"I-ikaw?"
"Miss Eleonor Belmonte..." puno ng sinseridad ang boses niya. Dinampot niya ang tumilapon kong payong saka iniabot sa akin. "Ayos ka lang ba?"
Maingat kong kinuha ang payong ko sa kaniya saka ako tumango. "Maraming salamat."
"Miquel... Miquel Razon."
Right! Siya ang lalaking nag-attempt na kausapin ako kanina sa cafeteria. Mukha siyang balisa na para bang kinakabahan. Katulad kanina ay parang may gusto na naman siyang sabihin.
Kagaya niya ay hindi rin ako mapakali. Nasa harapan ko na ang taong nakakakilala sa boses na narinig ko. Sa taong tumawag sa akin kanina lang.
Gusto kong marinig sa kaniya kung may kinalaman siya sa pagkamatay ng lola ko. Pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan.
Magsasalita na sana ako kaya lang ay may bumusinang kotse. Huminto ito malapit sa akin. Nang bumaba ang window nito ay agad na namukhaan ko ang nakasakay rito.
"Tito Francisco!"
"Pauwi ka na ba, hija?"
Tumango ako. "Opo."
Binuksan niya ang pinto sa front seat. "Sakay ka na, hija. Ihahatid na kita sa apartment mo."
Pasakay na ako nang maalala ko si Miquel. May kailangan pa pala ako sa kaniya.
Subalit nang muli ko siyang lingunin ay hindi ko na siya nakita kahit saan. Umalis siya nang hindi nagpaalam sa akin. Bukas ko na lang siguro sya kakausapin.
"May kausap ka ba kanina?" bungad ni tito. Nagmamasid siya sa pinanggalingan ko, wari mo'y may hinahanap siya na kung ano.
"Umalis na po, e. Hindi nagpaalam."
"Boyfriend mo?" aniya saka pinaandar na ang kotse niya.
"Hindi po. Blockmate ko po."
"Ganoon ba?" Saglit siyang humarap sa akin saka muling itinuon ang atensyon sa dinaraanan namin. "Eli, kapag may manliligaw sa iyo, ipakilala mo agad sa amin ah."
"Sure, tito. Kaso wala pa pong nanliligaw e." Ngumuso ako.
Umiling si tito. "Si Warren naman kasi nag-girlfriend pa ng iba. Okay naman sana sa akin kung ikaw."
Muntik yata akong mabulunan ng sarili kong laway dahil sa sinabi ni nito. "Yuck, tito, incest! Kuya po ang tingin ko kay Warren."
"E, bakit hindi mo siya kinu-kuya?"
Hindi ako agad nakasagot sa tinanong niya. Bakit nga ba hindi ko kayang tawagin si Warren ng 'kuya'? Kung tutuusin ay mas matanda naman siya sa akin ng dalawang taon.
"Nagbibiro lang ako," aniya saka iniliko pakaliwa ang sasakyan. "Basta lagi kang mag-iingat at huwag mong pababayaan ang sarili mo."
"Opo, tito."
YOU ARE READING
TRIFECTA
FantasyAfter the death of Eli's family, she develops a psychometric skill that she'll use for revenge. ~♥~ When her family were killed, Eleonor looks for the killer. Little did she know that her search will lead her to discovering secrets her parents hid...