CHAPTER 2

20 6 23
                                    

Chapter 2: Selos

“HI Beautiful!”

Lumapad ang ngiti ni Joanna ng makita si JC. May dala itong dark chocolates. He really knows that Joanna doesn’t like flowers because it’s not food and she’s also allergic to it. JC knew better that Joanna would prefer chocolates, especially dark chocolates.

Napaisip si Joana. She knows JC so well as well as JC knows her. Tama nga si Jessie. Dapat ay hindi na nya patagalin ito, this time, she had to make the label official between her and JC.

“May problema ba?” tanong ni JC kay Joanna. She looked at him in the eyes. Hindi nya maiwasang mamangha sa mga mata nito. Those black menacing eyes were one of the reasons why she was and will always be captivated to the man infront of her.

Dahil sa hindi pagsagot ni Joanna sa tanong ng binata ay kinabig niya ito at hinalikan sa sentido. Hindi maiwasang mapangiti ng dalaga.

“Wala naman kasi akong problema.” She said and then kissed him in the cheeks.

“Date nalang tayo.” JC grinned. Namula rin ang mestisong mukha nito. No doubt that this man is indeed in love with her. Baka nga sagutin na niya ito ngayon.

“Saan yung pizza?” tanong ni Joanna nang mapansing wala ni isang box ng pizza sa kamay ng binata. Papunta sila ngayon sa parking lot kung nasaan ang motor ni JC. Hindi naman kasi ito mayaman. Marami itong trabaho. Barista, singer, waiter, bartender, tubero, construction worker, janitor at marami pang iba. Nakatapos naman ng tech-voc course si JC sa Tesda ngunit sa hirap ba naman ng buhay sa Pilipinas, ay kinakailangan ni JC na magdoble kayod. Sa katunayan, hinuhulug-hulugan lang nito ang motor na syang sasakyan nila ngayon. Kakatapos lang kasing bayaran ni JC ang bahay at lupang napili nito sa may Hermoso.

Proud na proud sya kay JC. Pwede nang maging asawa. Natawa si Joanna sa naisip. Hindi pa nga sila mag-jowa, asawa na agad?

“Anong nagpapangiti sa mahal ko?” saka lang napansin ni Joanna na napahinto pala siya sa paglalakad habang ngumingiti. Mukha tuloy siyang baliw.

“Pwede ka na palang asawa no?” Napatawa din nang mahina si JC.

“Bakit naman? Hmm?”

“Kasi, may bahay at lupa ka na. May motor, may trabaho na maayos ang kita, at isa pa, napakamaalaga mo.” Kinagat ni JC ang ibabang labi upang pigilan ang ngiti ngunit balewala iyon. Napapangiti talaga siya ng babaeng umangkin at nagnakaw ng kanyang puso.

“So, aasawahin mo na ako? Ganun? Halika pakasal na tayo!” biro ng binate kay Joanna.

Pinamulahan kaagad si Joanna, alam niyang biro lang ito, ngunit gusto din niyang makasal sa binata. Napapanagipan at pinapangarap niya iyon.

“Halika na nga.”

“Miss, panyo mo nahulog.” Kaagad lumingon si Joanna sa nagsalita.

“Rod? Rod, ikaw nga!” Hindi niya maiwasang yakapin si Rod, matalik niya itong sa high school. Lagi itong nangunguna sa klase. At dahil kaibigan nga nya, kumukopya sya dito ng sagot sa assignment nila.

“Kamusta ka na?

“Eto, hinahanap pa rin siya.” Naawa si Joanna sa kaibigan. Halata kasi sa itsura nito ang frustration. Hindi niya kilala ang babae pero nangako ito sa kanya na siya ang unang makakakilala dito. Hindi maiwasang yakapin ni Joanna si Rod. Isang komportableng katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa.

Naunang kumalas sa yakap niya si Rod. “Salamat. Mukhang Kailangan ko nga iyon.”

“Walang anuman, Rod” ngumiti ito sa kanya ngunit kapansin-pansin pa rin ang lungkot sa mga mata nito. Nagpaalam ang binata kay Joanna. Malungkot siyang napangiti para sa kaibigan. “Sino ‘yon?”

Napahinto si Joanna sa pag-iisip ng marinig ang boses ni JC. Kahit di niya lingunin ay kilalang-kilala niya ito. “Si Rod. Bestfriend ko.” Nakalimutan niyang ibanggit sa binata si Rod, sapagkat ilang taon din itong hindi nagpakita sa kanya. “Madami ka palang bestfriend na lalaki?” nahimigan ni Joanna ang inis sa boses ni JC.

“Hindi naman. Si Rod lang” lumingon siya sa kinaroroonan ng binata. Bakas sa gwapong mukha nito ang pagpipilit na alisin ang kahit anong emosyon na pinapakita ng mga mata nito-inis, lungkot at takot.

“Kaibigan ko lang siya JC. Tsaka hinahanap niya ang kasintahan niya-“
“Wala akong pakialam” mahina ngunit matigas na pagkasabi ni JC sa dalaga.

“Ang lalaki pwedeng-pwede maging kaibigan na sikretong magkakagusto sa babae, lalo na kung ikaw ang babaeng!” Napaigtad si Joanna. Unang beses siyang masigawan ng lalaki sa ganitong paraan. “JC, wag ka-“

“Ano? Wag akong magselos? Bumili lang naman ako ng tubig ah. Oo nga, wala akong karapatan magselos, pero tng*na! Selos na selos na ako. Natatakot ako na baka ang tatlong taon kong panliligaw sa iyo ay mapalitan lamang ng mga bagong salta. Ayoko nang ganun. Hindi mo pwedeng sabihin sa aakin na wag akong mainsecure dahil walang security hangga’t di mo ako sinasagot. Ano bang mali sakin?”

Walang naisagot si Joanna. Tumulo ang luha niya mula sa traydor niyang mga mata.

Anong nagawa ko?

•••••

Hey there! Gimme a star please!

Mr. Coffee Guy [Hybrid Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon