MAUREEN
Pumasok ako sa kwarto ni Enzo para ihanda yung damit niya pang work hanggang ngayon tulog pa siya. Yun kasi nakalagay sa agreement. Nahanda ko na din yung gamit niya for work tapos nag prepare din ako ng pagkain niya na dadalhin niya sa work kahit hindi nakalagay sa agreement kasi tinanong ko si manang kung nagbabaon ba si Enzo hindi daw lagi daw sa labas kumakain.
Tinignan ko yung wall clock sakto 8AM na. Naglakad ako papunta sa bed niya.
"Enzo..gising na." gumalaw naman siya at dumilat. Pinatay ko na yung aircon. "Good morning." bati ko sa kanya.
"Good morning." tinignan ko muna yung iPad dito kasi ako nagchecheck ng bagong email galing kay Nam. Nakahanap na daw si Ma'am Odessa ng bagong secretary ni Enzo sabi sa akin ni Nam kagabi. Hindi naman niya sinabi kung sino.
"Enzo, may gusto daw makipagusap sayo at nag set siya ng appoin..."
"No. Hindi ako tumatanggap ng appointment sa hindi ko kilala." tumango na lang ako. "Wait..sino daw yun?" tinignan ko naman yung pangalan.
"Raymond lang po yung nakalagay dito." tumango lang siya at tumayo na. "Hintayin mo na lang ako sa baba, Mau." pumasok na siya sa loob ng banyo kaya bumaba na ako. Ihahanda ko na yung kape niya. Nakaluto na ako ng breakfast egg, bacon and fried rice. Kagabi nagulat na lang ako bigla niya akong niyakap hinayaan ko na lang kasi baka kasi nagaway sila ng girlfriend niya.
"Iha, pinapapunta ka ni Enzo sa kwarto kailangan daw niya ng tulong." tumango ako kay manang at naglakad na papunta sa hagdan. Tulong saan?
*KNOCK KNOCK* kumatok muna ako bago pumasok.
"Bakit po?" humarap siya sa akin. Yung necktie niya siguro. "Ako na po." takte hindi pa naman ako marunong paano to haha. "Ok na po yan?" tumingin naman siya sa salamin.
"Ok na yan. Tara." sinundan ko siya palabas ng kwarto.
"Enzo, nasa baba na lahat ng gamit mo." sabi ko sa kanya papasok sana siya sa office eh.
"Oh ok." ngumiti lang siya. Bumaba na kami at naglakad papunta sa kusina. "Join me." napatingin naman ako sa kanya. "Please." ang weird naman ni sir ngayon. Kumuha na lang ako ng plato at umupo sa tabi niya.
"Ano gusto mong lutuin ko para sa dinner mo?" mas mabuti na yung sigurado no.
"Kahit ano basta wag lang seafoods ha allergy kasi ako." parihas pala kami. "Btw Mau pupunta dito mamaya mga kaibigan ko pwede mo ba kami ipagluto?" tumango ako.
"Sige po. Ah Enzo dinalhan pala kita ng lunch mo para hindi ka na lumabas." napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Thank you. Kailangan ko ng umalis, kung may kailangan ka sabihan mo na lang si manang ha?" tumayo ako at kinuha mga gamit niya.
BINABASA MO ANG
𝐇𝐢𝐬 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲
Lãng mạn𝙼𝚊𝚐𝚒𝚐𝚒𝚗𝚐 𝙿𝚎𝚛𝚜𝚘𝚗𝚊𝚕 𝚂𝚎𝚌𝚛𝚎𝚝𝚊𝚛𝚢 𝚊𝚔𝚘 𝚗𝚒 𝙿𝚛𝚒𝚗𝚌𝚎 𝙴𝚗𝚣𝚘 𝙻𝚎𝚎 𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚍𝚊𝚠 𝚔𝚊𝚜𝚒𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚝𝚊𝚐𝚊𝚕 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚢𝚊 𝚋𝚞𝚝 𝚕𝚎𝚝'𝚜 𝚜𝚎𝚎 🌼