11

28 20 0
                                    

Kabanata 11

Ready

"May naisip na kayong lugar?"si daddy.

Tinutukoy niya iyong pagbabakasyunan namin ni Troy. Nandito kami ngayon sa aming hapag kainan, nanananghalian.

Kasama din naming mananghalian ang lalaking buraot at matigas ang ulo. Katabi ko ulit siya ngayon.

"Meron na po"sabi ng katabi ko.

Meron na siyang naisip pero hindi niya man lang sabihin saakin kung saan. May pa sikreto-sikreto pa siyang nalalaman, hayyssst.

Tinanong siya ni daddy kung saang lugar iyon. Pero ang sagot lang ng lalaking buraot na katabi ko, ay sasabihin niya nalang daw mamaya. Ayaw talaga niyang malaman ko ah.

"So, ilang araw po kami doon?"tanong ko.

Kailangan ko din talagang malaman kung ilang araw kami doon. Para naman makapag-leave ako ng maayos sa work ko. Buti nalang at maluwag na iyong mga gawain namin sa trabaho, kaya panatag ang loob ko na papayagan ako.

"5 days?"

5 days?! Ang tagal naman nun.

"3 days nalang po, pwede?"pagpupumilit ko.

Baka naman kasi kapag papasok na ulit ako sa trabaho ay matambakan na ako ng kailangan kong gawin. I dont want that.

"Ok"sabi ni daddy

Nakapagpaalam na ko sa trabaho ko na 3 days akong di makaka pasok. And I'm happy na pumayag sila.

I can't wait! Excited na'ko!

"Ate Yna. Tapos ka na po?"tanong ni Tina.

"Oo, wait lang"sagot ko

Nag-aayos ako ngayon dahil may pupuntahan kami.

Gusto ko kasing ipasyal ang dalawang magkapatid at si Zein bago kami magbakasyon ni Troy.

Gusto kasi nilang sumama sa bakasyon namin, gusto ko din na isama sila. Pero hindi pumayag si daddy.

So, I decided na i treat ko nalang silang tatlo. Pumayag naman sila sa offer ko.

"Ready na kayo?"I asked when I came out to my room. Nakangiting sumalubong saakin si Zein, Berryl at Tina.

"Opo!"halos sabay na sabi ng tatlo.

Sabay-sabay na kaming bumaba. I think they're super excited? Halos takbuhin na kasi nila ang hagdan pababa eh.

At nung nakababa na kaming apat. We saw a 'hard headed buraot man' standing, waiting for us.

Haha! Nice name. Sounds funny.

"Alis na tayo?" the 'hard headed buraot man' asked.

Hindi na sumagot pa ang tatlo. Tumakbo na sila papunta sa aming sa-sakyan.

Kasama din naming mamasyal ang lalaking ito dahil gusto din siyang makasama ng tatlo. So I have no choice, kundi pumayag nalang.

Pumunta muna kami sa park, dahil gusto daw nila doon.

Naglakad-lakad kami doon. Naglaro kami ng taguan at habulan. At kumain.

Sobrang saya namin, at the same time pagod din.

Parang mga bata lang noh? Syempre, mayroon kaming dalawang kasamang bata rito na sina Beryl at Tina, at isama mo pa ang dalawang isip bata na si Zein at Troy, kaya pati tuloy ako ay nahawa.

"Ate Yna, pwede po bang mag ice cream?" tanong ni Tina saakin.

We're now sitting under the tree. Dito namin napiling magpahinga pagkatapos ng pinaggagawa namin.

The Story of Us || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon