"Hindi mo dapat pinagsabihan ng gano'n si Miquel. Wala s'yang ginagawang masama."
Nasa kalagitnaan kami ng byahe pero panay ang sagutan namin ni Warren. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit bigla na lang s'yang sumulpot doon.
"Ano ba kasing ginagawa mo ro'n?" Hinarap ko siya pero nagpapaka-busy siya sa pagda-drive. Wala na yata syang balak na kausapin ako. "Bahala ka kung ayaw mo akong kausapin. Ihinto mo na lang d'yan bababa na ako."
Patuloy pa rin s'yang nag-drive. "Hatid na kita sa apartment mo."
Mahinahon ang boses n'ya na parang wala na syang ka-energy-energy. Pinagmasdan ko s'ya pero binawi ko rin ang tingin ko nang bumaling siya sa akin. Fifteen minutes passed, narito na kami sa tapat ng apartment.
Hindi pa rin ako makalabas dahil hindi n'ya pa ina-unlock ang car door. Nagpawala siya ng malalim na hinga saka nagsalita. "Sorry sa kanina."
"Kay Miquel ka mag-sorry, h'wag sa'kin. Lalabas na ako. Paki-unlock ng pinto," dire-diretso kong sabi. Masyado na rin akong napagod sa mga nalaman at nakita ko ngayon araw. Gusto ko na lang magpahinga.
Hindi na ako nagpaalam sa kaniya pagkalabas ko. Hindi rin naman kasi siya umiimik. Nilapag ko ang sling bag ko sa sofa, dumeretso sa ref at uminom ng tubig.
Isa-isa kong pinagnilay-nilayan ang mga nangyari kanina. Ang paglalahad ni Miquel ng sekreto niya sa akin without any inhibitions. Na para bang hindi siya natatakot na malaman ko ang kakaibang kakayanan niyang iyon.
Napaigtad ako nang may biglang kumatok. Nagtaka ako dahil ang akala ko ay nakaalis na si Warren, pero hayan siya't nasa tapat ng pinto ko. May bitbit s'yang plastic sa makabilang kamay niya.
Hindi pa 'ko nakakapagsalita pero pumasok na siya sa unit ko.
"Ngayon lang ulit ako makakapasok dito kaya hayaan mo lang ako."
Pinasadahan ko siya ng tingin habang isa-isa niyang nilalabas ang laman ng dala niya sa center table. Bottled drink na sa tingin ko ay may alcohol content, chips at marami pang iba.
"Anong ginagawa mo rito?" kunot-noo kong tanong sa kaniya. Nagpamaywang ako sa harap niya matapos kong isara ang pinto.
"Tara kain tayo," alok nito. Bitbit niya ang dalawang cup ng instant noodles. Kumuha siya ng mainit tubig sa dispenser. "Pinakain ka ba ng ka-date mo?"
Hindi ko s'ya sinagot. Wala sa sarili kong pinanood ang ginagawa niya. Kinuha nito ang remote controller sa ibabaw ng TV at nanuod.
Shoot! Nahawakan na niya ang mga gamit ko! Paano kung may maiwang strong emotions niya sa mga bagay na hinawakan niya? Buwisit!
Isa sa mga rason kung bakit ayaw kong may pumapasok sa unit ko ay dahil sa mga memory at emotions na maiiwan nila sa mga gamit ko. Ayaw kong mabahiran ang mga gamit ko.
YOU ARE READING
TRIFECTA
FantasyAfter the death of Eli's family, she develops a psychometric skill that she'll use for revenge. ~♥~ When her family were killed, Eleonor looks for the killer. Little did she know that her search will lead her to discovering secrets her parents hid...