CHAPTER 7

18 5 3
                                    

Chapter 7: Hospital

Isinugod ni Joanna ang anak na si Rem sa ospital. Inaapoy ito ng lagnat kaninang umaga. Kasama niya ang pinsang si Jessie na ngayon ay karga-karga si Ram. Wala kasi siyang mapag-iiwanan dito sapagkat nasa trabaho pa ang asawa.

Kinakailangan ding mapacheck-up si Ram dahil tila abnormal ang hair growth nito sa braso at binti. Natatakot siya na baka tuksuhin ang anak niya habang lumalaki ito kaya minamuti niyang patingnan ito sa doktor at matanong kung may magagawa ba sya tungkol dito.

Kasalukuyan silang nakapila sa labas ng opisina ni Dr. Wüf, kilalang pediatrician dito sa nag-iisang ospital dito sa Hermoso, ang M hospital.

Panglima sila ayon sa number na ibinigay ng secretary nito. Dalawa nalang silang nakaupo sa bench na nasa corridor. Mukhang mas mapapadali ang gamutan nila dahil walang masyadong tao dito.

Inalo niya ulit si Rem nang magsimula itong umiyak. Nakapagpasalamat siya nang hindi nagising si Ram sa kandungan ni Jessie.

"Anak mo yung dalawa?" Tanong ng babaeng katabi niya.

"Opo, nilalagnat po itong umiyak, tapos papacheck-up ko po iyong natutulog." Sabay turo kay Ram.

"Baka naman dahil sa ngipin lang, iha" sabi nung babae.

"Paano po magkakangipin eh dalawang buwang gulang pa lang naman po ito?" Nagtaka siya sa sinabi ng babae. Imposibleng magkangipin na ito. Napansin niya rin na kakaiba ang itsura ng babae. Puti ang buhok nito ngunit batam-bata pa ang mukha. Matangos ang ilong at puti rin ang pilik-mata. Nagmukha tuloy siyang engkanto. Akay-akay din nito ang batang may katulad niyang karamdaman.

Hindi na niya muling pinansin ito. Hanggang sa numero na nila ang tinawag upang pumasok sa silid.

Pagpasok na pagpasok nila sa opisina nito ay ang biglaang pagmura ng doktor na kinaiyak at kinagising nina Rem at Ram.

Hinding-hindi nakaligtas sa tenga niya ang narinig.

"What the Fvck did Leone do this time?!!"

•••••
GINGERBREAD TRIVIA:

There's actually a disease called the werewolf's syndrome. The hairy characteristic of the werewolf is observed not the ears and facial features. Yung balahibo lang po. Anyways, give this chap a star. Thanks

Mr. Coffee Guy [Hybrid Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon