3

47 32 4
                                    

Kabanata 3

Gym

Marami ng araw ang lumipas. Mas napapadalas ang pagbisita ni Troy sa bahay namin, kaya mas napapadalas din ang pagkulong ko sa kwarto.

Ayaw kong nakikita ko siya at ayaw ko ding nakikita niya ako. May gugustuhin ko pang magkulong para magbasa at ituloy na lang ng kwento na aking ginagawa kaysa magpakita sa taong iyon.

Well, para saakin. Books are more handsome than men. Pero syempre, kapag pinag-uusapan na natin ang tungkol sa author ng libro na iyon. Then, I'm wrong. Suko talaga ako.

Again. Hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit siya pumupunta rito palagi. Ayaw ko din naman kasing alamin.

Siguro dahil kay daddy? Dahil pinapunta nanaman siya ni daddy dito?

Bakit ko ba iniisip ang dahilan? Wala naman akong pake diyaan. Kakasabi ko nga lang ih. Wala akong pake. I. Don't. Care.

Dahil sabado ngayon at day-off ko. Nandito nanaman ako sa kwarto ko nagkukulong, nagbabasa at gumagawa ng kwento. Alam kong nandito nanaman si Troy sa bahay, rinig ko ang ingay niya at ng pamilya ko sa labas.

Ang aga pa lang ay nandito na siya. I mean sobrang aga pala. Akalain mo, mga seven ako nagising kanina, rinig ko na ang boses niya. Napaka-imposible ng lalaking ito.

Dahil sobrang aga niya ngayon. Wala akong choice kundi dito na lang sa kwarto ko kumain, tatawagin ko na lang si Manang Lina mamaya para ihatid ang pagkain ko. Ayaw ko lumabas dahil baka makita niya ako.

Ng hindi ko na marinig ang boses ni Troy at ng pamilya ko. Napagdesisyunan ko ng kumain na, dahil nagugutom na talaga ako. Hinintay ko munang mawala sila, tiniis ko ang gutom ko.

"Manang Lina" sigaw ko

Hinintay ko pa si Manang Lina na sumagot, pero hindi iyon nangyari.

"Manang Lina" sigaw ko ulit

Naghintay ulit ako, pero wala nanamang Manang Lina na sumagot.

"Manang Lina, pwede po bang ipunta niyo na lang po dito iyong pagkain ko?"

Kinumpleto ko na lang ang gusto kong sabihin kay Manag Lina. Nagbabakasakaling maririnig niya ako.

Dahil wala pa din akong narinig galing kay Manang Lina, sumuko na lang akong makakakain ako ngayong araw.

"Sige po Manang Lina, kahit huwag nalang po."

Itutulog ko nalang siguro mamaya ang gutom ko. Pero ngayon? Itutuloy ko na lang muna iyong ginagawa kong kwento.

Habang titutuloy ko iyong ginagawa kong kwento. Isang malaking ngiti ang biglang sumilay saaking labi. Napakasaya ko. Sa bawat paggawa ko ng kwento, gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ano nga ba ang dahilan. Pero okey na iyon. Atleast masaya ako.

Wait. Sa tingin ko ay alam ko na ang rason kung bakit. Kasi sa bawat paggawa ng kwento ay nailalabas ko ang mga bigat na nararamdaman ko sa loob ko. Kaya heto nga siguro ang dahilan kung bakit gumagaan na lang bigla iyong pakiramdam ko kapag nagsusulat ako.

Dati, nung bata pa lamang ako. Ang pamilya ko ang sandalan ko sa bawat oras na nalulungkot ako at pinanghihinaan ng loob.

Pero nang marealize ko na nasasaktan at nalulungkot din pala ang pamilya ko kapag nakikita nila akong ganoon, ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na ipapakitang muli sa kanila na nalulungkot ako at pinanghihinaan ng loob.

Ayaw kong nakikitang nasasaktan at nalulungkot sila ng dahil saakin.

Kaya sa bawat oras na nalulungkot ako at pinanghihinaan ng loob, ang paggawa ng kwento ang naging sandalan ko. Ang paggawa ng kwento ang naging dahilan kung bakit natutong maging matatag ang isang ako(kahit papaano).

The Story of Us || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon