Leone Cārr Von Wüf
"PARE, hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Hunter.
Nasa bar kasi sila ni Eclipse. Pitong buwan mula nang umalis si JC sa bahay nila. Miss na miss na niya ang kanyang asawa ngunit wala siyang magagawa. Hanggat wala pang ibang sulosyon sa problema nya ay hindi siya maaarin umuwi.
"Bat ka ba kasi nag-asawa ng tao? Yan tuloy may problema ka." Sambit ni Knoxx at nilagok ang alak na nasa baso nito.
"Nagsalita ang isa pang ugok. Diba type mo din yung highschool student na estudyante ni Brixx? Tao yung pre! Tao!" Pabirong sabi ni Hunter sa kanya. Knoxx just glared at him. Masyado pang bata ang nagugustuhan niya, hindi pa pwedeng buntisin. Napatawa si Knoxx sa naisip.
"Sana all masaya." Hirit ni Hunter.
"Tigilan mo kaming ugok ka ha, pag ikaw nagmahal ng tao ipapahuli kita sa mga Diyosa." This time, si Hunter na naman ang tumingin ng masama kay Knoxx.
"Kung bakit ba naman kasi tayo naipit sa sitwasyong ito. Kung tutuusin, nagmahal lang naman ang mga magulang natin." Sambit ni JC habang nilalagyan ng alak ang kanyang baso. Agad itong lumamig kahit walang yelo.
"Sana all, instant ice." Ngising tugon ni Hunter. Binalewala lang siya ni JC. May mas matindi pa siyang problema na kailangang harapin. He needs to go home as soon as possible. Miss na niya ang asawa't mga anak.
"Lessen your alcohol intake, bud" sabi ng kararating lang na si Eclipse.
"Oi! Ayan na ang Diyos ng Eclipse! San ka galing kang ugok ka?!" Napailing siya at si Knoxx. Lasing na si Hunter. Hindi na ginalang si Eclipse.
Eclipse has been helping them since the day they landed their feet here in Hermoso. Pinaghahanap at pinagpapatay kasi ang mga Hybrid na katulad nila. They are a big no no in their society. At kahit nasa mundo ng mga tao ay hinahunting parin sila.
Napatingin si JC sa paligid. Isa ang bar ni Eclipse sa mga hideout ng mga katulad nilang Hybrid. Eclipse did make an effort for them. In return to all his help, ay ang tulungan siyang hanapin ang pitong Slate of the Gate Keeper. Hindi man sabihin ni Eclipse ang dahilan, they know that he's looking for someone.
"Hoy, Leone. Bakit ba JC parin ang pangalan mo? Hindi ka pa ba nakakamove-on sa ex mong si Camilla? Alam mo, ang bantot ng pangalan mo eh, Juan Carlo! Pweh! Tunog lolo hahaha! Patay na yung ex mo! Tao yung eh!"
Nabasag ni JC ang hawak-hawak na baso. Ayaw niyang patulan ang kaibigan sapagkat lasing na ito. Namula ang mga mata niya at lumamig ang hanging nasa paligid nila.
Tinapik ni Eclipse ang balikat ni Knoxx. " Mabuti pa, iuwi mo na yang si Hunter. Lasing na yan. Ako na ang bahala kay Leone. "
Sa paglapit ni Eclipse ay bumalik sa dati ang anyo ng baso. Tila hindi man lang ito nabasag. Umupo siya sa tabi ni JC at naglagay ng alak sa kanyang baso.
"Enough with the alcohol, Leone. Baka hindi umipekto ang shots na itinurok ko sayo kanina. Baka masira na naman ang facility sa oras na magwala ka." Mahinahong sambit ng kaibigan. Inilapag niya sa counter ang baso tsaka nagbayad sa bartender. Mukhang matutulog siyang iniisip ang magandang mukha ng asawa.
"ANONG nangyayari dito?" Tanong ni Eclipse ng napansin niyang makalat na naman sa facility.
"Sir, hindi na po tumatalab ang dosage ng shots kay Sir Leone. Kanina pa po sya nagwawala. Baka tuluyang masira ang facility." Sambit ng attendant ni JC.
"PALABASIN NIYO AKO! TNG!NA, KAILANGAN KO SI JOANNA! PALABASIN NIYO AKO!" rinig na rinig ni Eclipse ang sigaw ng kaibigan.
Gamit ang kapangyarihan niya, pinatigil niya ang paggalaw ng kaibigan at pinalutang sa ere. Hinarap niya si Leone.
"Tama na, Eclipse. Ayoko na. Uuwi na ako. Pupunta na ako sa kanya. Sasabihin ko na. Matatanggap ni Joanna ang lahat. Mahal niya ako...mahal na mahal. Ayoko na, hindi ko na kaya..." Parang nababaliw na sambit ni JC.
"Pero, sigurado ka na ba diyan, Leone? Paano kung hindi?" Paninigurado ni Eclipse sa kanya.
"I already marked her. Hinding-hindi niya ako maiiwanan...please Eclipse, make it stop."
"ANONG iniisip mo, Love?" Napatigil siya sa kanyang pagbabalik tanaw ng marinig ang boses ng asawa. Ngumiti siya dito at hinalikan ang pisngi.
"Wala lang. Akala ko habang-buhay na akong mag-iisa." Tugon ni JC sa tanong ng asawa.
Sa araw ding iyon umuwi si JC sa bahay nilang mag-asawa. Doon niya napagtantong walang ibang paraan kundi ang kanyang asawa.
Tanging ang asawa lamang niya ang makakapagpakalma sa umiigting na bloodlust sa kanyang sistema. Ito ang magtutugon sa kanyang pangangailangan.
Fvck his ex. Fvck all the hunters. Fvck the Gods and Goddess's mistakes. Hanggat nasa tabi ang kanyang pamilya, hinding-hindi siya susuko sa paghahanap ng paraan upang makamit nila ang kapayapaan.
Hinalikan niya ang labi ng asawa. Yumakap siya dito ng mahigpit habang paulit-ulit na binubulong kung gaano niya ito kamahala.
Nang kumalas sa pagkakayakap, mariin niyang tinitigan ang mga mata nito.
"Let's go to Eclipse's place. I think I know how to make you a vampire."
•••••
That's it the last chapter! Give this chap a star please!
BINABASA MO ANG
Mr. Coffee Guy [Hybrid Series #1]
خيال (فانتازيا)[FIN] Just like a typical love stories of those people in the middle class, Joanna Clarrise Sta. Maria fell in love to a part-time coffee barista and a part-time raketero Juan Carlo Batista. The two decided to get married after a year of being in a...