Kabanata 19
Excited
Nagising na lamang ako sa sunod-sunod na ingay ng tunog ng aking cellphone. Kahit sobrang antok pa ako, pinilit kong imulat ng aking mata upang makita kung ano nga ba ang nangyayari sa cellphone ko. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko dahil parang nanlalabo pa ito ng dahil sa pagka kulang ko sa tulog.
Humihikab kong inabot ang cellphone ko sa lamesang nasa gilid ng aking higaan habang nakadapa. Natagalan pa akong makuha ito, dahil ni paggalaw ng aking sariling kamay ay nahihirapan ako. Inaantok din yata itong kamay ko, kaya hindi ko man lang magalaw ng maayos.
Para akong pinagbagsakan ng langit at ng lupa ng malaman ko kung ano nga ba ang dahilan kung bakit nag-iingay itong cellphone ko. Malakas akong napabuga ng hangin. Naibagsak ko din sa bandang gilid ko ang aking kamay na kung saan ay nakahawak doon ang aking cellphone.
"Ang aga-aga. Ano ba naman iyan"
Saglit pa akong pumikit. Nang imulat ko nang muli ang aking mata, tinignan kong muli ang aking cellphone. Isa-isa kong binasa ang mga mensahe ni Kate saakin, na siyang nagpasira ng aking magandang tulog.
kategaldones_
Good morning Yna!
kategaldones_
Kamusta na beshy?
kategaldones_
Napakaganda ng araw ngayon noh?
Napabuntong hininga ako ng mabasa ko ang mensahe niyang ito. I knew it.
kategaldones_
Napakasaya ng paligid
kategaldones_
Napakasarap pagmasdan
Hay. Sabi ko na nga ba at pinagti-tripan nanaman ako ng babaeng ito. Sinira niya pa talaga ang napakagandang tulog ko.
katgaldones_
Napakasarap langhapin ng simoy ng hangin
kategaldones_
Napakasarap sa pakiramdam. Alam mo iyon?
Napaka abnormal talaga nitong babaeng ito. Hay...
kategaldones_
Nakatulog ka ba ng maayos?
Aba. Nakuha niya pa talagang magtanong ha?! Grr! Napakasama talaga ng babaeng ito.
Magta-type na sana ako ng isasagot ko sa napakagandang katanungan niya. As in. Napakagandang katanungan talaga. Nakakataas na nga ng blood pressure ang sobrang naapakagandang katanungan niyang iyan eh.
kategaldones_
Siyempre hindi.
Ayun. Siya na ang sumagot sa sariling niyang tanong para saakin. Abnormal talaga. Buti at alam niyang hindi ako nakatulog ng maayos. Syempre. Siya ang dahilan non eh. Kaya dapat lang na alam niya iyon noh.
yna_fey
Kate!!!!!!!! Ang aga-aga pinagtitripan mo nanaman ako!!!!!!!!!
Ang dami na ng exclamation point ko diyaan ah. Sana naman at maintindihan niyang galit ako sa kaniya.
At buti na nga lang talaga at naintindihan naman ni Kate na galit ako sa kaniya. Sorry naman daw, sabi niya. Kasi nga sobrang excited niya lang daw. Hindi niya na daw kasi makontrol ang sarili niya. Kaya ayun binulabog niya ako. Saakin niya binuhos lahat ng kaabnormalan niya.
BINABASA MO ANG
The Story of Us || ✓
RomantikA Writers Story Hiding Personality Language: Tagalog Genre:. Romance All rights reserved 2020