Chapter 8: Gone
Nagstay muna saglit si Jessie sa bahay ni Joanna. Pinapatahan nila nang sabay ang kambal. May ininject kasi na gamot ang doctor na agad nagpapaba ng lagnat ni Rem. Hindi lang kay Rem nag-inject pati na rin kay Ram. May inireseta din si Doc Wüf na vitamins na dapat araw-arawin ng kambal. At available lang ito sa pharmacy ng M hospital.
Wala namang kaso iyon sa kanya. Ang importante ay ang wellness ng kanyang mga anak.
Naglinis muna siya nang bahay bago napagpasyahan ng pinsan na umuwi. Nagpasalamat siya sa tulong na naibigay nito.
Nakapagluto na't lahat lahat si Joanna ay hindi pa rin dumadating si JC. Alas onse na nang gabi at alalang-alala na siya para dito. Dali-dali naman siyang pumunta sa silid ng kambal nang marinig niyang umiiyak ang isa sa kanila. Dahan-dahan niyang hinehele si Rem at nakatulugan ang paghihintay sa asawa.
Nagising si Joanna dahil sa iyak ng anak niya. Si Ram iyon. Kaagad niya itong kinarga at pinatahan ngunit mas lalo lang itong umiyak.
Paniguradong ang ama nito ang siyang hinahanap ng bata. Napagpasyahan niyang bumaba ngunit nanlumo siya nang makita na kahit ni anino ng asawa ay hindi niya nakita.
Mas lalong umiyak si Ram na sinundan din ng iyak ni Rem. Siya man rin ay napaiyak.
Tila naging paraan iyon upang maramdaman niyang hindi lang siya ang nag-aalala, nagagalit at nalukungkot dahil sa nangyari, kasama din ang kanyang mga anak.
Seconds turned into minutes. Minutes turned into hours. Hours turned into days. Days to months. Hanggang sa napagod si Joanna kakabilang sa araw na nagdaan na hindi umuwi ang asawa. Napagod na sya. Ayaw na niya. At sana di na ito bumalik. Pero sa kabilang parte ng kanyang puso't isip, sana umuwi ito kahit para na lang sa mga anak nila.
•••••
Short update
![](https://img.wattpad.com/cover/231381631-288-k643426.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Coffee Guy [Hybrid Series #1]
Fantasy[FIN] Just like a typical love stories of those people in the middle class, Joanna Clarrise Sta. Maria fell in love to a part-time coffee barista and a part-time raketero Juan Carlo Batista. The two decided to get married after a year of being in a...