Saturday, 2 PM
Felizardo Cortales Plaza
Hindi ko masabi kung maaga ba akong nagising o hindi yata talaga ako nakatulog kagabi. Iniisip ko kasi kung pupunta ba ako sa lugar na sinabi ni Miquel.
Pero dahil napuyat na rin lang ako ay minabuti ko na lang na pumunta. Baka sakaling may makuha akong sagot sa mga katanungan ko. Lalong lalo na sa pagkatao ko.
Nakita ko agad siya na nakaupo sa bench malapit sa entrance.
"Buti naman nakarating ka." Tumayo s'ya saka hinawakan ang kamay ko. "Tara na."
Hindi ako nakapaghanda sa ginawa niya buti na lang at nakahiligan ko nang mag-long sleeves. Agad kong pinalis ang kamay niya.
Nagulat rin siguro s'ya sa kinilos ko dahil napatingin s'ya sa akin. "S-sorry."
"You don't have to say sorry," aniko, inilihis pa pababa ang sleeves ko. "Ano bang gagawin natin dito?"
Tinuro niya ang mga batang naglalaro sa mga slides at see-saw. Pumunta kami roon at pinaupo n'ya ako sa bench malapit sa mga batang naglalaro.
Sinabihan n'ya akong h'wag umalis doon at manood lang sa mga bata. Tumabi s'ya sa akin. May dalawang batang babae ang naglalaro ng badminton. Tumilapon malapit sa amin ang shuttlecock na gamit ng mga ito.
Kinuha ni Miquel ang shuttlecock at nakangiting inabot sa bata. Masayang nagpasalamat ang bata sa kaniya saka bumalik sa kalaro niya.
Bumulong sa akin si Miquel pagkaupo niya. "Bantayan mo ang batang iyon." Tinuro niya ang batang inabutan niya ng shuttlecock.
"Bakit?" Kunot-noo kong pinagmasdam ang bata. Nag-ayos siya ng upo.
"Nakikita mo ang babaeng iyon sa kabilang bench?" Tumango ako. "Iyon ang yaya ng bata. Aalis siya saglit at kapag nalingat na siya ay may babaeng lalapit sa batang iyon," aniya, patagong tinuro ang bata babae na masayang naglalaro.
Hindi ko alam kung maniniwala ako pero ginawa ko ang sinabi niya. Hindi ko na inalis ang tingin ko sa bata.
Nag-ayos ng relo si Miquel. "Malapit na."
"Baby, aalis lang saglit si yaya, ha. Bibili lang ako ng ice cream. Gusto mo ba ng ice cream?" Narinig kong turan nito sa bata.
"Yes, yaya. I want choco-vanilla ice cream."
"Okay Baby. H'wag kang aalis dito, ha. Babalik agad si yaya."
Pagkaalis ng yaya ay may babae na lumapit sa bata. Tingin ko'y nasa late twenties ang edad niyon. Kinausap niya ang bata saka hinila niya ito papalayo.
Tatayo na sana ko para sundan ang babae at ang bata pero pinigilan ako ni Miquel.
"Ano bang problema mo? Baka kini-kidnap na 'yong bata."
YOU ARE READING
TRIFECTA
FantastikAfter the death of Eli's family, she develops a psychometric skill that she'll use for revenge. ~♥~ When her family were killed, Eleonor looks for the killer. Little did she know that her search will lead her to discovering secrets her parents hid...