MAUREEN
Tatlong linggo ang nagdaan matapos akong kausapin ng doctor ni Enzo, marami siyang tinanong sa akin about sa past ko kung anong nangyari sa akin noon pero I swear wala talaga akong maalala. Sinabi ko din yung naririnig kong boses at yung mga nakikita ko feeling ko kasi yung panaginip ko na yun totoo siya parang nangyari talaga sa akin. Sabi naman ni Enzo sa akin wag pilitin para hindi sumakit yung ulo ko.
"Iha, ok ka lang ba?" tanong sa akin ni manang. Nandito kasi ako ngayon sa may pool area.
"Opo manang." umupo siya sa tabi ko.
"Pamilya naman tayong lahat dito diba?" tumango ako. "Kung gusto mo ng makausap nandito lang naman kami lalo na ako handa akong makinig, iha." si manang pala may anak din pala siya, kaya lang iniwan siya at sumama daw sa mayamang lalake at hindi na siya binalikan.
"Salamat po. Gusto ko man po sabihin lahat ng nararamdaman ko ngayon manang kaya lang po baka sumakit nanaman ulo ko." tumango si manang at hinagod niya likod ko.
"Naiintindihan ko iha, hayaan mo na lang sigurong kusa itong bumalik." may amnesia ako. Nakuha ko daw ito nong bata pa ako pero wala akong matandaan na naaksidente pala ako. "Mag dasal ka lang lagi, iha. Tara sa loob may niluto kaming pancit malabon at gumawa sila Gina ng buko pandan." tumayo na kami ni manang at pumasok sa loob. Sana hindi maapektuhan yung trabaho ko kapag bumalik na yung mga alala ko. Si Enzo naman laging late na umuuwi lahat kami napupuyat kakahintay sa kanya minsan umuuwi itong lasing hindi nga alam ni manang kung anong nangyayari sa kanya eh.
"Si sir Enzo kakauwi lang at may kasamang babae." sabi ni ate Gina sa amin ni manang.
"First time yun ha, ano bang nangyayari sa batang yun." simula nung nakausap ako ng doctor niya bigla nag bago yung pakikitunggo niya sa amin.
"GINA, MAGDALA KA NG PAGKAIN DITO!" sigaw ni Enzo mula sa taas. Agad naman kaming naghanda ng pagkain.
"Nakakatakot naman siya, manang." sabay naming sabi ni ate Gina. After namin maihanda yung pagkain agad naman itong dinala ni ate Gina sa taas. Pinagmasdan lang namin si ate Gina.
"Manang, alis na po kaya ako dito." sabi ko kay manang.
"Ano ka ba iha lilipas din yan." tumakbong bumaba si ate Gina.
"Nakita ko sila manang kakatapos lang nila gawin yung ano." hinila kami ni manang papasok sa kusina at may tinawagan siya. Bakit naging monster siya. Kumuha lang ako ng pagkain at drinks tsaka bumalik dito sa pool area.
"Mau." nilapitan naman ako ni Shane at Erin. "Wag mo na lang sabihin na sa amin galing ha." tumango ako. "Yung babae daw na kasama ni boss ngayon buntis daw at ang sabi niya s*x lang ang habol nong babae kay boss." napanganga ako sa sinabi nila Shane.
"To-totoo ba yan?"
"Narinig namin si boss at yung kaibigan niya naguusap." pero bakit iba yung pakikitunggo niya sa amin. "Nagtataka ba kayo kung bakit nagiba si boss? Kasi ayaw niyang malaman niyo yung totoo at ayaw ni boss masaktan yung babaeng mahal niya." sabagay may gf naman si Enzo.
"Diba may gf siya bakit ibang babae yung nagalaw niya?" tanong ko sa kanila.
"Hindi namin alam, Mau." nakita naman namin si Enzo naglalakad papunta sa amin. Ibang iba yung awra niya.
"Can we talk?" tumango ako. "Come." tumalikod na siya. Napatingin naman ako kanila Shane tumango sila. Sumunod ako sa kanya sa loob nakita ko naman sila manang na nakatingin sa akin. Jusko sana wag naman. Pagkaakyat ko agad akong pumasok sa office niya, nakita ko naman siyang nakaupo sa couch. "I just want to say sorry." napatingin naman ako sa kanya. "Alam kong natatakot ka sa akin hindi lang ikaw pati sila manang. Sorry kung nagbago yung pakikitunggo ko sa inyo it won't happen again." tumayo siya nilapitan ako. "Don't be scared." niyakap niya ako ng mahigpit. "Kung dadating man yung araw na maalala mo na lahat sana hindi ka lalayo sa akin. Je t'aime." alam kong ibig sabihin non "I love you" naguguluhan ako.
BINABASA MO ANG
𝐇𝐢𝐬 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲
Roman d'amour𝙼𝚊𝚐𝚒𝚐𝚒𝚗𝚐 𝙿𝚎𝚛𝚜𝚘𝚗𝚊𝚕 𝚂𝚎𝚌𝚛𝚎𝚝𝚊𝚛𝚢 𝚊𝚔𝚘 𝚗𝚒 𝙿𝚛𝚒𝚗𝚌𝚎 𝙴𝚗𝚣𝚘 𝙻𝚎𝚎 𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚍𝚊𝚠 𝚔𝚊𝚜𝚒𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚝𝚊𝚐𝚊𝚕 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚢𝚊 𝚋𝚞𝚝 𝚕𝚎𝚝'𝚜 𝚜𝚎𝚎 🌼