CHAPTER 9

17 5 3
                                    

Chapter 9: Questions

Abala si Joanna sa pag-aayos sa mga bagong dating na school supplies. Tiyak na dudumugin na naman sila ng mga estudyante mamaya.

Agad na tumayo si Joanna nang tumunog ang chime ng shop, hudyat na may taong pumasok sa shop.

Babatiin niya sana ito nang mapagtanto niya kung sino ang pumasok.

Agad kinuha ni Joanna ang pinakamalapit na bagay na kanyang mahawakan-ito ay ang stapler at walang pagdadalawang-isip na ibinato sa lalaking papalapit sa kanya.

"Jusko po!" Tanging nasabi ni Jessie sa naabutang eksena. Hindi niya ito inaasahan. Nagpaload lang sya sa katabing tindahan at hindi inaasahan ang dramang magaganap. Hindi sinalag o iniwasan ng bagong dating na si JC ang stapler na ibinato ng asawa. Kitang-kita ni Jessie ang lahat ng emosyong inipon nito sa loob ng dalawang taon.

Agad na nagtungo si Jessie sa bahay upang mabantayan ang mga batang at mabigyan ng sapat na panahon ang dalawa upang makapag-usap.

Naiwan silang dalawa ng kanyang asawa sa shop. Lumapit siya dito at binigyan ng mag-asawang sampal bago isinara ang pinto ng shop. She even flipped the signage from "open" to "closed".

Muntik atakihin si Joanna sa puso nang saktong paglingon niya ay bumungad kaagad sa kanya ang pagmumukha ni JC.

Lahat ng galit, poot, lungkot, pangungulila, pag-alala at pagmamahal na dalawang taong nakabaon sa puso niya ay muling umusbong.

Sinampal niya nang ubod ng lakas ang kanang mukha ng asawa. Sunod ang kabila. Hanggang sa sunod-sunod na sampal at suntok at natamo ng asawa sa mukha at dibdib.

Wala ni isa ang iniwasan ni JC, at mas lalong nagalit o nainis si Joanna. " Bakit ka pa nagpakita kang hayop ka?!" Sigaw niya dito.

"Bakit mo kami iniwan?!" Sabay sampal ulit.

"Bakit ka umalis?! Ha! Ano bang kulang sa akin?!" Sinutok-suntok niya ang dibdib ng lalaki.

"Minahal mo ba talaga ako?!" Sasaktan niya sana ito nang mahuli ni JC ang kanyang dalawang kamay.

"Bitawan mo ako! Walang hiya ka!" Humahagulgol na sambit ni Joanna habang pilit na nagpupumiglas sa hawak ng asawa.

"Love..."

She. Lost. It. Boses palang nito ay tila nawala lahat ng negatibong emosyon sa kanyang puso at napalitan ng pangungulila at pagmamahal. Mas lalong lumala ito nang kabigin siya nang asawa at yakapin. Tahimik siyang humahagugol sa bisig nito.

Tumagal sila ng hindi niya alam kung ilang minuto sa posisyong iyon hanggang sa tumahan siya.

Nakakabaliw. Ang lalaking ito lang ang makakapagpabaliw at  makakapagpatino sa kanya.

Tinupad din nang Diyos ang kanyang dasal na sana umuwi ng ligtas at buo ang kanyang asawa.

•••••

Give this chap a star. Pleaseee with cherries on top! OwO

Mr. Coffee Guy [Hybrid Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon