CHAPTER 14

16 4 0
                                    

Chapter 14: Sorry

"WOW! Galing talaga ng Love ko!" Napangiwi si JC sa sinabi ni Joanna. Akala niya ay tuluyan ng nawala ang pagiging conyo ng asawa ngunit nagkamali sya. Well, some things never change. Sabi niya sa kanyang isipan.

Nasa mansion parin sila at kasalukuyang pinapakita sa asawa ang kanyang kapangyarihan. He can make anything he touches freeze or loose its heat.

"Para kang si Elsa!" Nakangising sabi ng asawa. "Sino naman si Elsa?"

"Yung animated character sa isang movie na pinapanood ng kambal. Paborito nilang dalawa yun. May powers din si Elsa. Ice ang powers niya. At gaya mo, kung ano mahawakan niya ay nagyeyelo." Paliwanag ni Joanna.

"Hindi naman talaga ice powers ang tawag sa power ko. It's just kaya ko lang pababain ang temperature ng bagay na mahawakan ko. Pero pag di ko mahawakan, walang mangyayari. I can make the air that sorrounds me loose its heat, but I can never make it into ice. Magkaiba parin kami ni Elsa. Once something or a matter losses its heat, the temperature will drop, therefore it becomes cold." Napatulala si Joanna sa asawa.

Natawa naman si JC. Mukhang nakalimutan yata niyang sabihin na minsang syang naging chemical engineer sa 321 years of existence niya dito sa mundo ng mga tao. Kinabig nalang niya ang asawa tsaka hinalikan ang noo.

Saktong lumamig ang ice cream batter na nasa hawak niyang stainless bowl. Kumuha siya ng dalawang baso at kutsara. Nilagyan niya ang bawat isang baso ng ice cream sabay lapag sa kitchen counter at iniabot kay Joanna.

Titig na titig lang si Joanna sa lahat ng ginawa ni JC. Hind niya maiwasang maproud. Ang daming accomplishments ang naabot nito sa loob ng maraming taon. Kaya hindi niya lubos maisip kung bakit siya an naging mate nito. Kung bakit ito iniwan ng unang babaeng minahal nito. Kung bakit nakatira ito dito sa mundo ng mga tao, sa halip na sa mundo nila.

"Magulo ang mundo namin, Love. Nakalimutan kong sabihin na nababasa ko ang nasa isip mo." Nanlaki ang mata ni Joanna at pinagpapalo sa inis si JC. Wala na tuloy siyang privacy.

"Nababasa namin ang isip na nasa kapareha namin kapag nainom na namin ang dugo nila." Lumapit si Joanna at niyakap ang asawa. Gustong-gusto ni JC kapag naglalambing si Joanna, feeling niya kaya niyang lampasan ang hamon na naroroon sa mga katulad niyang Hybrid.

"Sige lang. Magkwento ka lang, Love." Sambit ni Joanna habang marahan na hinahaplos ang malambot na buhok ng asawa.

"We're not supposed to be here. Isa lang kaming pagkakamali, Love. You see, werewolves, vampires, elves, witches and some pagan mortals love the Goddess of the Moon. Ngunit, namatay siya at walang pinili ang buwan para humalili sa kanyang pwesto. Doon nagsimula ang lahat.

Dahil walang Diyosang magtatakda ng mga mate ng bawat nilalang sa mundo namin, nagkaloko-loko ang lahat ng nilalang. May mga bampirang nagmahal ng elf. Lobong nagmahal ng witch. At bampirang umibig sa isang lobo. Dahil doon, nabuo kaming mga Hybrid." Umupo sa tabi  ni JC so Joanna.

"Bakit naman bawal iyon? Eh nagmahal lang naman sila?"

"Kasi, ang Diyosa ng Buwan ang magtatakda ng kanilang mate. Ang mate nila ang mamahalin nila habang buhay. Oo nga't nagmahal lamang sila, ngunit hindi ito naayon sa batas ng aming mundo.

Isipin mo, kung ang bampira at lobo ay nagkaanak, mag-aaway ang dugong lobo at bampira sa loob ng katawan ng nilalang na iyon. Hindi compatible ang dugo ibang nilalang. Magreresulta lamang ito ng sakit, pighati at kamatayan." Naluha si Joanna sa rebelasyon ni JC.

Ibig sabihin ay hanggang ngayon, nagdudusa parin si JC sa maling pag-ibig ng kanyang mga magulang.

"I'm sorry, Love. Pero pinaghahanap kami ng mga hunters and huntresses. Utos iyong ng kanilang Diyosa. Kaya kung sasama ka sa akin, manganganib ang buhay natin. Mapapahamak ka at ang mga bata. Kaya mabuti pa ay maghiwalay na tayo--"

"HINDI! Walang maghihiwalay  JC! Kasama tayo dito sa laban na ito. May mga dugo mo rin ang kambal. Sigurado akong hahabulin din sila ng mga hunters and huntresses. Kasama mo kami dito, Love. Hinding-hindi ka na mag-iisa." Pinahiran ni JC ang luhang tumulo mula sa mga mata ng asawa. Hinalikan niya ito sa noo, tapos sa ilong, at panghuli sa mga labi niya.

Determinadong tinignan ni Joanna ang asawa. "Gawin mo akong bampira , Love. Nang sa ganon ay hindi na natin kailangan pang tumakas."

••••

GIVE this chap a starrrrr!
Please ^~^

Mr. Coffee Guy [Hybrid Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon