FINALE

29 7 2
                                    

The First Hybrid, the first piece, the first lead towards Ivory


In the fangs of the pointed ears...

"ALAM nyo na pala at hindi nyo man lang sinabi sakin?" Pasigaw na tanong ni Joanna sa kanyang mga magulang. Alam na pala nito ang tungkol sa totoong kaanyuhan ng asawa at hindi man lang sinabi sa kanya.

"Love, wag mong sigawan sina Mama". Joanna glared at him. Walang nagawa si JC kundi ang isara ang bibig .

"Anak, baka kasi matakot ka. Iniisip ko lang din naman ang mararamdaman mo. Tsaka wala kaming karapatan para magsabi. Desisyon iyon ni JC." Mahinahong sambit ng kanyang ina.

Iniintindi siya ng mga magulang niya. Buntis na naman kasi siya sa pangatlong anak nila ni JC. Purong bampira na itong nasa sinapupunan niya. Ginawa siyang bampira ni Eclipse sa pamamagitan ng ritual na kung saan si Eclipse lamang ang nakakaalam.

Ang weird nga nya eh. Dugo ng asawa ang pinaglilihian. Mas matindi din ang libog na nararamdaman niya ngayong buntis siya kaya araw gabi silang nagsesexy time.

Hinarap muli ni Joanna ang kanyang mga magulang. "Kelan nyo pa alam?"

"Simula nang maipakilala mo siya sa amin." Mas lalong sumimangot si Joanna. Feeling nya eh, dinaya siya.

"Sya yung batang dala-dala ng mag-asawang elf dito. Inutusan nila kaming pangalagaan ang kahon na ito" sabi ng kanyang Ina at ipinakita ang isang maliit na kahon na napapalamutian ng gintong bulaklak at ibat ibang uri ng diyamante.

"Ang sabi ng mag-asawa. Makakatuluyan mo daw ang anak nila. At sa oras na mangyari ito ay ibigay raw namin sa inyo." This time papa niya ang nagsalita.

"Ano naman po ang gagawin namin diyan, Nay? Pwede po ba yang isanla? Wala akong pambili ng gatas sa ikalawa namin" pagbibiro ni Joanna.

Siyempre hindi totoo iyon. Ang daming ari-arian ni JC sa bulong Hermoso. Hindi niya lang maintindihan ang purpose ng kahon na iyon at bakit ang mga magulang niya ang inatasang pangalagaan ito.

"Sabi nila ay ibigay lang daw namin sa iyo sa oras na magkatuluyan kayong dalawa. Hindi namin ito binigay noong kasal ninyo sapagkat hindi mo pa alam ang buong pagkatao ni JC. Patawarin mo sana kami anak." Sambit ng kanyang ina.

Ngumisi siya bago yumakap sa kanyang mga magulang. Hindi niya ito matiis. Tumagal ito ng ilang segundo bago sila kumalas sa pagkakayap.

Tumayo na rin si JC at naramdaman ni Joanna na inilagay ng asawa ang braso nito sa kanyang bewang.

"Hindi ba muna kayo kakain ng pananghalian dito?" Pagyaya ng kanyang ina ng magpaalam sila ni JC.

"Hindi na po, Ma. Alam mo naman bampira na kami eh. Hindi na yata ako natatakam sa mga pagkain ng mga tao. Tsaka kakainin ko pa asawa ko pagdating namin sa bahay." Napahagikhik si Joanna sa kanyang sinabi.

Nanlaki naman ang mga mata ng magulang niya at namula ang buong mukha ni JC.




"Ang ganda!" Nasa isang bar na pagmamay-ari ni Eclipse sila pumunta. Inimbitahan kasi ang ni Eclipse ang asawa niyang uminom. Sa hindi kalayuan ay natanaw nila ang nagimbita. Mukhang malalim ang iniisip nito kaya hindi man lang sila napansin ng makalapit sila dito.

"Pre! Kanina ka pa?" Pambungad ni JC Kay Eclipse. Malungkot na ngumiti si Eclipse sa kaibigan. Halatang-halata na may bumabagabag dito.

"May problema ba, Eclipse?" This time si Joanna ang nagtanong.

"Mag-iisang daang taon na ako dito sa mundo ng mga tao ay hindi ko pa rin siya nahahanap." Sabi ni Eclipse. Umupo naman sa tabi nito ang mag-asawa. Inilapag ni Joanna ang dala-dala niyang kahon sa maliit na center table. Agad kasi silang dumeretso dito at hindi na umuwi. Wala din siyang dalang bag kaya hawak-hawak niya ang maliit na kahon.

"Kaya ka ba nag-ayang makipag-inuman?" Ang asawa niya ang nagtanong dito.

Tumingin si Eclipse kay JC, ngunit napansin niya ang kahon na nasa center table. Napatayo ng wala sa oras si Eclipse at walang alinlangang dinampot ang kahon.

"Saan mo nakuha ito?"

Hindi nakasagot ang mag-asawa sapagkat umilaw ang kahon at tumigil ang lahat maliban sa kanilang tatlo.

Huminto ang ingay at ang paggalaw ng mga tao. Bumukas ang kahon at inilabas ang mukha ng isang napakagandang babae.

"Ivory..." Nakita nila Joanna at JC ang pangungulila sa mukha ni Eclipse nang makita ang babae.


"Eclipse..." Hahawakan sana siya ni Eclipse nang bigla itong maglaho at naiwan ang larawan ng isang elf. Sa tapat nito ay isang silver dagger.

Nang hawakan ni Joanna ang dagger ay agad ding niyang nabitawan dahil napaso siya. Agad namang pinulot iyon ni Eclipse at ibinalik sa kahon.

"Kahinaan ng mga bampira ang silver,  Joanna. Mag-ingat ka sa susunod. Hindi ka na tao." Saka nila napagtantong bumalik na pala sa dati ang lahat.

Hawak ni JC an litrato at si Eclipse naman ang may hawak sa dagger.

Nagkatinginan ang dalawa. Tila may naiisip.

"Sigurado akong elf ang nasa larawang ito." Tugon ni JC.

"Ngunit para saan ang silver dagger?"

"Baka bampira rin ang hinahanap niyo?" Sambit ni Joanna.

"O--aha! Isang hybrid din! Bampira at Elf. Anak ng isang bampira at elf ang susunod na clue!"

"Pero, Joanna marami ring Hybrid na bampira at elf dito. Hindi pwede isa-isahin natin sila." Nanlulumong sabi ni Eclipse.

May clue nga sya ngunit masyadong mahirap dahil sa tingin niya ay hindi sapat ang mga ito.

"Baka konektado lang din samin ni JC ang susunod na Hybrid, Eclipse. Hindi ipapangalaga ng mga Elf kina Mama at Papa ang kahon kung hindi man lang namin sila nakilala." Sumang-ayon si JC sa sinabi ng asawa.

"Pero, may kilala ba tayong Hybrid na kalahating bampira at kalahating elf?" Tanong naman ni JC.

"Hmm--oo! Si Rad! Yung girl na kasama niya last time sa mall! Sa tingin ko elf siya! Though naka-cosplay sila ni Rad dahil isang cosplay event iyon pero sure akong totoo ang tenga nung babaeng kasama niya. Si Rad! Puntahan mo si Rad!"

"Paano kung hindi siya?" Naguguluhang tanong ni Eclipse.

"Siya yun. Dahil best friend ko siya! Ang kung may tao mang konektado sakin o kay JC, si Rad iyon"

WAKAS

•••••

Yeah, yeah. Not you're expected ending. Pero series po sila guys and I intended to make them connected. So thank you sa pagbabasa. Kitakits sa story ni Rad. Entitled: Pointed Ears. So this marks the end of Joanna and JC's story. And a bit of dedication to hikariwanders and Amellia_Sin. Thanks for supporting and inspiring me. I hope na mabasa niyo po ang kwentong ito.

This is Miss Miao signing off for Mister Coffee Guy. ^~^

Mr. Coffee Guy [Hybrid Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon