18 - White sneakers gang

4 1 0
                                    

Chapter 18: White Sneakers Gang
ᴀɴᴅʀᴇɪ
[September 17, 2018] 
〘 Day 4/94 〙


Nang marinig ko ang alarm na pagkalakas, itinaklob ko ang unan sa ibabaw ng ulo ko.

"Wake up, Andrei. It's 8 o'clock already" rinig kong sabi ni Tesla. Mas diniinan ko ang pagtaklob ng unan at mas nilaksan ni Tesla ang alarm.

Ang alarm namin ay hindi galing sa phone o kaya sa alarm clock, si Tesla mismo ang alarm namin kaya kontrolado nya ito. Soundproof naman ang bawat kwarto kaya walang makakarinig kung gaano kalakas ang alarm.

May pumasok sa kwarto ko at tumalon-talon sa kama ko.

"Kuya Andreeiiiiiii! Wake up naaaaaaaa! Kyle, shake him! Shake him!!!" sabi ng boses ng batang babae.

Bigla naman akong kinalog ng isa pang bata. Sa pagkalog ni Ae-ae, nahulog ako sa kama. Kasabay ng pagkahulog ko ang pagtigil ng alarm, at pagtalon ni Blue.

"Kayong dalawang batang kayo! Sino may sabing gisingin nyo ko!" iritang sigaw ko at tumingin sa kanila ng masama. Nagkatinginan ang dalawa at humagikgik.

"Lagot tayo kay Kuya Andrei. Let's gooooo!" hinawakan ni Ae-ae sa kamay si Blue at tumakbo palabas sa kwarto ko. Nakita ko naman si Tracy na nakahilig sa pintuan na nakasuot ng silky pajamas niya.

"First day na ngayon ng training, bumangon ka na dyan" pagtawa nito. Hinagisan ko lang siya ng unan.

"Aga aga eh!" reklamo ko. Ang pinakaayaw ko ang ginigising ako!

"Ikaw na lang tulog. Kakagising lang namin kay Savannah. Alas-otso na po." lumapit sa kama ko si Tracy at nagsimulang ayusin ang kama ko.

"Wag ka na maligo, may Fashion Demand tayo. Sayang lang ang damit mo. Suotin mo 'yung pangtaas sa pajamas mo, naka-pajamas lang kasi kami lahat sa baba. Kakain pa po tayo, mahal na prinsipe." She said politely nya. Hinagisan ko ulit siya ng unan.

Akala ko magagalit siya kasi hinagisan ko ng unan pero nalimutan kong si Tracy nga pala ito. She... she has kind of attitude problems. Hindi sa masama siya, gan'on pero sobra sobrang bait kasi niya. Napag-usapan namin 'tong anim habang wala si Tracy at nalaman namin kung bakit gan'on ang ugali niya.

"Bangon ka na." she smiled at me after she finished fixing my bed.

"Babangon na po ako. Salamat nga pala!" Tumayo na ako at pumunta sa banyo para ayusin ang sarili ko.

***

"You're late" bungad sa'kin ni Justine.

"Hoy! 8:15 palang!"

Hah! Ang lakas ng loob kong sagutin si Justine 'no? Okay lang yan, kaibigan ko naman! HAHAHA! Umupo na ako.

"8 dapat nasa table na kaya 'cause you should wake up at 7, duuuh!" maarteng sabi ni Savannah.

"Hahaha! Sorry na. Nag-aadjust pa 'ko eh. Tsaka wag kang ano! Alam kong kakagising mol ang!" Umuupo ako.

Nagdasal muna kami tsaka kumain. Ang ulam namin ngayon ay typical breakfast. Eggs, bacons, and hotdog. Syempre, di mawawala ang kape.

"What are we going to do today?" tanong ni Diamond.

"Tesla." biglang tawag ni Justine.

"At 10 AM, you should be at the dressing room for your Outfit Requirement. After you change, you will have a photoshoot. Then, you will directly proceed to the training room or which we call White Room, to take your IQ test. You will not study for today. Just take the IQ test." Pag-eexplain nya.

Dawn of the MystiquesWhere stories live. Discover now