For the first time after Lola Alisa's death, I felt that I am closer to my parents. For the first time, wala akong napanaginipan na masama.
Don't get me wrong. Pinaramdam sa akin nina Dr. Francisco, Warren, at Justin na may pamilya ako. Hindi sila nagkulang sa pagsuporta sa akin. Kahit na hindi naman nila ako responsibilidad ay kinupkop nila ako.
Pero iba pa rin kasi sa pakiramdam kapag may kamag-anak ka. Kahawig na kahawig pa ni Auntie Arabella si mommy. Pakiramdam ko tuloy ay nasa tabi ko lang siya.
Kagabi ay nilutuan ako ni auntie ng paboritong ulam ni mommy, iyon ay ang kare-kare. Naalala ko ang lasa ng luto ni mommy na halos parehas sa luto ni auntie. Hindi ko maiwasang maluha habang kumakain. Mabuti na lang at walang nakapansin sa kanila na naluluha ako.
"Good morning! Gising ka na pala." Napalingon ako sa kinaroroonan ni Laura. Nagtutupi siya ng kumot.
Tumango lang ako saka tumayo na rin mula sa kama para magligpit ng pinagtulugan.
"Nung nag-teleport tayo kahapon, I saw something." Halos nag-aalangan akong sabihin sa kaniya ito. Pero kailangan kong malaman. Gusto kong makumpirma kung tama ang mga nakita ko. "I saw you and Warren."
Napahinto siya sa pagtutupi ng kumot at naupo sa gilid ng kama niya.
"What did you see?" Mahinahon niyang tanong.
"That you have feelings for him."
Parang nabahala si Laura sa sinabi ko. Napalunok siya ngunit hindi kumibo. Saka muli siyang tumayo at tumalikod sa akin. Hindi ko tuloy makita ang ekspresyon ng mukha niya.
"I do have feelings for him."Nag-aalangan niyang pag-amin.
"Kung ganon, sinadya mo lang bang saktan siya?" Saglit na napatingin siya sa akin saka yumuko.
"I needed to do it. I can't fall for Warren while I am on a mission." Muli s'yang humarap sa akin. At nilapag ang natupi na kumot sa ibabaw ng kama. Muli siyang naupo sa kama niya.
"So ginamit mo si Arkin para pagselosin siya?"
Mabilis siyang umiling. "No, hindi ganoon iyon." Nagpawala siya ng hangin. Binasa ang natutuyo niyang mga labi. She was hesistant at first, ngunit muli siyang nagsalita. "Arkin is my new mission."
"Mission?"
"My first mission is to keep a close eye on Dr. Francisco. Second is to make sure you are safe with them. Lastly, to know more about Arkin."
"May kinalaman ba sila sa pagkamatay ng family ko?"
"That's possible. I think they played a big role."
"Sigurado akong walang kinalaman si Dr. Francisco. Malaki ang tiwala ko sa kaniya. Siya at sina Warren lang ang nariyan nung mga panahong walang wala akong malapitan." Naupo ako sa kama matapos kong maiayos ito.
YOU ARE READING
TRIFECTA
FantasyAfter the death of Eli's family, she develops a psychometric skill that she'll use for revenge. ~♥~ When her family were killed, Eleonor looks for the killer. Little did she know that her search will lead her to discovering secrets her parents hid...