Kabanata 24
Shock
Sa bawat araw na lumilipas na hindi ko nakikita si Troy. Parang isa-isa ring nagkakaroon ng wasak ang aking puso. Na kahit ano mang tanggi ko. Ito pa rin talaga ang nararamdaman ko.
Totoo nga ang sinasabi nila.
Makikita mo lang ang halaga niya kung kailan huli na ang lahat.
Padabog kong inihiga ang aking sarili sa aking higaan. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon.
Bakit naman nangyari ang lahat ng ito saakin?
Bakit kailangan ko pang masaktan ng ganito?
Napatitig na lamang ako sa aking kisame. Nag-umpisa nanamang magsi tuluan ang aking mga luha. Halos araw-araw na akong umiiyak. Ngunit ni hindi man lang makaramdam ng pagod ang aking mga mata.
Nakakausap ko na siya. Nakakatabi ko na siya. Nakakabiruan ko na siya. Ngunit bakit hindi ko man lang pinahalagahan ang mga araw na kasama ko pa siya?
Ngayong wala na si Troy. Ngayong hindi ko na siya makikita pang muli. Ngayon ko naman siya hinahanap-hanap. Ngayon kung kailan huli na ang lahat.
Walang ano-ano'y natagpuan ko na ang sarili kong nakasubsob na sa aking unan. Nakadapa ako at hindi ko pa rin napapalitan ang suot kong damit galing sa trabaho.
Bakit ganito na lamang ang epekto mo saakin Troy? Bakit sobrang sakit?
"Kate. May update ka na ba?"
Tanong ko kay Kate habang lumalakad kami papunta sa spot na napag-usapan namin kung saan ay doon kami magkita-kitang magkakaibigan.
"Wala pa eh"
Pinag-uusapan namin ang tungkol kay Troy. Napag-isipan kasi namin ni Kate na ipahanap ito. Ngunit ilang buwan na rin ang lumilipas. Wala talaga kaming mahanap-hanap.
Nawawalan na rin ako ng pag-asang makikita ko pa siya. Ngunit hindi pa rin magawang sumuko ng aking puso. Pilit pa ring lumalaban ito.
Ang malaman kong muli na wala nanamang nalaman na impormasyon tungkol kay Troy ay siyang nagpabago ng aking emosyon. Kaya tuloy ay napalitan nanaman ng lungkot ang aking mukha.
"Oh. Bakit nanaman malungkot ito?"iyon agad ang bungad ni Reign ng makita niya kami ni Kate.
"Dahil kay Troy"simpleng sabi ni Kate.
Mabilis akong napalingon kay Kate.
"Hindi ahh"reklamo ko sa kaniya.
"Achuchu. Wag ka ng magkunwari pa Yna"si Kate.
Umiling-iling ako "Hindi... Ano k-kasi... Masakit lang iyong ngipin ko"
"Asus. Acting pa nga" si Reign. Iginiya niya na rin kami papunta sa isang lugar kung saan kami kakain ngayon.
Marami silang inorder na pagkain kaya'y nasiyahan ako. Medyo nabawasan ang lungkot ko. Hayyy... Kaya mahal na mahal ko ang mga pagkain eh.
Mabilis naman naming naubos ang pagkain namin. Mukhang bitin pa nga saakin iyon. Kaso, nakakahiya naman kung hihirit pa ako diba?
"Oh. Akala ko ba masakit iyong ngipin mo?"sabi Reign habang pinupunasan niya ng tissue ang kaniyang bibig.
"Ano...Biglang nawala eh.. "
Gusto kong iuntog ang sarili ko ngayon ng dahil sa sinabi kong dahilan.
"M-mali pala haha. Ano... Masakit naman talaga iyong ngipin ko eh haha"
BINABASA MO ANG
The Story of Us || ✓
RomanceA Writers Story Hiding Personality Language: Tagalog Genre:. Romance All rights reserved 2020