𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 3: 𝘚𝘦𝘤𝘳𝘦𝘵𝘴 🌼

85 4 0
                                    

MAUREEN

Maaga akong gumising para magluto ng breakfast ni, Enzo. Habang nasa oven yung bacon, hash browns at ham pumunta muna ako sa office ni Enzo para ihanda yung dadalhin niyang gamit sa work. Dito daw natulog yung mga kaibigan ni Enzo sabi ni Manang sa akin kanina.

"Iha, gusto mo ba sumama sa akin mamaya mag grocery?" tama kailangan ko din bumili ng mga kailangan ko dito sa bahay.

"Sige po." sabi ko kay Manang Lolita.

"Oh sige maglilista muna ako sa baba." tumango ako at ngumiti kay manang. Sobrang bait niyan si manang parang nanay ko na nga eh.

After ko ayusin yung mga gamit niya sa office bumaba muna ako para tignan yung nasa oven.

"Nay, pogi nong kaibigan ni sir Enzo no." sabi ni ate Rose. Matanda siya ng tatlong taon sa akin.

"Manahimik nga kayo." kinurot naman ni manang mga tagiliran nila hahaha. Magkasundo naman kaming lahat dito. Nagtimpla ako ng kape at nilagay yun sa thermos.

"Bhe, gisingin mo na si sir Enzo don kami na bahala sa pagkain." tumingin naman ako sa digital wall clock oh syet 7:59AM na.

"Sige ate salamat." dali dali akong lumabas sa kusina at umakyat. Jusko kanina 7:00AM pa yun ah. Pumasok ako ng kwarto ni Enzo para gisingin siya. "Enzo..gising na." pinat ko yung balikat niya. "Good morning." bati ko sa kanya.

"Good morning." inayos ko muna yung mga damit niya pang work. Pagkatapos kong ayusin yun kinuha ko na yung iPad para sa schedule niya.

"Enzo, may isang meeting ka lang today with Mr Ong ulit 4-5PM." tumango naman siya. "Nga pala pwede ba ako sumama kay Manang mamaya mag grocery kasi siya." ngumiti muna siya sa akin bago sumagot.

"You can basta magiingat kayo ha. Paki gising naman ng mga kaibigan ko." pinatay ko muna aircon niya.

"Sige po." lumabas na ako ng kwarto niya at nagpunta sa guest room, tatlo yung guest room dito sa bahay ni Enzo.

*KNOCK KNOCK* bumukas naman yung pinto.

"Good morning po, pinapagising po kayo ni sir Enzo." inayos naman niya yung magulong buhok niya hahaha. Nakalimutan ko pangalan niya eh.

"Sige baba kami maya maya." nag bow ako sa kanya at naglakad papunta sa office ni Enzo para kunin yung gamit niya. Inayos ko muna yung mga files na nagkalat sa desk niya. Bumaba na din ako at nagtungo sa garahe para ilagay yung gamit niya sa kotse.

"Bhe, yung baon pala ni sir oh." kinuha ko naman ito at nilagay sa loob ng kotse.

"Tara ate." pumasok na kami sa bahay. Sakto naman pagbaba nila Enzo at mga kaibigan niya.

"Good morning po." bati namin lahat sa kanila. Nagtungo naman sila sa kusina agad kaming sumunod. Natatawa naman kami ni Manang kasi sila ate Rose nataranta nong nakita yung mga kaibigan ni Enzo hahaha. Nilagyan ko ng kape yung tasa ni Enzo sila ate Rose naman nagaagawan pa kung sino sa kanilang dalawa ni ate Gina yung maglalagay ng kape sa tasa ni Raymond haha.

"Mau, magoovertime ako ngayon tumawag si dad sa akin eh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mau, magoovertime ako ngayon tumawag si dad sa akin eh." tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Doon lang kami sa may pool, iho." hinila na kami ni Manang palabas ng kusina. Nandito kami sa pool area ngayon at itong si ate Rose at ate Gina nagaagawan ulit this time upuan naman HAHAHAHA.

"Ako dito para kita ko si pogi." napailing iling na lang kami ni manang.

ENZO

Kakarating ko lang dito sa kumpanya. Bakit wala pa dito si Naomi sabi niya kanina nandito na daw siya.

"Sir, yung secretary niyo po nakipagaway po nandun sa HR department po." agad naman akong lumabas at sumakay sa elevator. Ano bang ginagawa niya bakit siya napunta don. Pagkabukas ng elevator nakita kong inaawat na ng security guard si Naomi at yung dalawang babae.

"ENOUGH! What are you doing here? Diba dapat nasa taas ka na?" si Naomi at itong dalawang babae puro kalmot yung mukha.

"Pinagtanggol ko lang po bestfriend ko kasi po kung ano anong sinasabi nila." tinignan ko naman yung dalawa.

"To my office now." pinasama ko na din yung security guard sa kanila. "Anong nangyari?" hindi kasi makakapasok ngayon si tita Odessa masakit daw kasi ulo niya.

"Sabi po nila Margaret at Victoria po na malandi daw po si Mau kaya daw siya natanggal dito sa kumpanya." malilintikan talaga yung dalawa sa akin.

"Tapos po sabi po nila na pumatol daw po si Mau sa inyo." kung alam lang talaga nila.

"Sige, back to work." pinindot ko na yung elevator at nagbukas naman ito. Ano ba kasi ginagawa ni Naomi sa HR department. Pagkadating ko dito sa office ko agad kong kinausap yung tatlo.

"What are you doing at HR department?" tanong ko kay Naomi.

"May pinakuha po kasi si Mau sa akin doon sa desk niya at bigla na lang po nila hinila buhok ko at doon na po sila nagsimula sabihan si Mau na malandi at pumatol daw po si Mau sa inyo." tinignan ko ng masama yung dalawa.

"At bakit niyo kailangan sabihin yun ha? Sino ba kayo para sabihan niyo ng ganyan si, Maureen." umiling lang yung dalawa.

"Sorry po..h-hindi na po mauulit." sabay nilang sabi.

"Hindi na talaga kasi kayong dalawa tanggal na dito sa kumpanya ko at sisiguraduhin kong wala ng kumpanya ang tatanggap pa sa inyo. Wag kayong magkakamaling magkalat ng tsismis kundi alam niyo na yung mangyayari sa inyo. Leave. Naomi, stay." paalis na dapat si Naomi. Kailangan ko siyang makausap. Lumabas na yung dalawa na kasama yung security guard.

"I can trust you right?" tumango naman si Naomi. "Si Mau..siya yung nawawalang anak nila mr and mrs Dizon." nagulat siya sa sinabi ko.

"T-totoo p-po?" tumango din ako.

"Yun yung dahilan kung bakit siya yung pinili kong Personal Secretary ko para mabantayan ko siya. Wag mo munang ipaalam kay Mau." after ko siyang makausap pinapunta ko muna siya sa clinic para magamot yung mga kalmot niya. Nangako naman siya sa akin na hindi niya sasabihin kay Mau yung totoo.

Good news kasi may progress naman yung problema dito sa kumpanya. Kunti na lang talaga matatapos na din to.

"Sir, ito po pala yung pinapakuha ni Mau sa akin kanina sayo ko na lang daw ibigay." inabot naman niya yung dalawang folder.

"Sige, salamat." hindi ko na tinignan yung loob kasi ang nakasulat sa folder HR health and safety. Nakauwi na kaya yun at si manang? Nag grocery kasi sila ni manang.

To: Babe❤️

Are you home already?

From: Babe❤️

Kakarating lang po namin dito sa bahay. Bakit po?

To: Babe❤️

Wala naman. Magpahinga muna kayo ni manang. See you later when I get home if gising ka pa.

Hanggang 10PM lang kami ni dad dito sa kumpanya kasi bukas maaga siya pupunta dito eh dahil sa may meeting daw siya with investors. Ako naman nasa bahay lang saturday na eh. Sana nabago na ni Naomi yung sched ko.

𝐇𝐢𝐬 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon