15

27 20 0
                                    

Kabanata 15

Happy

"Kain pa"

Sabi saakin ni Troy. Nandito ulit kaming dalawa sa favorite place namin. Sa park.

Naging favorite place na namin itong lugar na ito. Dahil madalas kaming pumupunta dito. At saka, maganda ang paligid. Parang nawawala ang mga problema namin kapag nandito kami sa lugar na ito.

We're having a picnic. Bagong pakulo niya. Kung ano-ano na lang ang naiisip niya. Pero aaminin ko, masaya naman ang pakulo niyang ito. Lalo na at madami ang pagkain na hinanda niya para dito.

"Food is Life"

"Try this. Niluto ko to, I'm sure na masasarapan ka."

Nagbibiro ba ito? Tinitigan ko ang mukha niya. Hindi ako naniniwala sa pinagsasabi niya.

"I know what you're thinking. Maniwala ka man o sa hindi. Ako talaga ang nagluto nito. Promise"

Nagkibit-balikat ako. Promise daw sabi niya eh. Alam ko naman na kapag nag-promise siya saakin ay totoo iyon. Matikman nga ang luto ng lalaking ito.

Mmm... In fairness, ang sarap. Ang galing niya ah, pano siya natuto magluto ng ganito?

At saka, nakakabilib din. Kasi minsan nalang ako makakita ng lalaking marunong magluto, tapos ang sarap-sarap pa ng niluto niya.

"Ang sarap"tumatango-tango pa ako ng sabihin ko ito.

"I told you"ngumiti siya.

"Sino nagturo sa'yo?"

"My mom. And somtimes, my dad"

"Sana all"

Napuno nanaman kami ng tawanan. Mapapa sana-all nalang talaga ako. Haay, kailan kaya maiisipan nina mommy at daddy na payagan kami sa mga gawaing bahay?

Masyado nila kaming bini-baby. Buti nalang talaga at natuto akong magluto, kahit na pinagbabawalan kami ni mommy at daddy.

Sabi nga kasi nila. "Kung gusto mo, madaming paraan. Pero pag ayaw mo, madaming dahilan".

Gustong-gusto kong matutong magluto, kaya gumawa ako ng paraan. Alam ko kasing balang araw ay kakailanganin ko din ang bagay na iyan. Balang araw ay magkakaroon ako ng pamilya, at kailangan kong magluto para sa kanila. Kaya, ginawa ko ang lahat ng paraan para matuto ako.

Kahit na labag sa kalooban ito nina mommy at daddy. Alam ko sa sarili kong magagamit ko din ito sa tamang panahon. Kaya, ginawa ko pa din ang bagay na ayaw nilang gawin ko.

"Thanks sa pagsama mo saaking bumili ng sarili kong sasakyan"

Yes. Tama ang nabasa niyo. Finally, nakabili na din ako ng sarili kong sasakyan. Ang sasakyan na bunga ng aking paghihirap.

Parang bagong achievement nanaman ang nakuha ko. Nakaka proud. Sobrang nakaka proud na kaya ko palang magawa ang bagay na ito.

Akalain niyong lumaki akong pwedeng bilihin ng magulang ko ang anuman ang gustuhin ko. Isang sabi ko lang sa gusto ko ay maibibigay na nila ito kaagad saakin.

Pero iba ang feeling na sa sariling pagsisikap mo talaga makukuha ang mga gusto mong ito. Sariling pawis, sariling pagod. Talagang nakaka proud.

Iba ang feeling na hindi ka nagdedepend sa pamilya mo ng kung ano man ang gusto mong makuha. Iba ang feeling na kaya mo palang mag stand ng walang tulong ng iba.

Pero hindi iyong sobra ah. Iyong to the point na, nagiging makasarili ka na. Iyong ayaw mo na talagang magpatulong sa iba. Ibang topic na iyon.

Iba talaga ang feeling. Ang saya na parang may mas hihigit pa sa salitang saya.

The Story of Us || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon