Kabanata 10
Fried Chicken
Mas tumagal pa ang mga araw, mas gumagaan pa ang loob ko sa lalaking iyon.
Sa katunayan nga ay gusto kaming pagbakasyunin ni daddy na kaming dalawa lang ni Troy.
Agad pumayag si Troy doon. At dahil pumayag siya, pumayag na din ako.
Suddenly. When he's around, I feel comfortable and secured.
Unbelievable? Yeah, I know. But that's what I really feel.
Dati iwas na iwas ako sa kaniya. Ni ayaw ko pa ngang makita ang mukha niya, at ni ayaw ko pa ngang ipakita ang mukha ko sa kaniya.
But now? Nakakapag date pa kami. A friend date, walang halong malisya para saamin. Pero para sa pamilya ko at sa iba. Meron.
"Saan mo pala gustong magbakasyon?" lumingon ako sa kaniya.
Gusto kasi ni daddy na kami ang magdesisyon kung saan daw kami magbabakasyon dahil kami naman daw ang magbabakasyon hindi daw sila. Tama nga naman.
"Wala pa akong naisip eh"tumango siya sa sinabi ko "Ikaw ba?"
Marami akong alam na lugar. Pero hindi ko maisip kung saan ko gusto.
"Wala ka pang naisip eh"binatukan ko siya.
Ganiyan na kami ka close ngayon. Nababatukan ko na siya gaya ng ginagawa ko sa mga kaibigan ko.
Pero, don't worry. Hindi naman ako masakit mambatok.
"Sira!"
May nakita akong fishball-an, kaya tinuro ko iyon.
Gusto kong kumain non. Nagugutom nanaman ako eh.
Naglalakad kasi kami ngayon dito sa park. Kakatapos lang namin kumain ng pizza kanina. Pero dahil sa malayo nanaman ang nalakad namin, napagod nanaman ako. At kapag pagod ako, nagugutom ako. Haha.
"Bili tayo!" masayang sabi ko sa kaniya. Tumakbo na ako agad doon sa kung saan ko nakita iyong fishball-an.
Minsan nalang ulit akong makakain ng fishball, kaya sobrang saya ko na makakakain ulit ako nito.
"Hindi mo naman ako hinintay!"humihingal na sabi ni Troy "Ang bilis mo talaga pagdating sa pagkain"sabi niya sabay tusok sa binili kong fishball.
"Hay naku, kasalanan ko pa ba kung napakabagal mo?"
Ang bagal-bagal niya kasi eh, kaya ayan tuloy naiiwan siya.
Napakaburaot naman ng lalaking ito. Siya na yata ang uubos sa binili kong fishball eh.
"Hoy! Bumili ka nga ng sayo. Inuubos mo na iyong akin eh!"reklamo ko sa kaniya.
Grabe! Lilimang piraso nalang ang natira sa dami ng binili kong fishball!
Akala ko ay bibili na siya ng fishball niya. Pero bigla niyang inagaw ang binili ko at siya na ang tuluyang nag-ubos no'n.
Ano nanamang trip ng lalaking ito?!
"Oy buraot!"sigaw ko sa kaniya. Nagulat pa ang ilang bumibili ng fishball sa ginawa kong pagsigaw, kaya nahiya tuloy ako.
At ito namang lalaking buraot na ito nagawa pang tumawa dahil napahiya ako. Babatukan ko sana uli siya ng bigla siyang tumakbo.
"Habulin mo'ko"sabi ng lalaking buraot na ito.
BINABASA MO ANG
The Story of Us || ✓
RomanceA Writers Story Hiding Personality Language: Tagalog Genre:. Romance All rights reserved 2020