Simula
Inspiration
Kring... kring... kring...
Nagising ako ng dahil sa ingay ng alarm clock ko. Muntikan pa akong mahulog ng dahil doon. Napatalon pa kasi ako sa gulat. 6:30 na pala ng umaga ang oras ngayon. Ilang oras lang pala ang naging tulog ko dahil nag-aral pa ako para sa quiz at gagawing performance namin ngayon. Kahit na gusto pang pumikit ng mata ko, pinilit kong labanan ito.
Tumayo na ako at nag inat-inat. Pagkatapos kong gawin iyon ay kinuha ko na ang aking pampalit para sa pagkatapos kong maligo.
Sobrang hirap mag-aral. Nakakastress na ewan. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko. Ito ang kailangan ko para maging maganda ang kinabukasan ko.
"Ay, oo nga pala!"
Pero bago ako pumasok sa aking banyo para maligo. Kinuha ko muna iyong laptop ko. Kailangan ko munang makita iyong taong tinitingala ko at mahal na mahal ko. Syempre, para naman ma inspire akong mag-aral ng mabuti. Para mas galingan ko pa.
Hindi lang naman talaga siya ang dahilan kung bakit inspired akong mag-aral ng mabuti. Isa lang naman siya sa mga iyon. Syempre, tungkol din ito sa aking pamilya, sa aking mga kaibigan, at syempre para na rin ito sa aking magandang future (gaya nga ng sinabi ko kanina).
Pero aaminin ko na talaga sa sarili ko. Iba pa din kapag iyong taong tinitingala at mahal na mahal mo ang inspirasyon mo. Hindi naman sa hindi ko tinitingala at mahal ang pamilya ko at mga kaibigan ko. I mean. Magkaiba kasi iyon eh. Kung baga iyong isang tinitingala at mahal ko ay parang ito na iyong taong gusto kong asawahin. Ganon. Haha. Gets mo? Ay, basta!
Inspired akong pumasok sa paaralan at mag-aral ng mabuti dahil ayaw kong masayang iyong effort nina mommy at daddy para saakin. Iyong lahat ng ibinigay nilang effort, iyong pagod nila para makapag-aral lang ako.
Kahit na sabihin ng iba na mayaman naman kami at hindi ko na kailangan mag-aral pa ng mabuti, ayaw ko pa din na masayang ang effort nila mommy at daddy sa pagpapaaral nila saakin. At saka, alam kong hindi habambuhay ay sina mommy at daddy ang gagastos sa mga pangangailangan ko. Kaya kailangan kong maging independent.
Hindi naman kasi porque lumaki akong maganda ang buhay ko. Lumaki akong anuman ang hilingin ko ay agad na maibibigay ng magulang ko, ay hindi ko na kailangan pang pag-igihan ang pag-aaral ko. Miski mayaman ka man kasi o hindi. Kailangan pa ding mag-aral ng mabuti.
Sa totoo lang, hindi talaga biro ang maghanap ng pera. Hindi mo ito makukuha kung saan-saan. Pinaghihirapan ito. Kaya ginawa ko ang lahat para lamang makakuha ako ng mataas na grado. Para naman maging masaya sina mommy at daddy para sa akin. Sa ganoong paraan ko lang kasi maipapakita sa kanila na worth it iyong effort nila para saakin.
Gaya nga ng sabi ko kanina. Pinaghihirapan ang pera. Hindi lamang ito pinupulot kung saan-saan. Kung pwede lang sanang pulutin na lang kung saan-saan ang pera. Edi kahit wag na akong mag-aral ay ayos lang. Pero, ganoon talaga ang buhay. Kailangan nating lumaban para sa magandang kinabukasan. Diba?
"Yna, tapos mo na bang magbihis? Bilisan mo diyan . Hinihintay na kayo ng daddy mo"tawag ni mommy saakin.
"Opo"tanging sagot ko naman.
Nasa mga lima pataas na taong gulang pa lamang ako ay naipamulat na saakin nina mommy at daddy ang mga ganitong bagay. Alam ko na ang mga ganitong bagay. At ngayong high school na ako, mas nadagdagan ang kaalaman ko tungkol rito. Ganito kasi ipinamulat ng aking magulang ang kung ano ang katutuhanan sa labas. Kung ano ang reyalidad na nangyayari sa mundo.
Inspired din ako ng dahil sa lalaking tinitingala ko at mahal na mahal ko. Sa totoo nga ay mayroon na akong plano pagkatapos ng pag-aaral ko at pagkatapos kong makapaghanap ng sarili kong trabaho.
BINABASA MO ANG
The Story of Us || ✓
RomanceA Writers Story Hiding Personality Language: Tagalog Genre:. Romance All rights reserved 2020