Chapter 1: Coffee Notes
HINDI pinansin ni Joanna ang tumatawag sa kanya. Busy sya. Busy kakatingin sa view. Hindi nya maalis ang tingin sa gwapo at machong barista ng Lofi Café. Araw-araw sya dito. Alas sais ng umaga. Parating nasa reminders ito ng office table at cellphone nya, ngunit hindi na sya kailangan pang paalalahanan dahil tila may sariling buhay ang kanyang mga paa na araw-araw syang dinadala dito.
“Sagutin mo na kasi, girl.” Napalingon si Joanna sa nagsalita.
“Pakipot ka pa, baka makuha iyan ng iba. Sige ka.” Hindi niya pinansin ang sinabi ni Jessie. Jose Ernando Fuentes talaga ang pangalan nito, ngunit ayaw niyang tinatawag siyang Jose, Palibhasa, bakla kasi.
“Kaya naman pala hindi ako pinapansin nung tinatawag kita, kasi nga busy-busyhan ka kakatingin kay Juan Carlo. Naku ewan ko nalang sayo girl. Magtatatlong taon na ‘te!”
Napabuntong-hininga lang si Joanna sa kanya. Tatlong taon na syang sinusuyo at nililigawan ni JC. Hindi niya alam kung anong nagho-hold back sa kanya. Gwapo naman ito. Mabait, makulit, masungit, mayabang-minsan, masarap magluto, mapagmahal, maalaga-
“Yummy, mabango, hay naku girl! Paulit-ulit mo nalang sinasabi sa akin yan. Eh halos kabisado mo na nga pala sya eh mula ulo hanggang paa, tapos di mo pa sasagutin? Ano nags#x na ba kayo?” Pinamulahan siya sa sinabi ng pinsan. Mataas ang respeto ni JC sa kanya, na kahit nung nanonood sila sa bahay nito ng Fifty Shades of Grey ay hindi sya hinawakan ng lalaki sa mga lugar na hindi nararapat. Pinatay lang ng binata ang DVD at hinalikan sya sa noo bago hinatid sa apartment na kanyang tinutuluyan.
At ayaw nyang makipag-argue sa pinsan dahil tama talaga ito. Sumimsim sya sa milk tea na hawak nya at kumagat sa cupcake na kanyang kinakain. Wala syang maisagot sa pinsan, dahil sya rin naman ay napapaisip.
“Sasagutin ko sya.” Napahinto si Jessie sa paglantakan ng kanyang cake. Kumurap-kurap pa ito na tila hindi makapaniwala. Dumaan ang tatlong segundo ay tahimik nang nagtitili si Jessie sa kanyang kinauupuan. Lihim sya napangiti. Sasagutin nya ito third year anniversary ng panliligaw nito, which is sa susunod na linggo.
Agad napawi ang kanyang ngiti nang makita ang isang higad na pilit na nagpapacute kay JC. Kung makadamit ay kita pati kaluluwa. Tinusok-tusok nya ang straw ng kanyang milk tea. Tatayo sana sya nang pigilan siya ni Jessie.
“Opps! Wag susugod-sugod. Walang label. Hmmm” sambit nito sa kanya habang kinakain ang pangatlong slice ng cake na inorder nito.
Gusto nyang bigwasan ang pinsan, ngunit may point na naman ito. Wala syang nagawa kundi ang umupo muli ang nakabusangot na tinatapos ang milk tea na hawak niya. Gustong-gusto nyang sabunutan ang higad na umaaligid kay JC, ngunit napangiti siya nang hindi man lang tinapunan ng tingin ang babaeng nagpapacute dito.
Nagkatinginan sila ni Jessie at mas lalong lumapad ang ngiti nya sa sinabi nito. “Loyal naman pala sayo, girl. Hindi na kailangang bakuran.”
“Aba dapat lang, kung ayaw niyang masayang ang halos tatlong taon nitong panliligaw.” Nakangising tugon niya kay Jessie.
Nag-aayos siya sa kanyang mga gamit ng lumapit si Francis-waiter at kaibigan ni JC. May hawak itong coffee cup. “Bigay ni Carlo.” Natawa siya nang mahina dahil wala pa ring emosyon ang mukha nito. Hindi nya alam kung tao ba ito o estatwa. Nagpasalamat siya kay Francis at sumulyap sa counter. Namula ang mukha nya ng kindatan siya ni JC.
Para namang kiti-kiti sa kilig ang pinsan na nauna pang basahin ang sticky notes na idinidikit ni JC tuwing nagbibigay ito ng coffee sa kanya.“Hi love, good morning. Movie later sa bahay mo. Ako bahala sa pizza. Have a great day. Mwuah” Jessie said while mimicking JC.
Abot tenga ang ngiti niya. Guess she needed to go. She already got her daily dose of tea, cupcake and JC’s coffee notes.
•••••
Hey there! Give me a star please!
BINABASA MO ANG
Mr. Coffee Guy [Hybrid Series #1]
Fantasy[FIN] Just like a typical love stories of those people in the middle class, Joanna Clarrise Sta. Maria fell in love to a part-time coffee barista and a part-time raketero Juan Carlo Batista. The two decided to get married after a year of being in a...