4 - Message within

2 1 0
                                    

Author's Note:

Hey, I know na nabasa n'yo naman sa introduction that Diamond is a cussing machine. Please bear with her! HAHA! Happy reading!

Chapter 4: Message Within
ᴅɪᴀᴍᴏɴᴅ 
[Monday: July 16, 2018]

It is now the end of our classes. Our fucked-up group in English Performance Task decided to plan everything today. Hindi pwedeng hindi, dahil sa Friday na ang pasahan, makukulangan kami sa oras. We only have 3 days left at kailangan pa namin mag-aral sa dadating na hell days.

Tinabihan ako ni Hayden at nagsimula na namang mang-asar. Napapikit na lamang ako at napakapit sa noo. Bakit na lang talaga hindi na lang siya nagstay sa States? Sakit sa ulo 'to eh!

Ever since grade 7, ako talaga ang puntirya nito. Walang mintis sa panggugulo ng araw ko. But to be fair, ginugulo ko rin ang araw niya.

"Bato, magpakalbo ka na lang kaya?"

"Bato, nahihiya ka ba? Kasi Shay ang pangalan mo eh"

"Bato, kilala mo yung babaeng bida sa Guardians of the Galaxy? Kapangalan mo. Gamora kaso Z lang yung sa'yo. Maging green ka na lang din kaya?"

I pushed my tongue toward the inside of my cheeks out of annoyance. Unli ba 'tong taong 'to? Paulit-ulit ang pang-aasar. Walang bago?

"May problema ka sa pangalan ko?" nagtitimpi kong tanong sa kanya.

"Ikaw ba kausap ko? 'Diamond' ang pangalan mo diba? 'Gem?' hindi bato." ngising sabi nya sa'kin. Napapikit ako ng mariin at nagbuntong hininga. Tapos, nginitian ko siya.

"Tara. May pupuntahan tayo" sabi ko sa kaniya at hinila ko ang braso niya. Nakalabas naman kami ng room.

"Hoy bato! Virgin pa ko! Wag mo kong rape-in! Of course, I know that I am very irresistible, but I'd rather stay virgin! Hoy!" He tried to get out of my grip, but he can't.

"Fuck you. Dadalhin kita sa mental. Naluwagan ata masyado yung turnilyo sa utak mo"

Tinulak naman niya ako ng hindi kalakasan.

"Sabing virgin pa ko tas fucking agad? Tsaka mag-isa ka sa mental!" Madami na ang nagtitinginan sa'min pero hindi kami pinapansin. Malamang, sanay na ang mga 'yan sa away namin netong gagong 'to.

Di na talaga ako nakatiis at tinuhod ang ari niya."Makapag-fucking ka pa nga sana" sabi ko at iniwan siya sa labas ng room.

"Fuck you bitch!" sigaw niya sa'kin habang iniinda ang sakit ng maliit na ano niya. Katulad ng utak niya.

"Sorry. Virgin din ako" ngising sabi ko at kinindatan siya bago pumasok sa room. After some time, he went it, totally glaring at me.

As if it could kill me.

Sa totoo lang, natutuwa ako dahil kagrupo ko si Hayden. Kung hindi, mamamatay ako sa boredness dito dahil wala man lang nagsasalita sa amin. Ang mataray at mabait na si Savannah at Tracy ay parehong tahimik sa hindi ko malamang dahilan.

I thought that they would approach us like what they usually do, but I guessed wrong. Naisip ko na rin naman na baka hindi rin talaga sila makipag-usap dahil ever since start ng junior high school, umiiwas sila sa amin. Kaming mga Aces ay pare-parehong nag-iiwasan kaya hindi makakapagtakang hindi kami close.

Sa lahat naman kasi ng grupings for the past 4 years, we are always divided equally based on rankings. Kaya hindi mas napadali ang iwasan dahil una pa lang naman, hindi na kami nagkakasama sa isang grupo. That fucked-up teacher messed it all up.

Dawn of the MystiquesWhere stories live. Discover now