18

24 17 0
                                    

Kabanata 18

Moment

Paulit-ulit kong tinatanong sa isipan ko kung handa na ba ako para dito. Mayroong parte na nagsasabi saakin na tanggapin ko na ang alok niya. Ngunit mayroon ding parte saakin na tumatanggi.

Nakatingin lang kami sa isa't-isa habang hinihintay niya ang sagot ko. Nakakabilib ngang ni hindi ko man lang magawang mailang, dahil sa tagal ng pagkakatitig namin sa isa't-isa.

"S-sige"mahina kong sabi.

Sa huli. Napagdesisyunan ko pa din na pumayag na lang sa alok niya. Mayroon mang kaba at hiya sa akin. Napag isip-isip ko kasi na sayang din ang pagkakataon kapag tumanggi pa ako.

"What?"

Tumikhim muna ako at saka tumayo ng maayos at nameywang sa harapan niya. Kailangan kong ipakita sa kaniyang hindi ako kinakabahan sa presensiya niya ngayon.

"Sige"matigas kong sabi sa kaniya.

Hindi ko alam kung narinig ba niya ang sinabi ko o hindi. Hindi man lang kasi siya nagreact or what. Nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko at nakatitig saakin.

Malakas naman ang pagkasabi ko sa pagkakataong ito. Pero bakit parang hindi niya naman yata narinig ang sinabi ko?

"Ahmm. Narinig mo ba ang sinabi ko?"

Kahit hindi niya naman makikita, nagawa pa ding maningkit ng mata ko ng itanong ko ito sa kaniya. Bingi ba siya?

"A-ahh yes"tumikhim muna siya."So. Kailan mo gusto?"

Napatayo siya ng tuwid at nameywang, saglit siyang nagbaba ng tingin. Ng magtama muli ang aming mata, kita ko ang pagkinang nito-- ay mali! imahinasyon ko lang yata iyon.

Hindi ko naman makumpirma kung masaya ba siya or hindi, dahil sa suot niyang mask. Parang sa pagkakatanong niya saakin ay, parang ecited siya. Siguro, isa nanaman ito saaking imahinasyon.

Kung pwede lang sanang alisin ko iyong mask niya para lang malaman ko na kung tama nga ba ang hinala ko, ay kanina ko pa siguro ginawa.

Nag-isip ako kung kailan ba kami lalabas na dalawa. Sa totoo lang, hindi naman talaga mahirap mamili kung kailan. Ang kaso lang naman saakin, ay iyong hindi ko alam kung kailan ako handa para dito.

Parang nabibigla kasi ako sa mga pangyayari ngayon. Parang sobrang bilis naman yata. Hindi pa kasi ako nakaka-adjust kung baga.

"Saturday?"sa huli. Ito na lang din ang napagdesisyunan ko.

Kakasabi ko pa lang sa isipan ko kanina na hindi pa ako nakaka-adjust sa mga pangyayari. Pero ti-na-traydor talaga ako ng puso ko eh.

"Sige ba"mabilis na pag sang-ayon niya sa sinabi ko.

Humakbang siya ng isang beses papalapit saakin. Hahakbang na sana ako paatras. Pero pinigilan kong gawin ito. Walang sino man ang makakatinag saakin ngayon.

Nung una ay kinabahan pa ako, dahil akala ko ay may gagawin siya saakin. Pero ng mas lumapit na ang distansiya naming dalawa, sasabihin niya lang pala saakin kung saan kami magkikita.

Titig na titig lang ako sa kaniya habang sinasabi niya saakin ang detalye ng pagkikitaan naming dalawa. Bukod sa kaniyang napakagandang mata. Napansin ko din ang napakaganda at makapal na kilay niya.

Mas nabubuhayan tuloy ako ng loob na mas makilala pa siya at makita ang buong pagmumukha niya ng dahil dito. Parang bumalik ulit iyong dating ako. Iyong dating Yna, na sobrang pinapangarap na makita at makilala ang lalaking kaniyang mahal na mahal.

The Story of Us || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon