Chapter 4: Marry
“ALAM mo girl, ang swerte mo.” Paulit-ulit nalang na sambit ni Jessie sa kanya simula nang malaman nitong ikakasal na siya kay JC.
Matagal na nila itong pinagplanuhan. First month palang nilang magkasintahan ay nag-alok na kaagad ng kasal ang nobyo sa kanya.
Ang bahay at lupang binili nito ay pinagplanuhan talaga ng lalaki, hindi lamang para sa sarili nito, kundi para sa kanya at sa future family nila.
“Ganun talaga siguro, Jes kapag maganda ka.” Napahagikhik si Joanna nang sumimangot ang mukha ng pinsan. Nakatambay sila ngayon sa school supply shop nila ni JC.
Napag-usapan nilang dalawa na huminto na sya sa pagtatrabaho sa call center at gamiting puhunan ang maliit na ipon nito para sa kanilang negosyo. At dahil lapitin talaga ng swerte itong nobyo nya, ay agad pumatok ang negosyo nila dito sa Hermoso.
Maganda din ang lokasyon nito dahil nasa tapat lang ng bahay nila at ilang metro lang ang layo sa mga paaralan.
Sa loob ng anim na buwan ang lumago ito ang nabili na rin nila ang kanilang pwesto.
Sumaside line pa rin naman si JC ngunit mas magaan nalang ang nagiging trabaho nito. Rason ng binata, para mas marami daw silang quality time.
“Nakausap na ba niyang jowa mo si Mother dear?” Tanong ng pinsa nito sa kanya.
“Hindi pa, surprise daw eh. Pero, mukhang boto din naman si Mama kay JC.” Sagot niya sa pinsang abala sa pagtitipa sa cellphone nitong Iphone. Bigay daw ito ng nobyong retired na sundalo sa Amerika. Napailing nalang sya.
Agad din namang nabaling ang atensiyon niya nang may pumasok na grupo nang mga estudyante. Mukhang magiging busy din sya.
Masyadong naging busy ang araw para kay Joanna. Napag-alaman niyang half-day lang ang pasok ng mga high school students kaya dinumog na naman ang shop.
Kakarestock lang nila ni Jessie kaninang madaling araw, at mukhang magrerestock uli sila dahil sa pagkaubos ng mga ito ngayong araw.
Tinignan ni Joanna ang kanyang cellphone at nalukot ang mukha niya nang makitang wala ni isang text ang natanggap mula kay JC.
Natapos nalang ang imbentaryo nya’t lahat-lahat ay di pa rin nagtext o di kaya ay dumating ang nobyo para sunduin sya. Unusual nga para sa kanya. Sinubukan niyang tawagin ito ngunit walang sumasagot.
Isang linggo din niya itong hindi nakita dahil may nakitang raket sa kabilang bayan kung saan kinakailangan nitong magstay- in.
Nangako itong susunduin sya ngayong araw ngunit mukhang hindi nito matutupad ang pangako.
Napaiyak si Joanna. Ito ang unang beses na napako ang pangako ng nobyo sa kanya.
Nalalate ito pero maya’t maya din kung magtext ang binata. Dali-daling tinignan ni Joanna ang cellphone ng tumunog ito. Nadismaya sya nang makitang si Jessie lang pala ang tumawag.
“Bes, wag mong sabihing nakalimutan mo?”
“Ang alin?” mukhang wala naman siyang nakakalimutan ah.
“Engagement party ngayon ng kaibigan kong bakla. Di sabi mo pupunta ka?” Engagement party?
Wala siyang matandaang ganun, pero pinili niya pa ring samahan ang pinsan. Baka sakaling madivert ng mga pagkain doon ang inis niya para sa nobyo. Hindi nagdalawang isip na pumara ng tricycle at nagpahatid sa bahay ng pinsan.
“Hindi ba tayo overdressed?” tanong ni Joanna sa pinsan.
Naka-off shoulder knee length white dress kasi sya. Samahan mo pa ang maliit na flower crown at belo na hanggang likod ang haba, mukha tuloy siyang ikakasal, ngunit dahil may belo ding suot ang pinsan, naisip niya na baka ito ang motif ng engagement party.
“Oh, girl. Kunin mo na dali!” agad niyang tinanggap ang bouquet na puting rosas mula sa pinsan.
Nakahinga siya nang maluwag nang malamang plastic iyon at hindi totoo. Baka mapauwi sya wala sa oras dahil lang sa allergies niya. Pink naman ang hawak ng kanyang pinsan.
“Bes, dito ka lang muna ah, may pa-echos echos pa kasi itong si Rina eh” hindi na niya napigilan ang pinsan, sapagkat nagmamadali itong umalis papunta sa hindi niya na inalam kung saan. Kaya ito siya ngayon, nakatunganga sa harap ng dalawang malalaking wooden door, nagbibilang ng mga alikabok sa hangin.
Napatuwid ng tayo si Joanna nang marinig ang kantang beautiful in white. Mukhang magsisimula na ang party at wala pa rin ang pinsan. Sa’n na kaya iyon?
Aalis sana sya nang makita niyang bumukas ang pinto. Tila nahinto ang oras sapagkat narealize niya na isa itong maliit na chapel, napapalamutian ng mga pink at white artificial roses at higit sa lahat ang red carpet. Nandoon din ang kanyang Ina, mga kaibigan, mga suki niya sa shop at higit sa lahat, ang lalaking alam niyang may pasimuno ng lahat. Hindi ito engagement party ng kaibigan ng pinsan, kundi ang kanyang kasal.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa altar. Nakakatitig sa lalaking kanyang buong puso at paulit-ulit na pakakasalan. Dahil sa emosyong nadarama, ay naluha nalang siya, hanggang sa humahagulgol na pala siya habang naglalakad. Buti nalang talaga at waterproof ang make-up na ginamit ng pinsan para sa kanya kung hindi ay magmumukha syang bruha sa mismong kasal niya.
Nang makarating sa altar ay tinanggap ni Joanna ang nakalahad na kamay ni JC. Magkahawak-kamay silang humarap sa pari. May ibinulong pa si JC bago magsimula ang seremonya…
“Sa wakas ay akin ka na rin…”
••••••
BINABASA MO ANG
Mr. Coffee Guy [Hybrid Series #1]
Fantasía[FIN] Just like a typical love stories of those people in the middle class, Joanna Clarrise Sta. Maria fell in love to a part-time coffee barista and a part-time raketero Juan Carlo Batista. The two decided to get married after a year of being in a...