Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ko na hinintay na magising si Warren. Pinaglutuan ko na lang siya ng almusal at dumiretso na ako sa university.
Dahil sobrang aga pa ay sa library muna ako nagpunta. Mabuti naman at naayos na ang periodicals section. Hindi ko na rin kakailanganin hiramin ang card ni Warren.
Speaking of Warren, nakakain na kaya siya? Papasok kaya siya ngayon? Paano kung magkita sila ni Laura?
Pinalis ko ang isiping iyon. Ang nararapat kong pagtuunan ng aking pansin ay ang final exams this week. Kailangan kong mag-aral nang mabuti. Kailangan kong mag-focus.
Kinuha ko sa bag ang reviewers na sinulat ko at nagsimula nang mag-review. Nasa kalagitnaan na ako ng pag-aaral nang mag-ring ang cellphone ko.
Hindi ko kilala ang caller pero agad kong pinindot ang answer button.
"Hello?"
"Miss, Eleonor Belmonte." Pamilyar ang boses na iyon.
Pag-angat ko ng mukha ay pamilyar na hitsura ang bumungad sa akin. Nasa kaliwang tainga niya ang cellphone.
Nag-angatan ang balahibo ko sa batok. Para bang may malamig na gumapang sa katawan ko. Hindi ko mapigilan ang pagnginig ng tuhod ko.
Nasa harap ko ngayon ang taong nagmamay-ari ng boses na madalas kong naririnig. Ang taong tumatawag sa cellphone ko. Ang taong dahilan ng paghihiwalay nina Warren at Laura.
"S-sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" Hindi ko mapigilan ang 'di mangatal. Hindi ko maintindihan pero natatakot ako sa presensiya ng taong ito.
"Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpakilala." Inilahad niya ang palad. "I'm Arkin Razon."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Nagtataka. Naguguluhan na naman ang isip ko. Kung siya ay isang Razon, kung ganoon ay...
"I am Miquel's older brother."
Huminga ako nang malalim. Hindi ko maintindihan kung bakit kinikilabutan ako. Para bang hindi ko kayang harapin ang taong ito.
Ibinaba ko ang telepono. Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko para umalis na sa lugar na iyon.
Lalakad na ako paalis pero nagulat ako dahil bigla niya akong hinawakan sa kamay. Hindi ako nakapaghanda dahil naglapat ang mga palad namin.
Kunot-noo ko siyang pinagmasdan. Mataman siyang nakatingin sa mga mata ko. Pero ang labis na pinagtataka ko ay wala akong nakitang pangitain mula sa paglapat ng mga palad namin.
Ni hindi ako nakaramdam ng init na para bang kuryente na dumaloy sa palad ko mula sa palad niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa nakakakilabot na ngiting ibinigay niya sa akin. Maya ay lumapit siya sa tainga ko. Napaigtad ako sa mainit na hangin na dumampi sa pisngi ko.
YOU ARE READING
TRIFECTA
FantasyAfter the death of Eli's family, she develops a psychometric skill that she'll use for revenge. ~♥~ When her family were killed, Eleonor looks for the killer. Little did she know that her search will lead her to discovering secrets her parents hid...