After the death of Eli's family, she develops a psychometric skill that she'll use for revenge.
~♥~
When her family were killed, Eleonor looks for the killer. Little did she know that her search will lead her to discovering secrets her parents hid...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Maliwanag na ang paligid sa pagmulat ko ng mga mata. Alas diyes na ng umaga kaya napabalikwas ako ng bangon.
Muli kong naalala ang nangyari kagabi. Napainom nga pala ako ng alak nang 'di oras. Dahil sa sobrang kagustuhan kong makatulog ay inubos ko sa isang tunggaan ang isang bote ng alak.
Hindi ko kasi alam kung paano ko haharapin si Warren matapos kong malaman ang mga nangyari sa kanila ni Laura. Isabay pa ang magulo kong utak dahil sa mga nasaksihan ko kay Miquel kahapon.
'Pag labas ko ng kuwarto ay nakita ko si Warren na mahimbing na natutulog sa sofa. May bumalik sa alaala ko. Hindi ko nga lang matiyak kung sa panaginip ko nakita iyon o totoong nangyari kagabi.
Basta ang naalala ko ay ang tinig ng pag-iyak ni Warren. Iinom sana ako ng tubig noon pero tiniis ko na lang ang uhaw dahil parang babagsak ang dibdib ko nang marinig ang hagulgol niya.
Pinalis ko ang alaalang iyon. Naghanap na lang ako ng pwedeng lutuin sa ref kahit na medyo kumikirot pa ang ulo ko. Pinagtyagaan kong lutuin ang chicken tocino at itlog. Nagluto na rin ako ng fried rice na nilahukan ko ng hotdog at tirang carrots.
Niligpit ko ang mga kalat sa sala habang himbing pa rin ang tulog ni Warren. Hirap siya sa pwesto. Nakalaylay ang binti niya sa hand rest ng sofa habang ang ulo naman ay ginawang unan ang kabilang sandalan. Yakap niya ang maliit na unan.
Kawawa naman si Warren. Alam ko kung gaano niya kamahal si Laura at ramdam ko kung gaano siyang nasaktan sa mga nakita niya. Marahil ay ganoon din ang mararamdaman ko kung ako ang nasa sitwasyon niya.
Pero ano na nga kaya ang gagawin ni Warren ngayon?
Nagulat ako nang biglang sumipol ang takureng pinapakuluan ko ng tubig. Hinango ko agad iyon at isinalin sa dalawang mug para magtimpla ng kape.
Kukuha na sana ako ng asukal kaya lang ay wala na palang laman ang garapon. Binuksan ko ang cabinet sa itaas. Meron akong stock ng asukal roon pero hindi ko ito maabot.
Naisipan kong kumuha ng upuan para tungtungan. Ngunit pag-ikot ko ay bumunggo ako sa matigas na dibdib ni Warren.
"Ako na'ng kukuha."
Siya na rin ang nagtapos sa pagtitimpla ng kape habang inaayos ko ang mga pagkain sa lamesa.
Matapos maghilamos ni Warren ay naupo siya sa katapat ng inuupuan ko.
"Hindi ba sumakit ang ulo mo?" aniya.
"Hindi naman."
"Hindi ka nasusuka?"
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala naman akong naramdamang kakaiba sa sikmura ko kundi gutom. "Hindi rin. Kumain na lang tayo dami mong tanong."
Tanging ingay lang ng mga pinggan at baso ang maririnig. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko dahil halata ang pamumugto ng mga mata niya.
"May gusto kang sabihin?" ani Warren na nahalata yata ang paminsan-minsang pagsilip ko sa mukha niya.