Kabanata 31
Place
"Oh Dynon!"nagugulat na sabi ko.
Nagkasalubong kasi kaming dalawa sa pintuan nang papalabas na ako.
Tinitigan ko itong mabuti. Mayroon itong mga dalang paper bag na nasa higit kumulang 15 na piraso.
"Good morning Yna!"malaking ngiti nito saakin.
"Hah? G-good morning"nauutal ko pang sabi.
Akala ko ba titigilan na niya ako? Pero ano at nandito siya ngayon?
"Dynon... Bakit ka nandito?"pilit kong pinipigilan na mautal.
"Kung iniisip mong nandito ako upang ligawan ulit kita. Nagkakamali ka"di pa rin nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. "Nandito ako para bumisita"
"Ahh ganoon ba?"Pheww... Masaya akong napabuntong hininga.
Buti nalang. Akala ko pa naman kung ano na.
"Heto nga pala oh. May binili rin ako sa'yo"inabot ni Dynon saakin ang dalawang paper bag.
"Ano... Pero..."
"Sige na... "pagpilit ni Dynon.
"Sige na nga"malawak na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya pagkaabot ko sa mga pinamili niya para saakin "Thank you"
"May pupuntahan ka ngayon?"
"Oo"sabay tango ko.
"Ganoon ba? Si Tina at Berryl nga pala. Nasaan sila?"
"Ahh. Nandoon sila sa loob"
"Sige. Puntahan ko na sila sa loob"
"Okey"sabay tango ko.
"Ingat ka"
"Thank you ulet. Bye"paalam ko na sa kaniya.
Nag-umpisa na rin akong maglakad papunta saaming gate. Agad ko namang nakita si Troy na naghihintay doon.
"Ready ka na?"tanong ni Troy saakin na tango lamang ang isinagot ko.
Agad namang binuksan ni Troy ang pintuan ng kaniyang sasakyan. Pumasok na rin naman agad ako roon. Lihim rin akong napangiti ng dahil sa ginawa niya.
Namiss ko talaga ang mga ganitong galawan niya sa tuwing magkasama kaming dalawa dati.
"Sino nga pala iyong lalaki kanina?"tanong ni Troy habang siya ay nagmamaneho at ang kaniyang paningin ay nasa harapan.
"Si Dynon. Kaibigan ko siya"tipid na sagot ko.
Nakakaramdam kasi ako ng pagkailang. Sa tagal ng panahong hindi ko siya nakita at nakasama. Parang ang hirap nang ibalik iyong dating closeness naming dalawa.
"Ahh"sabay pag tango-tango niya.
Agad naman kaming nakarating sa balak naming puntahan. Sa lugar na pinakapaborito naming dalawa.
Sa park....
Hindi ko tuloy mapigilan ang aking sariling mangiti ng napakalaki. Nung nakaraan lamang ay sobrang nalulungkot ako ng dahil sa mag-isa lamang akong pumunta rito. Pero ngayon, sobrang saya ko na dahil muli ay nandito na si Troy at kasama ko na siya.
"Yna. May gusto sana akong itanong"
Sabi ni Troy pagkatapos naming ilatag ang tela at ang mga pagkain na dinala namin. Pareho na kaming nakaupo ngayon.
BINABASA MO ANG
The Story of Us || ✓
RomanceA Writers Story Hiding Personality Language: Tagalog Genre:. Romance All rights reserved 2020