Chapter 19

1K 10 0
                                    

𝘾𝙝𝙚𝙡𝙨𝙚𝙖'𝙨 𝙋𝙊𝙑

"Chelsea!! Gumising ka nga!!" Bigla akong nagising dahil sa boses ni Rosselle. Damn! Ang ganda na sana ng panaginip ko!!! I slowly opened my eyes and I was confused kasi hindi ko alam kung nasaan kami. It was so dark here. Walang kama at tanging ang maliit na window lang ang nag bibigay ng liwanag dito sa room na ito. Agad akong bumangon at humarap sa kanya.

"Rosselle nasaan tayo??!!" Tanong ko sa kanya.

"I-i don't know"

"Teka nasan si Angela?" Bigla kong tanong sa kanya. Agad namang napatayo si Rosselle at hinanap si Angela kung nandito ba sya.

"Wait, Let me try it" bigla nyang sabi.

Ilang segundo ang lumipas ng biglang umihip ang hangin dito sa loob ng cell.

"W-what's happening?" tanong ko sa kanya.

"Shh, I'm trying to focus" sabi nya at napatingin ako sa kanyang mga mata at nakita ko na nag iba ang kulay ng kanyang mga mata. It turns violet. Don't tell me!!

"Y-you're a-" Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at may nakita kaming papalapit sa amin. I look at Rosselle at nakita kong bumalik sa normal na kulay ang kanyang mga mata. I will definitely ask her later. I need to know the truth!!

Tiningnan ko ang taong pumasok sa cell at hindi ko alam kung babae ba sya o lalaki. I growled at this person pero bigla akong napahinto.

"Hindi ko kayo sasaktan. Promise" Bigla nyang sabi sa amin. She snaps her fingers at agad na bumukas ang ilaw at nakita kong isa pala syang babae, isang napakagandang babae. Tangina! Kung wala pa siguro akong mate ngayon at kung hindi pa sana ako babae, siguradong liligawan ko ang babaeng ito.

"Angela!!" Agad akong napatingin kay Rosselle at nakita ko si Angela na nasa tabi nya at natutulog pa ito. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya.

"Wait. Kilala nyo pa ang isat-isa??" Bigla nyang tanong sa amin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinbi nya.

"What are you talking about??" tanong ko sa kanya.

"Denise put a spell in your pack. Makakalimutan nyo sana ang tungkol sa Evil Warriors Pack at makakalimutan nyo sana siya" Sabi nya at tinuro nya si Angela.

"What?? Paano?" naguguluhang tanong ni Rosselle.

"Denise is not an ordinary werewolf. Isa syang Hybrid"

"Hybrid? You mean....."

"Yes. Isa syang werewolf and a witch" Sabi nya sa amin.

"Bakit nya naman gagawin yun??"

"May gusto sya kay Alpha Alexander at gusto nyang maging Luna. Alam nyang magiging malakas ang magiging anak nila ni Alexander kaya gusto nyang mapasakanya si Alpha. I already told her na wala na syang pag asa kay Alpha dahil may mate na sya pero hindi sya nakinig sa akin"

"Isa ka ding Hybrid?"

"No. I'm a witch. Si ate lang ang Hybrid" Bigla nalang akong napahawak sa buhok ko dahil sa mga sinabi nya.

"Ate mo sya!?" Tanong ni Rosselle sa kanya.

"Yes, but don't worry, hindi ako kumakampi sa kanyang mga plano. I don't want to hinder the Moon Goddess plan." sabi nya sa amin and she looked at Angela.

"Buhay pa ba sya?? She looks so pale." Sabi nya sa amin. I focused and I tried to listen to her heartbeat and thankfully, I can still hear her calm heartbeat.

"Pwede ko ba syang hawakan? Para malaman ko kung ano na ang nangyayari sa kanya" Sabi nya sa amin. Tumango naman ako kaya lumapit sya sa kay Angela. Unti unti nyang inilapit ang kanyang kamay kay Angela pero nang mahawakan nya ang kamay ni Angela ay para bang na kuryente sya.

My Abusive Mate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon