Kabanata 20
Eat
Masaya kaming kumain ni Kate at namasyal kung saan-saan, hanggang sa dumating na iyong oras na pinakahihintay namin. Masyado kaming excited na makita namin siyang muli. Kaya hindi talaga kami mapakali ni Kate.
Sino ba naman ang hindi mapapakali kung ang writer na hinahangaan mo at mahal na mahal mo ay makikita mo na? At sa kaso ko ngayon. Hindi ko lang siya basta-bastang makikita. Makakalapit pa ako sa kaniya.
Hay... Gusto ko na talagang himatayin. Hindi ko maipaliwanag ang kung anong nararamdaman ko ngayon. Parang magkahalong saya, kilig, kaba, hiya, inis---Oo, inis.
Kasi naman eh. Kahit na mata pa lamang ang nakikita ko sa buong pagmumukha niya. Nagagawa niyang iparamdam saakin ang hindi maunawaang pakiramdam na ito.
Paano pa kaya kung makita ko ng talaga ang buong pagmumukha niya? Edi mas malala nanaman ang mangyayari saakin. Hay naku. Bakit ganito ang epekto niya saakin. Nakakabilib talaga siya.
Hindi na tuloy ako makapag hintay na lubusang makilala pa siya at mapalapit sa kaniya. Hindi na din ako makapag hintay na makita ko na ang buong pagmumukha niya.
"Ahm. So, kamusta?"
Parang hindi pa din talaga ako makapaniwala na nangyayari itong lahat ng ito. Parang nasa isa pa rin akong panaginip at ayaw ko na talagang magising pa. Hindi talaga ako makapaniwala na nasa harap ko na talaga siya.
"H-huh?"
Natutulala nanaman tuloy ako ng dahil sa kaniya. Parang hindi nanaman nagpa-process ng maayos ang aking utak. Parang pinipigilan ito ng puso ko na sobrang lakas na ng tibok, na tila'y nagwawala na.
Parang mayroong sariling buhay ang aking puso na nagagawang pigilan ang pag-proseso sa ibang parte ng aking katawan. Parang ito na ang siyang nangunguna sa lahat at sinasabing manatili lamang akong nakatitig sa lalaking nasa aking harapan.
Mas lalo pang pinangungunahan ng aking puso ang lahat ng parte ng aking katawan, ng matitigan ko na ang kaniyang mga magagandang mata. Para akong hinihinpnotismo nito. Para akong dinadala nito sa ibang lugar kung saan ay ngayon ko pa lamang ito nakikita.
"Kamusta naman ang nagdaang araw mo?"tanong nito.
"Ano?"
Hindi talaga magawang mag proseso ng maayos ng aking isipan. Masyado talaga akong naaakit ng kaniyang mata.
Nakakatuwang nagagawa kong titigan ang kaniyang mga mata ng hindi man lang ako naiilang. Laking pasasalamat ko talaga sa mga bagay na nakatakip saaking pagmumukha.
"Ayos ka lang ba?
Bakit naman niya ako tinatanong ng ganito? Pero kahit na nalilito ako kung bakit ganito ang tanong niya. Tumango na lamang ako sa kaniya.
"Kanina pa kasi ako paulit-ulit na nagtatanong. Parang hindi mo kasi ako naririnig"
Para akong nasabuyan ng malamig na tubig ng dahil sa sinabi niyang ito. Hala. Ano nanamang ginawa ko?
"A-ano nga ulit iyong t-tanong mo?"napakamot na lang ako sa aking batok. Nakakahiya naman itong pinaggagagawa ko.
"Haha" parang nagliwanag ang paligid ng lalaking nasa aking harapan ng marinig ko siyang tumawa. Haysstt... Bakit ganon? Miski ang kaniyang pagtawa ay kinikilig ako. Miski ang kaniyang pagtawa ay nagtitindigan ang mga balahibo ko "Kamusta naman ang nagdaang araw mo?"
"A-ano. A-ayos naman. Haha. Oo maayos naman. Sobra"kinakabahan tuloy ako, hindi ko na alam kung ano na ang dapat kong gawin. Pero pinilit ko pa ding sagutin ang kaniyang tanong. Nakakahiya na ang ginawa ko kanina. Ayaw ko nang maulit pa.
BINABASA MO ANG
The Story of Us || ✓
RomanceA Writers Story Hiding Personality Language: Tagalog Genre:. Romance All rights reserved 2020