunod sa napaka malalim na tubig dahil basa ang buong katawan nito ang putla putla na din ng kanyang mga labi pati na ang mukha Pati nadin ang buo niyang katawan.

Iyak ng iyak si Erica sa bisig ko kaya pilit ko syang pinapatahan.

"What happened, raf? Saan mo nakita si Genivive?"

Tanong ko kay Rafael, nandito siya kasama ang Violet na iyon pati nga si white nandito din. Kase nasa hospital clinic kami kaya nandito din sya ngunit hindi ko nalang ito pinansin at seryosong tinitigan si Rafael.

"My men saw her in the pool at the 3rd building. Nakalutang na sya doon at walang buhay."

Napa lunok ako at inalala ang mga nangyari bago nawala si Genivive. May bumulusok na dagger non at alam kong sa bintana sila dumaan palabas. Base sa mga naging kilos ng taong yun, napaka pulido ng kanyang mga kilos para mabilis na makuha si Genivive.

Bakit kailangan nyang idamay dito si Genivive? Wala naman siyang kasalanan.

Naikuyom ko ang mga kamao sa galit.

Humanda sa akin ang taong iyan,

"Mika, calm down."

"Bakit ako kakalma, raf? Namatay ang isang kaibigan ko! Tapos sasabihin mong ka kalma ako?!"

Napa pikit ito ng mariin sa harap ko at napaiwas ng tingin sa akin.

Ramdam kong kumalas sa aking yakap si Erica at pagewang gewang pang lumapit sa bangkay ni Genivive na naka hilatay sa isang kama dito.

"Genivive! GISING NA! Ano kaba!"

Napa pikit ako at hindi kinaya na tingnan ito. Nakagat ko ang pang ibabang labi ng basta na lamang pumatak ang mga luha ko.

"Mika san ka pupunta?"

Hindi ko pinansin ang sigaw ni Rafael ng dire diretso lang akong nag tatakbo palabas ng kwartong iyon. May nakaka bunggo na din akong ilang estudyante pero hindi ko sila pinansin at tumakbo lang kong saan ako dadalhin ng mga paa ko.

"Awww!"

Bumagsak ako sa lupa ng may naka bunggo akong babae at sumigaw pa, nang mag angat ako ng tingin ay nakilala ko kaagad ito.

Si Patricia.

"BITCH! Hindi kaba marunong tumingin sa dinadaanan mo?! Ha?! Ang tanga tanga mo naman!"

Tumayo ako kahit sumakit ang paa ko dahil sa pagbagsak. Tiniis ko ang sakit dahil hindi na ito bago sa akin.

"Sorry."

Tanging sabe ko at aalis na sana ng mahigpit nitong hinawakan ang braso ko at hinila papunta sa harap nya.

"Sorry is not enough, bitch."

*PAKK!*

"WOAH!"

Sigaw ng ilang estudyante.

Napa awang ang mga labi ko ng sinampal nya ako ng pagka lakas lakas dahilan upang mabaling ang mukha ko sa gilid. Pansin ko din ang pag libot ng ilang estudyante sa amin para maki tanaw sa mga nangyayari.

Winaksi ko ang buhok na tumabing sa aking mukha at blanko syang tinitigan.

Naka pameywang ito sa aking harapan matapos ako nitong sampalin. Huminga ako ng malalim at lumakad paalis.

"Teka nga!"

Muli na naman akong hinigit nito kaya wala akong ibang nagawa kundi ibalibag ito sa lupa at tinadyakan ang kanyang sikmura. Humiyaw ito sa sakit at mahigpit pang hinawakan ang paa kong nanatili sa kanyang sikmura.

"BITCH! GET YOUR FEET OFF ME! UGH!"

Muli ko itong tinadyakan, hindi sya nagpa talo at pilit inaalis ang paa ko sa tiyan nya. Napa ngisi ako ng makitang hindi niya iyon kayang ilayo.

Napa atras ako ng may humila sa buhok ko at ng maka lingon ako, nakita ko ang dalawang alipores ng patricia na ito. Sinikmuraan ko silang dalawa kaya nabitawan nila ang buhok ko. 

Masyado silang mahina, tsk.

"Aahh!!"

Mabilis akong lumingon kay patricia ng sumugud ito sa akin ng may dalang kutsilyo sa kamay. 

Tumagilid ako para maiwasan ang atake nya ngunit mabilis siyang naka bwelo at winasiwas malapit sa leeg ko ang kutsilyo nya. Isang hakbang akong napa atras para iwasan muli ito at hinawakan ang kanyang braso at binali iyon.

Sumigaw sya sa sakit kaya nabitawan nya ang kutsilyong hawak hawak.

Namimilipit ito sa sakit habang nakahiga sa lupa, lumapit ako dito at pinulot ang kutsilyong kanyang nalaglag. Masyado na akong iniinis ng babaeng ito. Mabuti pang sakanya ko nalang ibuhos lahat ng galit na nararamdaman ko ngayon.

Inambahan ko sya ng saksak ngunit nagtaka ako ng tila nanatili sa ere ang aking braso.

"Stop it."

Napa lingon ako sa pumigil sa aking braso. Hindi na ako nagtataka na nandito ang babaeng ito.

"Schalzi."

I uttered her name

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now