/ 1 / Celebration

125 19 119
                                    


October 14, 2019; Tuesday

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

October 14, 2019; Tuesday

St. Luis University

5:45 PM

"Eli... Eli, gising." Naulinigan kong tinig, naramdaman ko rin ang pagkalabit sa balikat ko.

Unti-unti akong nagmulat ng mata at agad kong naaninag ang maluwag na ngiti ng lalaking nakasama ko ng halos isang taon.

"W-warren?" aniko saka maingat na inilayo sa katawan niya ang mga kamay ko. Noon ko lang din napansin na nasa Periodical Section pala ako ng library, kung saan mas kaunti ang mga tao. "Anong ginagawa mo rito?"

"Sinusundo kita. Maggagabi na, hinihintay ka na ni daddy sa bahay."

Kinunutan ko siya ng noo. "Nakalimutan mo na bang hindi na ako umuuwi sa inyo?"

Pagak ang tawang pinawalan niya. "Tanda ko pero nakalimutan mo ba ang pangako mo na magsi-celebrate ka ng birthday mo sa bahay?"

Nasapo ko ang aking noo't napapikit ng marahan. "Oo nga pala."

Nagbutong-hininga lang si Warren. "Ako nang magdadala ng mga gamit mo."

Hindi pa man niya nadadampot ang mga gamit ko ay tinutulan ko na siya. "Ako na! Antayin mo na lang ako sa labas."

Mula nang makakita akong ng mga pangitain noong gabing iyon, isang taon na ang nakararaan, ay takot na akong hawakan ng sinoman ang mga gamit ko. Takot na akong makita at maramdaman ang mga saloobin nila. Takot na akong hawakan ang mga gamit o bagay na pag-aari ng kahit na sino.

Mula nang gabing iyon ay nagbago ang lahat sa akin. Matapos ang pangyayaring iyon ay ayaw ko na sanang i-celebrate ang birthday ko dahil iyon din ang nagpapaalala nang gabing namatay ang lola ko.

Iyon ang nagpapaalala ng unang beses kong maramdaman itong kakaibang kakayahan ko. Kung saan ko narealize na hindi pala ako katulad ng isang normal na tao.

Sa halos isang taon na pananatili ko sa pamilya Olsen ay tinuring nila akong parang isang tunay na pamilya. Masaya na rin ako't may isang kaibigan sina daddy at mommy na handa akong tulungan.

Kaya nga lang ay hindi ako pwedeng habambuhay na umasa sa kanila. At isa pa, ayaw kong may makaalam tungkol sa kakayahang taglay ko.

Nakaisip akong umalis sa tahanan ng mga Olsen nang magsimula akong pumasok sa university. Hindi man ginusto ni Dr. Francisco ang desisyon ko ay wala siyang nagawa dahil nasa tamang edad na ako.

Pero may isang hiniling si Dr. Francisco, iyon ay ang subukan kong muling bigyang pasasalamat ang araw ng kaarawan ko. Kaya naman ngayong mag na-nineteen na ako ay narito si Warren para tuparin ko ang kahilingan ng ama niya.

Paglabas ko sa building ay nag-aabang na ang kotse ni Warren. Nakita ko agad si Laura na nakaupo sa front seat. Binati niya ako nang makaupo ako sa back seat.

TRIFECTAWhere stories live. Discover now