CHAPTER FORTY THREE

1.3K 66 12
                                    


   Gabriella POV

"Isuot mo na to! Bilis!"

"Ano ba, Mikaella?! Wala nang oras o!"

"Bwisit naman! Dami pang arte!"

"Ayusin nyo ang buhok ni Mika, bilis! Tayo ang unang lalarga sa basketball court. Kailangan maganda ang cheerleader! Pati na rin kayo!"

Inis akong nangalumbaba sa isang upuan dito sa loob ng cheerleading squad ng special academy. Akalain nyo yon? Cheerleader pala ang kambal? Di naman nakakapag taka dahil magaling naman talaga sa pagsasayaw at pag kekembot si Mika. Pero, ako?!

Marami pa akong gagawin tapos dumagdag pa to? Hindi ko naman pwedeng tanggihan dahil ito palagi ang ginagawa ni Mika.

I never tried to do this things! Alam ko nga ang sayaw dahil pinagpraktisan namin ng mabilis kahapon tsaka din yung yell, but hell! Ayoko! Tapos eto pa ang susuotin kong damit?

Ano to? Pang pokpok? Yung mga nasa bar na mga babae?! Don't get me wrong. Ngayon lang kasi ako mag tatry na magsuot nito. I can't decline.

Tinulak ako ng isang babae sa loob ng cr ng kwartong eto. Unfortunately, marami ang cr dito saka hard glass lang ang nagsisilbing pangharang saka puting kurtina.

Inis kong tinabig ang braso ng babaeng halos maging clown ang mukha dahil sa makapal na make up nito. Naka bihis nadin ito pero talagang iba lang talaga ang susuotin ko dahil sabi nga nila. I'm the cheerleader. 

Iba kase style ng damit ko pero magkasing kulay lang ng ibang cheering squad kasama ako.

Inis kong pinasadahan ng tingin ang hawak na damit na tila kinulangan ng tela.

Inis kong hinubad ang uniporme ng school na suot at sinuot ang kulay red na long sleeve, at ang nakakainis e hangang ilalim lang ito ng hinaharap ko kaya kita pa pusod at beywang sinabi kong long sleeve kasi hanggang pulso yun pero off shoulder yung style nya pero sa isang braso lang. 

Nakaka putangina diba? Sunod kong sinuot ang cycling kong kulay itim at sinunod ang napaka ikling pulang palda na may iba't ibang disenyo at hinahaluan ng kulay ginto. Manipis ito at hapit sa akin at hanggang gitna lang ito ng hita ko.

Maganda nga itong suot ko pero parang hindi ka naman mag checheer sa sports. Para kang mang aakit ng mga putangina sa gitna ng court.

Basketball kase yung sports ngayon. Basketball lang dahil isang sport nalang daw baka kase matagalan, mag stastart yung acquaintance party within 7pm sharp kaya ngayon e alas dyes na. Sisimula ang laro ng alas onse.

Sinuot ko na din ang belt na ilalagay daw namin sa leeg namin, para ding lace.

"The cheerleader is done! Do the make up! Chop chop!"

Inis na naman ako dahil hinila naman ako ng nag oorganize samin, pina upo ako sa harap ng malaking salamin at sinimulan ng isang bakla ang pag memake up sakin.

May drinawing pa ito sa gilid ng mata ko pababa sa pisngi ko na syang nakaka agaw pansin sa malayo dahil kulay ginto ito na hinaluan ng pula.

"Done!"

Tamad akong lumingon sa salamin.

"GOD! Your so beautiful miss Mikaella!"

Napa irap ako sa sinabi nito.

"ALL READY?! GIRLS GET YOUR POM POMS AND MISS CHEERLEADER GET YOUR STAFF!"

"Bwisit."

Pagmumura ko at sasabunutin sana ang naka ponytail na buhok ng makita ang masamang tingin ng bakla, sinamaan ko din ito ng tingin kaya napa lihis sya ng tingin sa iba.

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now