Chapter 10: Bloody
"HINDI ka nagsisi bakla?" Tanong ng pinsan kay Joanna.
Napatigil sa ginagawa si Joanna. Napatingin sya sa direksyon ng mag-amang masayang naglalaro. Nakasakay sa laruang kotse ang kambal habang itinutulak sila ng kanilang ama.
Dalawang linggo na simula ng bumalik ito sa kanila. Sa ikatlong araw ng pananatili nito ay pinaulanan ng pagkain at laruan an kambal. Pangbawi daw sa lahat ng pagkukulang niya sa loob ng dalawang taon.
Pero hindi niya pa rin pinapansin ang lalaki. Natutulog ito mag-isa sa kanilang kwarto. Siya naman ay natutulog sa kwarto ng kambal.
Halata namang bumabawi sa kanya ang asawa. Kada umaga ay hindi na niya kailangan pang magsaing at magluto, gigising siya may pagkain sa hapag at ang paborito niyang kape. Si JC din ang nagpapaligo at umaasikaso sa kambal kaya naman maaga niyang nabubuksan ang shop. Ang asawa niya rin ang naglalaba, namamalansta, naglilinis ng bahay at kung ano-ano pa.
Hinarap ni Joanna ang pinsan, tsaka ngumiti. "Hindi ako nagsisi, Jess. Kita mo naman ang saya nila diba?"
Sinuklian rin siya ni Jessie ng isang ngiti. Alam niyang susuportahan siya nito sa kung ano man ang kanyang maging desisyon.
"Kakain na." Hindi na niya kailangan pang lingunin ang nagsalita. Boses palang nito ay kilalang-kilala na niya.
"Iniwan mo ang kambal?" Tanong niya rito.
"Nanonood sila ng TV. Tsaka hindi naman sila makulit eh"
"Hindi mo dapat iniiwan sila ng basta-basta na lang" May meaning iyon. May hugot ika nga.
Kakatapos niya lang isara ang shop. Napahikab siya sa pagod. Dumagsa na naman kasi ang mga estudyante. May project na naman yata ang mga ito.
Naramdaman niyang lumapit sa kanya ang asawa. Agad siyang tumayo at lumabas, pero napahinto siya nang makalapit sa may pintuan ng bahay nila. She now thinks she's rude. Nagpakalawala siya ng isang mabigat na buntong-hininga. She thinks it's about time para mag-usap sila nang masinsinan.
Kakatapos lang patulugin ni Joanna ang kambal. Napag-isipan niyang puntahan ang asawa sa kwarto nila ngunit laking pagtataka niya ng wala ito roon.
"Baka nasa sala, nanonood ng TV." Sabi ni Joanna sa kanyang sarili.
Pababa pa lang nang hagdan ay nakarinig siya ng kakaibang ungol. Tunog ungol nang hayop na nahihirapan. Agad kinuha ni Joanna ang walis na nasa paanan ng hagdan.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pinagmumulan ng ingay. Nagtaka siya kung bakit nakabukas ang pintuan ng kusina.
"JC, ikaw ba yan?" Sabi niya habang dahan-dahang tinutungo ang kusina.
"Love, nasaan ka?"
Hindi pa nakakarating si Joanna sa may pintuan ng kusina ay bigla na siyang tumilapon palabas. Nabitawan niya ang hawak niya walis at wala sa sariling napadaing dahil sa lakas ng impact na tumama sa kanyang likurang bahagi.
Nanlalabo ang kanyang mga mata. Biglang lumakas ang ulan at nag-brown out. Nakita niya ang isang pigura ng tila halimaw ng biglang kumidlat.
Narinig niya ulit ang kakaibang ungol na narinig niya kanina.
Kumidlat muli at mas lumapit ang pigura sa kanya. Dahan-dahan siyang umatras sapagkat sumasakit pa an kanyang likod.
"L-lowrrr-love..."
"JC?" Tumalsik ulit siya at tumama ang likod niya sa lupa. Nakadagan sa kanya ang halimaw. Naisip niya na baka kinain ng halimaw si JC.
Nakahawak ito sa kanyang pulsuhan nang dilaan nito ang kanyang leeg. Pilit syang nagpumiglas at nang kumidlat ay naaninag ang mukha ng halimaw. Ang kanyang asawa! Si JC!
"Bitawan mo ako! Halimaw ka!" Todo sigaw at pagpupumiglas ang kanyang ginawa.
Bigla siya nakaramdam ng sakit sa kanyang leeg na tila ininjection. Kasunod nito ang tunog ng pagsisip. Sinisipsip ang kanyang dugo! Ramdam na ramdam niya ang pagdaloy ng dugo palabas sa kanyang leeg patungo sa halimaw na kasalukuyang sumisipsip sa kanyang leeg.
Nanghihina siyang tinigilan ng halimaw. Nawala ang mabalahibong feature ng braso at dibdib nito ngunit hindi ang kulay pulang mata at pangil.
Narinig niya napunit ang kanyang damit at dito na siya tuluyang napahagugol. Plano niya sanang patawarin ang asawa. Ngunit mukhang hanggang plano na lang ito.
•••••
Give this chap a Star please!
BINABASA MO ANG
Mr. Coffee Guy [Hybrid Series #1]
Fantasi[FIN] Just like a typical love stories of those people in the middle class, Joanna Clarrise Sta. Maria fell in love to a part-time coffee barista and a part-time raketero Juan Carlo Batista. The two decided to get married after a year of being in a...