/ 2 / 1st Interaction

106 18 113
                                    


Malakas ang ulan mula pa kaninang umaga

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Malakas ang ulan mula pa kaninang umaga. Makulimlim ang paligid at mukhang mabigat ang mga ulap. May paparating daw kasi na bagyo. Malamig ang klima at nakadagdag pa sa lamig ang nakabukas na aircon sa classroom.

Mabuti na lang at palagi akong nakasuot ng long-sleeved shirt at malaking tulong din ang pagdala ko ng jacket.

Nagmimistula ng puppet ang professor namin sa pag-di-discuss niya sa harap ngunit walang nakikinig sa kaniya. Halatang gutom na rin ang mga blockmates ko. Kaya naman nang tumunog ang University clock, mabilis pa sa alas cuatro na naglabasan ng room ang lahat.

'Pagdating ko sa cafeteria ay napakarami na ng tao. Mabuti na lang at hindi mahaba ang pila. Agad akong pumili ng kakainin ko saka umupo sa pinakadulong table kung saan mas kaunti ang mga tao.

Hindi ko pa man nalulunok ang kinakain ko ay may naupo sa silya sa harap ko.

"Hi, Miss Belmonte. Pwedeng maki-share ng table?" ani blockmate ko na hindi ko pa nakakausap ni isang beses. Ni hindi ko rin alam ang pangalan niya.

Lumunok ako saka tumango. Hindi naman ako harsh na tao at isa pa, makakatanggi pa ba ako kung nakaupo na siya at prente ng kumakain ng lunch niya?

"Ahm,.." Huminto siya sa pagkain at may kinuha sa bulsa ng bag niya. "Nalaglag mo ito kanina."

Kinuha ko ang ballpen pero hindi sinasadyang nalihis ang sleeve ng jacket ko. Dumampi ang palad ko sa ballpen. May sensasyon ang dumaloy mula sa palad ko.

Hindi ko pag-aari ang ballpen, kaniya ito. Pero bakit niya ibinibigay sa akin?

Isang boses ang narinig ko mula sa imaheng nakikita ng isipan ko.

"Kailangan mong lumapit kay Eleonor Belmonte. Siya ang kailangan natin!"

Kinabahan ako sa mga narinig ko. Para bang narinig ko na noon ang boses na iyon ngunit hindi ko maalala kung kanino ko iyon huling narinig.

Matapos ang boses na iyon ay napalitan ang pangitain ko. Sarili ko ang nakita ko. Nasa counter ako rito sa cafeteria. Nakaramdam ako ng kaba.

May hawak na pagkain, naglalakad, at papalapit sa kinaroroonan ko.

"Hi, Miss Belmonte. Pwedeng maki-share ng table?"

Lalo akong kinabahan. Agad kong isinilid sa bulsa ng bag ko ang ballpen. Pumikit ako nang mariin at pagmulat ko ay wala ang aking pangitain.

Ang mga nakita ko ay pangyayari kanina lang.

Ang nakita ko ay ang mga nangyari kanina... sa lalaking nasa harap ko ngayon.

Siya mismo ang may-ari ng ballpen. Ginamit niya ito para makalapit sa akin. Nakita kong kailangan niya ako. Ayon na rin sa tinig na narinig ko.

Pinagmasdan ko ang lalaki sa harap ko. Napansin siguro niya ang pagtitig ko dahil nahinto siya sa pagnguya ng pagkain niya.

TRIFECTAWhere stories live. Discover now