"Miss Eleonor Belmonte!"
Sabay-sabay kaming napaatras nina Miquel at Warren nang makilala namin kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Mabilis akong hinablot ni Miquel at tumakbo kami patungo sa likod ng cafeteria. Mabilis din na tumakbo si Warren na sumusunod sa amin.
Pumasok kami sa bukas na pinto. Nagulat ang mga taong naroon. Naghuhugas ng plato ang iba at ang iba naman ay nagluluto ng pagkain para sa mga estudyante.
"Hindi ka pwedeng makuha ni Kuya. Kailangan nating tumakas."
"Tara sa dining!" si Warren ito na nangunguna na sa amin ni Miquel. Pagpasok namin sa dining area ay mas marami ang tao. Okyupado ang mga dining tables ng mga estudyante at guro na nagla-lunch.
Di kalayuan sa amin ay lumabas din mula sa kitchen ang apat sa mga lalaking naka-black suit. Nagkubli kami sa mga estudyanteng nakapila hanggang sa marating namin ang daan palabas.
Nang makarating kami sa pinto ay humarang sa amin si Arkin. Kasama niya ang dalawa pang lalaki. Medyo may katandaan sa amin ang hitsura ng mga iyon. Sa tingin ko ay nasa edad trenta pataas na ang mga iyon.
Umatras kami ngunit pagtalikod namin ay nasa likuran na namin ang apat. Papalapit na sila sa amin. Kaunti na lang ay mapapaligiran na nila kami.
Lahat kami ay nag-iisip ng gagawin. Kung hindi man kami makakatakas sa mga ito, sigurado akong magkakaroon ng gulo. Lalaban ako sa mga ito. Hindi ako papayag na makuha nila ako. Sa palagay ko ay ganoon din sina Miquel at Warren.
Papalapit na sila nang papalapit.
"Miss Belmonte, sumama ka na lang sa akin," panghihikayat ni Arkin.
"Not until you kill me," matigas na turan ni Miquel. Humarang siya sa harap ko.
"Kapatid! Akala ko ba ay magkakampi tayo?"
"Hindi na ngayon."
Nagngalit ang mga bagang ni Arkin. Para itong nagpipigil ng galit. Nagpawala ito ng malalim na hininga saka nag-utos sa anim na lalaki. "Kunin nyo na si Eleonor."
Pasugod na sana ang anim na kalalakakihan nang may biglang sumulpot sa kinaroroonan naming tatlo. Naka-black hoody ito at nakasuot ng itim na mask.
"Hold my hand," pabulong na utos nito sa akin. Pamilyar ang boses ng taong ito. At sigurado akong madalas kong naririnig ang boses babaeng mula rito. Hinawakan ko ang kamay niya na nakalahad sa akin.
Bumaling naman siya kay Warren at Miquel. "You two, hold onto me."
Saglit na natigilan ang dalawa saka sila sabay na humawak sa magkabilang balikat ng babae. Tila nakilala rin nila ang nagmamay-ari ng boses.
"Close your eyes. This will hurt a little."
Bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata ay nakita kong papasugod na ang mga lalaki sa amin. Maya-maya ay parang umikot ang paligid ko. Nakaramdam ako ng hilo. Para akong na-su-suffocate, hindi ako makahinga. Parang pinupunit ang katawan ko.
YOU ARE READING
TRIFECTA
FantasyAfter the death of Eli's family, she develops a psychometric skill that she'll use for revenge. ~♥~ When her family were killed, Eleonor looks for the killer. Little did she know that her search will lead her to discovering secrets her parents hid...