/10/ Dark Shadow

33 0 0
                                    

Nakilala ko agad ang batang ako na tumatakbo habang hinahabol ng batang babae, na sa tingin ko ay si Laura

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakilala ko agad ang batang ako na tumatakbo habang hinahabol ng batang babae, na sa tingin ko ay si Laura. Ang dalawang batang lalake naman ay tinutukso si Laura at nagpapahabol.

Humihingal na humahabol ang batang Laura sa tatlo niyang kalaro. Ngunit hindi niya maabutan ang mga ito.

Napukaw ng aking atensyon ang paligid ng kinaroroonan ko. Parang liblib ang lugar na napaliligiran ng matataas na damo. Apat na kubo ang nasa gitna. At nababakuran ang palibot ng apat na bahay. Matatayog na punong kahoy naman ang makikita sa di kalayuan.

Nagulat pa ako nang mapansin kong nakatingin sa akin ang isang batang lalaki na hindi ko makilala. Sa tingin ko ay ito ang pinakamatanda sa kanilang apat. Takot ang mababanaag sa mukha nito.

Dali-dali akong nagkubli sa matataas na damo. Hindi ko marinig ang sarili kong paghinga dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Papalapit din nang papalapit ang maliliit na yabag. Maya'y narinig ko ang pagtawag ng tatlong bata.

"Nimrod! Bumalik ka rito!"

"Nimrod."

Humihingal na bulong ko nang matapos ang aking pangitain. Pinunasan ko ang tumutulong pawis sa aking sintido.

"Eli, kanina ka pa riyan?"

Napalundag ako nang biglang may magsalita sa di kalayuan. Si Laura pala iyon na noon ay sinasara ang bintana. Napansin kong papadilim na sa labas.

Pagtingin ko kay Laura ay parang gulat na gulat siyang nakatingin sa akin.

"Oo." Tumango ako. " Ikaw kanina ka pa riyan?" Nagtataka ako sa naging reaksiyon nito.

"Hindi kita napansin diyan nung pumasok ako."

Parehas na nakakunot ang noo namin. Maging ako ay gulong-gulo rin sa pangyayaring iyon.

"Di bale. Baka masyado lang akong focused sa bintana. Nagsisipasok na kasi ang mga lamok kaya nagmamadali ako papunta sa bintana kanina."

Naglakad siya papalapit sa akin. Parang ang saya-saya na niya. Siguro ay naging maayos ang pag-uusap nila ni Warren.

"Andyan na si mommy. Nagluluto na rin sina Miquel at Warren. Kaya maya-maya ay maghahapunan na tayo."

Matapos iyon ay lumabas na si Laura sa kwarto. Susunod na sana ako sa kaniya nang mapansin kong may putik sa aking mga paa.

Gulong gulo ako nang ilapag sa study table ang hawak ko pa rin na keychain doll. Pero bago ako lumabas ay napagdesisyunan kong itago ito sa ilalim ng aking unan.

~♥~

Matapos namin kumain ng hapunan ay pinatawag ako ni Auntie Arabella sa kwarto niya.

"Matutulog ka na ba?"

Umiling ako. "Hindi pa po ako dinadalaw ng antok."

Naroon si Miss Arabella sa study table niya. Iginiya niya akong maupo sa kama malapit sa kinaroroonan niya. Sinunod ko naman siya agad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TRIFECTAWhere stories live. Discover now