CHAPTER 11

14 5 2
                                    

Chapter 11: Warmth

MASAKIT ang katawan ni Joanna nang magising. Nakapikit pa sya sapagkat nahihirapan siyang ibuka ang mga mata. Feeling niya namamaga iyon. Masakit din ang bagay na nasa pagitan ng kanyang hita.

Napaluha siya nang maalala ang nangyari. Hindi niya alam kung ano ang mararadaman niya. Ito ba ang dahilan kung bakit 2 years na nawala ang asawa?

Mali ba ang pagkakakilala niya dito?

Nakulam ba ito? May parte sa kanya na galit. May parte rin namang naaawa o nalulungkot. Nagpapasalamat siya na siya ang naabutan ng asawa at hindi ang mga bata. Sa estado nito kagabi, tiyak na mapapatay ni JC ang kambal kapag nagkataon.

Bakit ito tinago sa kanya ng asawa? Ano nang mangyayari sa kanya? Sa kanila?

Naputol ang pag-iisip ni Joanna nang makarinig siya ng pagbukas ng pinto.

"Love..."

Tuluyan na siyang napahikbi nang marinig ang boses ni JC. Blangko ang isip niya sa mga oras na iyon. Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang umiyak nang umiyak.

"I'm sorry..."

"Bakit?" Isang salita lang iyon pero marami ang kahulugan. Marami ang maaring maging sagot.

"Sasabihin ko dapat sayo pero natakot ako. Napangunahan ako ng takot." Tuluyan na niyang iminulat an kanyang mga mata.

"Takot? Tng!na takot yan!" Bumangon siya mula sa pagkakahiga. Tila wala siyang maramdamang pisikal na sakit. Nangibabaw ang pait at galit sa kanyang puso.

"Sa tingin mo ba hindi ako natakot?! Sa tingin mo ba hindi ako nag-alala? Paano kung ang kambal ang napagdiskitahan mo?" Pumiyok siya sa huling tanong.

"Hinding-hindi ko magagawa iyon sa kambal. Mga anak ko sila-"

"At saakin magagawa mo? " pagputol niya dito.

"Oo..." Tila nawalan siya ng lakas.

Tahimik siyang umiyak habang nakatingin sa mga mata ni JC. Malamlam ang mga ito at napansin ang emosyong dumaan dito ng magtama ang kanilang paningin.

Niyakap siya ng asawa. Dahil sa pagod ay hindi niya nagawang tumutol. Naghalo ang emosyonal, pisikal at mental na sakit.

Naramdaman niyang hinalikan siya nito sa noo at naging hudyat ng kanyang paghagulgol.

Iniyak niya lahat ang kanyang hinanakit. Ang mga gestures na ito ang isa sa dahilan kung bakit niya minahal si JC.

Ang yakap at halik nito ay may kapangyarihang pawiin ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman.

Nang mapansin ng asawa na humina ang kanyang pag-iyak, masuyo nitong hinawakan ang kanyang baba upang magtama ang kanilang mga tingin. Hindi nabigo ang binata at sinimulang halikan ang kanyang noo. Sumunod ang kanyang ulo tapos ang kanyang labi.

Saglit silang nagkatitigan. Ilang saglit pa ay napatitig si JC sa labi ni Joanna. Lumunok ito at tumingala na tila nahihirapan. Nagtaka siya ngunit wala siyang sinabi. Hinintay niyang magtapat ang asawa.

Nawala ang galit at lahat ng negatibong emosyon sa kanyang puso. Ang tanging nanaig ay ang kanyang pagmamahal at kagustuhan malaman ang totoo.

Siguro ito rin ang naging dahilan kung bakit nanatili siyang tapat kay JC sa loob ng dalawang taon ng pagkawala nito. Kung bakit tinanggap niya itong multi sa kanilang tahanan ng magpakita muli ito sa kanila.

Tila nakuha ng asawa ang ibig ipihayag ng kanyang mga titig. Niyakap siya nito ng mahigpit. He started planting small sweet kisses on my shoulder blades.

Napapikit ako nang bigla niyang dilaan ang sugat na nasa aking leeg. Naramdaman kong unti-unti itong naghilom. Napadaing ako ng dumapo ang kamay niya sa aking dibdib.

Doon ko napagtanto na nakahubad pala ako. Hinayaan ko siyang halik-halikan ang sensitibong parte sa aking tenga.

I moaned when his hands reached for my thighs. Unti-unting nalaglag ang kumot na siyang naging pantakip sa aking katawan kanina.

"Hey, Leone-What the- " naitulak ko si JC nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang familiar na lalaki.

Agad niyang isinara ang pinto at umalis nang makita ang estado namin ni JC. Pinamulahan si Joanna. Nakita niya pa ang bahagyang pagngiwi ni JC. Inirapan lang siya ng asawa.

"Bwisit" rinig niyang bulong nito.

•••••

Press the star button please!

Mr. Coffee Guy [Hybrid Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon