𝐏𝐑𝐎𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄

259 5 0
                                    

Past

Ang hirap naman ng buhay dito sa probinsya laging umuulan dito sa amin eh so hindi nakakatanim sila nanay ng palay. Ampon kasi ako nila, hindi ko kasi alam kung nasaan mga totoong magulang ko ang sabi nila nanay sa akin mayaman daw pero hindi nila alam yung dahilan kung bakit nila ako pinampon.

"Nay, luluwas po ako sa maynila maghahanap po ng trabaho." matanda na kasi sila nanay at kailangan na nilang magpahinga sa pagtatanim.

"Malayo ang maynila iha kaya mo ba?" tumango ako kay nanay.

"Opo nay kaya ko po, wag po kayong magalala sa akin. Mamayang hapon na po alis ko." sa totoo lang gusto ko rin mahanap yung magulang ko kasi marami akong tanong na sila lang ang makakasagot. Wala akong pakialam kung mayaman sila hindi pera nila ang habol ko.

"Sige iha, basta balitaan mo kami ha. Maghahanda na ako para makakain na tayo." thankful din ako sa kanila kasi inalagaan nila ako. Dito na ako lumaki sa davao, tinuring nila akong tunay na anak nila. Nakalimutan na kasi sila ng mga anak nila yung dalawang babae may pamilya na at nasa abroad daw yung lalake naman bunso nila may pamilya na din baka daw nasa abroad na din. Sana man lang kunin nila si nanay at tatay dito maawa naman sila.

Hinanda ko na yung mga gamit ko. Nakapagtapos ako ng pagaaral ng dahil sa kanila nanay, yung mga binibigay nilang allowance sa akin inipon ko lahat yun para ibigay sa kanila kumuha lang ako ng 5k para sa gagamitin ko sa maynila. Umabot naman ng 20k yung ipon ko. Noon kasi nagtitinda ako ng ulam sa school namin, ako yung nagluluto kasi ayaw kong malaman nila nanay yun. Lagi silang wala dito sa bahay kaya hindi nila alam.

Nandito na kami nila nanay sa sakayan ng bus papuntang maynila.

"Nay, magiingat kaayo ha. Ito nga po pala sa inyo na po ito, ipon ko po yan para may gagamitin po kayo." inabot ko kay nanay yung pera.

"Naku iha wag na sayo na yan ok lang ka..."

"Sige na po nay papasalamat ko na din po sa inyo to, nay." nagdadalawang isip pa si nanay kung tatanggapin ba niya. "Sana po maalala po kayo ng mga anak nyo para makaalis na po kayo dito." sabi ko kay nanay.

"Sana nga iha salamat dito ha. Oh ayan na yung bus magiingat ka doon. Tumawag ka sa akin kung nakarating kana ng maynila." tumango ako at niyakap si nanay.

"Tay, wag na po kayo magtatanim ha. Sa bahay na lang po kayo." niyakap ko din si tatay.

"Oo iha, magiingat ka." pumasok na ako sa bus. Kumaway muna ako sa kanila bago umalis yung bus. Kayo na bahala kanila nanay God ingatan niyo sila lagi.

Present

Late na naman ako mayayari na talaga ako neto ni Ma'am Odessa grabe pa naman yun magalit kasi damay lahat eh. Pagkababa ko ng jeep tumakbo agad ako.

"Good morning po." bati ko sa security guard kumaway lang si kuya alam na niya ibig sabihin non haha. Buti na lang naabutan ko pa yung elevator jusko. Inayos ko muna yung buhok at damit ko.

"Late ka na naman." nanlaki mata ko. OMG si Ma'am Odessa.

"G-good morning po. Sorry na po eh late din naman po kayo." tinaasan ako ng kilay. Late din naman kasi siya.

"So ganon? Kung late ako dapat late ka din?" ngumiti ako.

"Sorry na po traffic lang po kasi talaga." inirapan ako at saktong pagbukas ng elevator. Yung mga employees nakatingin sa aming dalawa ngumiti na lang ako.

"Good morning po." bati nila kay Ma'am Odessa, si Ma'am kasi yung HR manager.

"Walang good sa morning." sabay tingin sa akin umiwas na lang ako ng tingin. Natatawa naman yung mga employees. Lilibing yata ako ng buhay neto. "Gawin mo na trabaho mo." agad akong pumunta sa desk ko at sinimulan ang trabaho ko. Si Ma'am naman pumasok na sa office niya.

"Ano ba ginawa mo don ang init ng ulo?" tanong sa akin ni, Paul.

"Wala naman hehe." sabi ko.

"Alam mo ba?" umiiling ako. "Nag resign na naman yung secretary ni sir Enzo umiiyak nga kanina eh." jusko pang sampo na yata yun si Marie na secretary ni sir Enzo.

"Dizon!" napatingin naman ako sa office ni Ma'am Odessa. "Pasok dito!" OMG yari ako neto.

"Good luck hahaha." sabi ng mga employees sa akin tumango na lang ako. Hindi ko na lang dapat sinabi yun syet. Tumayo ako at naglakad papunta sa office ni Ma'am Odessa.

"B-bakit po?" tanong ko kay Ma'am Odessa pagkapasok ko ng office niya.

"Sir Enzo's secretary just resign awhile ago according to mrs Lee and they ask me to find a new one but you said awhile ago to me is...hindi ko gusto." pigil ako ng tawa Ma'am kasi hahaha. "Ikaw na lang ipapalit ko sa secretary niya." what? Bakit ako? "You may go." is she serious about that? Lumabas ako ng office niya ng tulala. Pwede naman kasi mag hire siya ng bagong secretary ni sir Enzo.

"Ano sabi? Bakit ganyan mukha mo?" sabi ng bff ko si Naomi De Vera.

"Ako daw yung magiging secretary ni sir Enzo sabi ni, Ma'am." gulat din siya eh. Binulong ko sa kanya baka kasi may ibang makarinig.

"Ano ba kasi ginawa mo kanina sa kanya?" napakamot ako ng ulo.

"Sabi niya kasi late na naman daw ako so sinabi ko sa kanya late din naman siya ." nabatukan pa ako ng di oras.

"Bakit mo kasi yun sinabi? Ayan tuloy pinarusahan ka." umiiling siyang bumalik sa desk niya. Ano gagawin ko?

"Mau, sabi ni Ma'am Odessa ibigay mo daw to kay sir Enzo ASAP." kinuha ko naman. Galing sa marketing department. Tumayo ako at naglakad papuntang elevator. 8th floor pa naman yung office ni sir Enzo eh nasa 4th floor lang kami. Hindi muna siguro ako papasok bukas hindi pa ako handa magiging secretary ni sir, Enzo.

Nakarating na ako dito sa 8th floor. Itong 8th floor kasi office ni sir Enzo at Finance department. Naglakad na ako patungo sa office ni sir Enzo. Gusto ko na lang mag resign takte.

*KNOCK KNOCK* parang may kausap naman siya sa loob.

"Come in." pumasok naman ako. Ganda pala ng office niya kita buong city.

"Good morning sir, ito na po pala yung galing sa marketing department." nilapag ko sa table niya yung folder. Girlfriend niya ata tong kasama niya.

"Thank you, you may go." nag bow ako bago umalis. Ang pogi niya pala syet. Basta hindi ako papasok bukas bahala si Ma'am Odessa dyan.

𝐇𝐢𝐬 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon