CHAPTER 6

20 5 6
                                    

Chapter 6: Twins

Dahan-dahan ang ginawang paghakbang ni Joanna pababa sa hagdang. Pinagbawalan na siya nang asawa na wag nang umakyat sa ikalawang palapag ngunit kailangan niyang kunin ang gamit niya sa paggawa ng necklace.

Nakita ni Joanna na nalukot ang mukha ni JC. "Love, sabi ko diba, wag ka nang pumunta sa kwarto natin dun. Ipinakuha mo na lang sana saakin." Mahinanong sambit ni JC habang inaalalayan ang asawa pababa sa hagdan. Inirapan lang siya ni Joanna sa halip na tanggapin ang nakalahad nito mga kamay.

"Eh sa inaasikaso mo yung mga baboy mo! Dun ka na nga. Amoy tae ka ng baboy" hindi naman totoo ito. Kahit ano yata ang gawin ni JC ay mabango pa rin ito. Naiinis lang talaga siya sa pagmumukha ng asawa niya.

"Eh kabuwanan mo na, Love. Sundin mo na lang ako." Hindi siya pinansin ni Joanna sa halip ay nagtungo ito sa kusina. Makapagluto na nga lang. Mas lalo akong naiinis sa pagmumukha mo eh. Sambit ni Joanna sa kanyang isipan.


"LOVE, pakuha nga nung bib ni Rem."

Napangisi si Joanna nang makitang nalukot ang mukha ng asawa habang karga-karga ang anak nilang si Ram. Kasalukuyan siyang nagpapa-breastfeed kay Rem. Kinaiinisan ito nang asawa sapagkat mang-aagaw daw ito ng dede.

"Ako nauna dyan! Tignan mo si Ram, sa feeding bottle lang, sinasanay mo kasi eh!" Paulit-ulit na rason ng asawa sa tuwing tinatanong niya ang asawa kung bakit lukot ang mukha nito.

Kambal ang anak nilang dalawa. Minura pa ni Joanna ang asawa habang nasa delivery room sila. Hindi na kasi sila nagpa-ultra sound.

Napapikit si Joanna nang maramdaman niyang kinagat ni Rem ang suso niya. Napasigaw siya sa gulat kaya umiyak ang bata. Naalis ang galit niya dito sapagkat hindi niya matiis na makita ang mukha ng anak na lumuluha.

"Anong nangyari, Love?" Tanong ni JC na nagpapatahan din kay Ram.

"Bigla kasing umiyak si Rem, yan tuloy nagising si Ram." Sabi niya habang patuloy parin ang pagpapatahan.

"Eh, eto kasing anak mo, bigla-bigla lang nangangagat, dumugo tuloy suso ko!" Kahit galit ay pinilit ni Joanna na patahanin si Rem.

Inabot pa ulit ng bata ang suso niya na tila sinisipsip hindi lang ang gatas, pati na rin ang dugo dito. Agad tumahan si Rem ngunit agad na inilayo ni Joanna ang bata dahil hindi niya pa nalilinisan ang sugat niya.

Saktong nakatulog ulit si Ram kaya inabot ni Joanna ang anak sa asawa na ngayon ay putlang-putla.

"Lilinisan ko lang sugat ko, Love. Patahanin mo muna si Rem."

Nagkukumahog si Joanna patungo sa banyo upang malinisan ang sugat, at hindi napansin ang pamumutla nang asawa.

•••••

Short update

Mr. Coffee Guy [Hybrid Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon