11 - Suprising visitor

3 1 0
                                    

Chapter 11: Suprising Visitor
ᴅɪᴀᴍᴏɴᴅ
[Saturday: September 8, 2018]

"Shit! Yung bata! WHY WOULD GO OUT THE BOAT! Ah ah! Ang tanga tanga! Arghhh!" inis na sabi ni Hayden. I noticed his tight grip on the pillow on his lap.

"Ay potek! GUMALAW YUNG KAMA! HOY!" sigaw din ni Andrei.

"Gurrll! Why would you let him enter! Bitch! Barilin mo na! Daaamn!" naiinis na sabi rin ni Savannah.

I sighed. Why was I friends with these idiots by the way?

Nasa dorm kami ni Tracy ngayon dahil Sabado. Kaya ng nakagawi, Netflix and chill kami ngayon. Kung hindi naman, nanonood kami ng movie na nasa harddrive ni Hayden. Bird box ang pinapanood ng mga mokong.

Nagkatinginan kami ni Tracy at nagkibit-balikat. Itong tatlong 'to talaga ang pinakamaingay kapag nanonood kami. I know that fucker is so loud when watching movies dahil kapag nanonood kami sa bahay namin o nila, maingay talaga siya. But I didn't expect that the other two will also be as loud as hell.

Kami ni Tracy, normal lang. Nagugulat kung may nakakagulat pero hindi kami nagsisigaw. For short, we are calm watchers. Those three idiots are exaggerated watched. The only silent watcher is Justine. She is just...watching. Without any expressions. Like she always does.

I sighed again. Typical Justine Cavalcante.

Nakaupo sina Andrei at Hayden sa baba ng sofa. Whenever we are having this movie dates, we always remove the living room table at the middle so that they will have full and uninterrupted view in watching. Nasa gitna naman namin ni Tracy si Savannah kaya every time na mapapasigaw siya, kami agad ang apektado.

Malakas sumigaw at umirit si Savannah. Para siyang nakamega-phone. Noong nagka-isang basketball game si Hayden, siya ang taga-cheer namin at pati na rin si Tracy. Pero mas malakas pa rin talaga sumigaw itong si Savannah kaya nangingibabaw.

Ako nakaupo lang noon sa gilid, pinagdadasal na sana matalo ang gago.

Balik tayo, nasa isang dulo naman si Justine ng U-type na sofa ni Tracy. Nga pala, wala si Filter. Siya ang pinaka-MIA sa amin. Hindi ko alam kung bakit, pero ang laging dahilan niya ay tungkol sa bahay nila. Hindi na rin naman kami nagtanong kasi for sure sasabihin naman niya sa amin kung gusto niyang sabihin diba?

For the past 2 months, lagi ring si Filter ang nauunang umuwi sa amin. Kung 3 ang awas namin, hanggang 4 PM lang siya nagsta-stay habang kami ay hanggang 5:30 lang. Okay na 'yun dahil kahit papaano, nag-adjust rin siya para sa amin.

"Shit! Fuck! Manganganak na yung tao oh! HAAA? WAG MONG TANGGALIN ANG NEWSPAPER YOU MOTHERFUCKER! Patayin mo na argh!"

"Kapag ako nandyan sa movie, SASAKSAKIN KO TALAGA YANG HINAYUPAK NA YAN!"

"BITCCHH! DON'T YOU HAVE A GUN OR SOMETHING? BITCCCHHH!"

Hindi ko na lamang sila pinansin at nanood na ako. Ito na yung part na manganganak sila pero merong tarandadong nakapasok at tinatanggal yung newspaper sa bintana para mahawa sila dun sa nakakamatay na virus.

Sa totoo lang talaga, hindi ko talaga alam pa'no kami nagkasundo nitong anim na ito. In my whole life, I have never imagined hanging out with these fuckers. And guess what? It's happening right now.

Imagine, ang gagong si Hayden, makulit si Andrei, anghel na si Tracy, maarteng si Savannah, ang kinakatakutan na si Filter, ang tahimik na si Justine, at akong laging mainit ang ulo. Sino ang mag-iisip na magkakasundo kami? Wala! Pero wala akong pinagsisisihan sa naging friendship namin. Masaya ako sa kanila. Sana nga magtagal ito.

Dawn of the MystiquesWhere stories live. Discover now