Kabanata 6
Close
"Hey, Yna. I'm asking you. May sikreto ka pa bang di ko nalalaman?"
"Hmm, oo"yumuko ako. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ito kay Kate.
"Ano iyon?"
"Hmm..."tumuwid ako sa pagkakaupo ko. Tinignan ko na uli ang mga mata ni Kate.
"Hmm"panggagaya niya saakin.
"Iyong dahilan kung bakit di ko pa sinasagot si Troy"
"Oh" namilog ang mata niya, saka bahagyang napalayo. "Anong sikreto mo doon?" nakatagilid na ang ulo niya ng tanungin niya ito, naguguluhan.
"Kasi nangako ako"
Tumingin siya sa kaniyang relo.
"Yna, alam mo? Kung bitin-bitin iyang sasabihin mo saakin, baka gabi na tayo matapos dito!" pagtataray niya saakin.
"Okey, okey." iniharap ko pa ang aking mga palad sa kaniya, parang pinapakalma siya.
Huminga ako ng malamin na malalim upang maalis ang hiya at kaba sa loob ko.
"Diba pag nagbitiw ako ng pangako ay tinutupad ko?" tanong ko sa kaniya, tumango naman siya saakin.
"Kasi nagbitiw ako ng pangako sa sarili ko at sa writer na gusto ko"naningkit ang mga mata ni Kate.
"May nakausap ka ng writer sa personal?"tanong niya. Umiling ako agad sa kaniya.
"No, actually sa picture lang." kinuha ko ang laptop ko at ipinakita ko sa kaniya ang picture ng sinasabi kong gusto kong writer.
"Si 'DarkTrace' yan diba?"tanong niya. I nodded
"May binitawan akong pangako sa kaniya at sa sarili ko" tumigil ako saglit "Nangako ako na hanggat hindi ko pa nakikita ang buong mukha niya, at hanggat hindi ko pa nalalaman ang pangalan at ang background niya. Hinding. Hindi. Ako. Magmamahal. Ng. Iba. Kundi. Siya. Lang."diniinan ko ang pagkasabi ko sa mga binitawan kong pangako.
"Edi paano kung hindi mo siya makita man lang sa personal at malaman ang buong pagkatao niya?"
"Edi kailangan kong tuparin ang pangako ko"inilapat ko ang dalawa kong kamay sa aking higaan, sa bandang likuran ko upang suportahan ang aking katawan.
"Wag mong sabihin saakin na kapag hindi mo pa nagawa ang pangako mong iyan ay tatanda ka na ng dalaga?"
"That's a promise. Kaya kung hindi ko nagawa iyan, tatanda nga talaga akong dalaga"
"Are you dumb? It's just a promise! Bakit kailangan mo pang gawin iyan!?"bahagyang tumaas ang boses ni Kate at napatayo siya, kaya napatayo din ako.
"Kate? Hey, kumalma ka nga" pagpapakalma ko kay Kate.
Kita ko ang pag taas baba ng kaniyang dibdib. Pinapakalma ang kaniyang sarili.
"I'm sorry" sabi niya ng kumalma na siya.
Umupo na uli kami sa aking kama. Iniiwas niya ang kaniyang tingin saakin.
"Bakit naman kasi ganiyan Yna?" sabi ni Kate pagkatapos ng ilang minuto naming pananahimik.
"Kasi ganito ako" diretsang sabi ko sa kaniya. "Hindi mo ba matanggap ang pagkatao kong ito Kate? Ang ganitong ako?"
Mabilis na napagawi ang kanina pang iniiwas na tingin ni Kate saakin. Nanlaki pa ang mata ko ng bigla niya akong yakapin.
"I'm sorry. Yna, mahal na mahal kita. Alam mo iyan. Pero kasi..."
BINABASA MO ANG
The Story of Us || ✓
RomanceA Writers Story Hiding Personality Language: Tagalog Genre:. Romance All rights reserved 2020