6 - Found her at the shed

2 1 0
                                    

Chapter 6: Found her at the shed
🇦🇳🇩🇷🇪🇮 
[Tuesday: July 17, 2018]

Papasok na ako sa school nang makita ko si Kenzie na papasok dito sa Neon's Shed. Parang 7/11 ba pero parang mall lang ang laki. Ito ang cafeteria namin sa labas ng SON. Daming pagkain! Iba't ibang variety! Ipinatayo ito para lamang ito sa mga Neons dahil malayo ang SON sa kabihasnan.

"Uyyy! Kenzieee!" tawag ko sa kanya nang tinanggal ko ang lollipop sa bibig ko. Lumingon siya sa'kin at ngayon ko lang napansin na kasama niya pala mga kaibigan niya.

Oops. Issue, ehem ehem. Bad idea.

"Yieeee! Si loverboy, andito na. Tuwa na si Kenzie." pang-aasar ng kaibigan niya na si Joanne.

"Tse! Magsilayas nga kayo dito. Napakaissue lang." irap na sabi niya.

"Oh s'ya! Kami'y aalis na muna para may solo time kayo d'yan. Ando'n lang kami sa table ha. See ya~" sabi naman ni Airish, isa niya pang kaibigan.

"Sorry ha. Nang-aasar na naman sila." hiyang tugon ni Kenzie. Napahawak pa siya sa leeg niya. Dahil ata sa hiya.

"Jusko, sanay na ako. Lagi naman basta magkikita tayo." Napatawa kami.

"So, bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanya habang naglalakad sa tabi. Nakaharang kami sa pinto eh.

"Hmm, breakfast. Once a week kasi dito kami nagbrebreakfast."

"Ahh okay." pagtango ko. Magsasalita na sana ako nang tanungin n'ya ako.

"Ikaw? May bibilhin ka ba?"

"Meron, tubig. You know, you always need to be hydrated." sabay pakita ko sa kaniya ng tubig na kakabili ko lang.

"Agree. Oh sya, baka malate pa kami since magbrebreakfast pa. Alam mo naman si Ms. J, detention agad kapag may late. See you around na lang sa school!" sabi niya at niyakap niya ako.

Hugging is a natural thing about her, lahat na siguro ng tao niyayakap niya kaya wala ng malisya sa akin ang pagkayap niya. Sanay na rin naman ako. Pero di maiwasang --- nevermind.

"Sure! See you around" sabi ko at tuluyan ng lumabas sa sa shed. Isinubo ko na rin ulit ang lollipop ko at pinaglaruan ito.

Ang Neon's Shed dito ay walking distance lang sa school kaya naglakad na ko. Dito talaga sa SON, kailangan sanay ka maglakad. Alam n'yo ba na walang parking lot sa loob ng SON? Meron kasing 1-kilometer personal space kasi ang SON. Ibig sabihin, bawal kang magpasok ng kahit anong sasakyan, bike o kung ano man. Sa dulo ng 1-kilometer na yun o tinatawag naming Tonic Bounderies, tsaka mo lang makikita ang parking lot para sa kotse, bikes, o motor.

Mayroon din itong sariling underground train station kung saan magdadala sa'yo sa pinaka-plaza ng bayan. Para itong nagsilbing toda ng tricycle pero train. Importante ang ID dito sa SON, lalo na kapag wala kang sasakyan papunta at pauwi dahil para makasakay ka sa Neon's Underground Train Station o tinatawag naming 'STUN', kailangan ang ID mo. Parang scanner ba, gano'n. Ayun na ang ticket mo.

Oo, 'yun lang ang kailangan mo para makasakay, hindi mo na kailangan magbayad. Libre ang transpo. Ang STUN ay merong dalawang tren. Siguro naman bawat train station, dalawa. Meron kasing option na pumunta sa likod ng school kung saan nando'n ang dormitories. Oo, sa laki ng pinaka SON, kailangan mo pang sumakay sa tren para makapunta sa dormitories.

Nga pala, in case na nagtataka kayo kung bakit STUN ang tawag namin, imbes na NUTS. Ang kabaliktaran kasi ng NUTS ay STUN, diba? Tsaka ang sagwa pakinggan kapag NUTS. May proper meaning naman ang STUN. Pinagbabaliktad namin. Pauso ng mga studyante gano'n. Ang ibig sabihin ng STUN ay Station of Train Under the Neoplatonic. Dapat nga STUNN... dinagdagan ng 'for Neons' sa dulo, pero parang mas malinis tignan kapag STUN lang.

Dawn of the MystiquesWhere stories live. Discover now