22

27 17 0
                                    

Kabanata 22

Bipolar

Huli na ng malaman naming mayroong sakit ang kapatid ko. Kung sana ay pinagtuunan na namin ito ng pansin nung una pa lamang na may maramdaman kaming kakaiba sa kaniya, hindi na sana lumala pa ng ganito ang kalagayan ni Zein.

Pakiramdam ko tuloy ay ang sama-sama ko ng ate. Ni hindi ko man lang naalagaan ng maayos ang nakababata kong kapatid. Ni hindi ko man lang nabantayan na mayroon na pala siyang ganitong sakit.

Ilang beses ko ng napansin ang mabilisang pagbabago ng kaniyang emosyon. Ngunit hindi man lang ako gumawa ng paraan para roon. Hindi ko man lang sineryoso ang kalagayan ng kapatid ko.

Bakit naman ganito ng nangyari kay Zein? Bakit naman siya pa ang nagkaganito? Sana ako na lang. Sana saakin na lang nangyari ang lahat ng ito. Hindi ko kayang makita ang kapatid kong nahihirapan.

"Sana ako na lang"humahagulgol nanamang sabi ko. Hindi ko nanaman makontrol ang emosyon ko.

Gustuhin ko mang itigil ang aking pag-iyak. Ngunit ayaw makisama ng sarili ko. Ang hirap-hirap na. Pagod na akong maging mahina. Pagod na pagod na ako.

"Ate Yna..."umiiyak na sabi nina Tina at Beryl. Kanina pa nila ako pilit na pinapahinto sa pag-iyak. Gustuhin ko mang itigil na ang pag-iyak, ngunit hindi ko talaga kayang kontrolin ang emosyon ko. Napakahina ko.

"Sana hindi na lang ito nangyari kay ate Zein niyo. Sana saakin na lang"sabi ko kina Tina at Beryl.

"Ate Yna. T-tama na po. Gagaling d-din po si ate Zein."hindi pa rin tumitigil si Beryl sa pagpapalakas ng aking loob.

Ilang araw na rin ang nakalipas. Ng malaman nina mommy at daddy ang tungkol sa kalagayan ni Zein. Hindi na sila nagsayang pa ng oras. Agad-agad nilang inayos ang lahat upang ipagamot si Zein dito sa ibang bansa.

Nandito na kami ngayon sa ibang bansa. Dito napagdesisyunan nina mommy at daddy na ipagamot si Zein. Kaming magkakapatid at sina Tina at Beryl ay sumama rin.

Habang hindi pa tuluyang gumaling si Zein sa sakit niyang bipolar. Dito muna kami maninirahan. Dito muna kami magtatrabaho ni ate Xien. At dito muna itutuloy nina Tina at Beryl ang kanilang pag-aaral.

Hindi ko alam kung kailan tatagal ang paggamot kay Zein sa kaniyang sakit. Hindi ko alam kung kailan kami makakabalik sa Pilipinas. Ngunit sa mga panahong ito, hindi ko na iniisip iyon.

Mas mahalaga ang kalagayan ngayon ni Zein. Kaya kahit na ilang buwan o taon pa ang itagal namin dito sa ibang bansa, wala akong pake. Basta ay gumaling lamang si Zein, masaya na ako.

Mayroong bipolar si Zein. Matagal na itong inililihim saamin ni Zein. Alam niyang mayroon siyang sakit na ganito. Ngunit imbes na sabihin niya ito saamin, mas pinili niya pa rin itong ilihim saamin.

Natatakot kasi siya sa maririnig niya tungkol saamin, sa oras na malaman namin ang sakit niyang ito. Natatakot siyang isipin naming baliw siya, na may sira siya sa utak. Na kahit na pamilya niya kami, hindi niya raw makakayanang ipagtabuyan siya ng dahil sa sakit niyang ito.

Which is. Maling-mali. Hindi namin magagawang pag-isipan siya ng ganito. Kapatid ko siya. Kadugo ko siya. Kadugo namin siya. Bakit naman namin siya pag-iisipan ng ganoon? Mas lalo pa namin siyang mamahalin at aalagaan ng dahil dito. Never namin siyang ipagtatabuyan.

Nalulungkot tuloy ako. Kung bakit ba naman kasi ganito ang agad na pumasok sa isipan ni Zein. Wala ba siyang tiwala saamin? Hindi ko kasi matanggap iyong part na iyon eh. Paano niya nagawang pag-isipan kami ng ganoon? Maling-mali talaga iyon. Mahal na mahal namin siya. Hindi namin iyon magagawa sa kaniya.

The Story of Us || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon