𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 10:𝘛𝘩𝘳𝘦𝘢𝘵𝘴 🌼

54 3 0
                                    

ENZO

Nandito kami ngayon sa Tuileries Garden tapos mamaya after lunch pupunta daw kami ng Louvre Museum after that kakain sa restaurant. Pumayag naman si Dylan na ligawan ko kapatid niya mas naging open si Mau sa akin at yun din naman gusto ko.

"Enzo, nandito na daw sila Nam at Jerome." akala nga namin hindi na sila tutuloy kasi nagkatampuhan silang dalawa. May pumunta na babae sa bahay ni Je hahaha.

"Tanungin mo kung nasaan sila." hindi alam ni Dylan na dadating sila Je baka kasi hindi na makatulog na maayos si Dylan kapag nalaman niya. Bestfriend kasi yung dalawa ako lang hindi nakakatampo nga eh hahaha.

"Kuya." nandito na pala.

"Wazzup mah men." nag bro hug naman yung dalawa. Sila Nam at Mau naman ayon kinausap agad si Elisse, speaking of Elisse mabait siya actually maalaga din kaya siguro nagustuhan ni Dylan at kasali siya sa Victoria Secret models. Nagtaka nga kami kung paano naging sila eh ito palang si Dylan ang kulit daw sa IG araw araw daw siyang minemessage kaya kinausap na lang daw niya haha.

"Kain muna tayo?" tanong ni Elisse sa amin. "Doon na lang malapit sa Louvre Museum." gutom na rin ako eh. Napaka accomodating niya sa amin siya. Umalis na din kami at sumakay sa Van na nirent ni, Elisse. Si Dylan yung magddrive.

"Enzo, ok lang ba? Ang tahimik mo napapansin ko." sabi ni tita Cynthia sa akin.

"Opo ok lang." nakita ko yung paghampas ni tita kay Dylan haha.

"Men, pasensya ka na matagal ko na kasing hindi nakakausap yang si Jerome." kinurot naman ni Elisse tagiliran niya.

"Ok lang sanay naman na ako." natawa naman sila sa sinabi ko.

"Tampo naman tong si kuya." kaya nga hindi ko sinabi eh.

"Hayaan mo na ngayon lang naman." bulong sa akin ni Mau tumango lang ako. Nagpapacute pa sa akin. Alam na niya talaga paano pawalain tampo ko. Hinalikan ko na lang siya sa noo. "Tsaka magiging bayaw mo din naman yan." nanlaki mata ko sa sinabi niya ngumiti lang siya sa akin. Bayaw? Hindi pa nga kami tapos bayaw na haha.

Nakarating na din kami dito sa restaurant na malapit sa Louvre Museum. Wala man lang akong nakitang asian restaurants or baka meron pero hindi ko alam na asian restaurants pala.

MAUREEN

Habang hinihintay namin na yung pagkain nagkwentuhan muna kami. Sobrang bait ni ate Elisse swerte naman ni kuya sa kanya. Victoria Secret model din siya.

"Ate Elisse ilang taon na pala kayo ni kuya Dylan?" tanong ni Nam kay ate Elisse.

"Limang taon na swerte ko nga sa kuya mo Mau eh pinupuntahan niya ako kahit malayo." labas pasok daw si kuya Dylan dito sa France para puntahan si ate Elisse.

"Ate, saan pala wedding niyo?" tanong ko sa kanya. Tinanong ko si kuya kanina hindi niya nasagot kasi tinawag na siya nila mom.

"Dito at sa Pilipinas." sympre nandito yung family and friends niya. "Sa Pilipinas na din ako titira." napangiti naman ako kasi may makakasama na din ako sa bahay if wala akong work.

"Excited na ako, ate." sabi ko. Natawa naman sila ni Nam.

"Finally may kapatid na din ako haha only child kasi ako." sabi niya sa akin wala na daw balak magkaanak yung parents niya.

Dumating na din pagkain namin. Ang dami naman ng inorder ni mom buti na lang masarap yung mga foods.

Pagkatapos namin kumain nagsimula na kaming magikot ikot sa Museum ang sarap siguro tumira dito haha pero ang mahal lang talaga sobra. Habang nagikot ikot kami sa Museum napansin kong ang tahimik ni Enzo at yung mukha niya parang may problema siyang dinadala.

"Enzo." tumingin naman siya sa akin at hinawakan ako sa kamay. "Ok ka lang ba?" tumango siya. "Kung may problema ka pwede mo naman sabihin sa akin." sabi ko sa kanya tsaka siya nginitian.

"May problema kasi sa Pilipinas." kinabahan naman ako bigla. "Nag message sa akin si Raymond ngayon lang na may natatanggap daw na death threats sila mom." nagulat ako sa sinabi niya.

"Uwi na lang tayo maiintindihan naman nila mom yun." umiiling siya.

"Ako na lang umuwi baka madamay pa kayong lahat kung sabay sabay tayo." hinawakan niya magkabilang pisngi ko. "Promise babe kapag ok na ang lahat pwede na kayong umuwi, dito na lang muna kayo tutulong na din ako sa bayarin dito basta safe lang kayo." ayaw ko siyang iwan.

"No. Sasama ako sayo." napayuko naman siya at napabuntong hininga. "Sila mom na lang maiiwan dito basta sasama ako sayo ayaw kitang iwan. P-paano kung may mangyari tapos wala ako dun. Sige na sama ako sayo." hinawakan niya yung dalawang kamay ko.

"Babe naman." dumating sila mom at dad.

"May problema ba?" tanong ni dad sa amin. Pinisil ko yung kamay ni Enzo.

"Kasi po sila mom...may natatanggap po na death threats sabi ng kaibigan ko." gulat din reaction nila.

"Umuwi na tayo sa Pilipinas." sabi ni dad. "Tatawagan ko na yung mga tauhan ko iho, wag kang magalala walang masamang mangyari sa kanila." tumingin naman si Enzo sa akin ngumiti lang ako sa kanya.

Nag decide sila mom na umuwi na sa hotel para makapagayos kaming lahat. Lahat ng mga kakilala nila dad at Enzo na mga NBI at police tinawagan nila para masigurado nila na safe sila tita Monica at tito Alex.

Parang nasa movie lang kami. Diba sa movie may natatanggap na death threats yung mga bida sa totoong buhay kami yung bida haha. Anyways mamayang gabi na yung alis namin pabalik ng Pilipinas.

Natatakot ako sa totoo lang nasa panganib yung buhay naming lahat mas natatakot ako para kay Nam kasi buntis pa naman siya. Sana walang mangyaring masama sa amin at sana mahuli na yung taong yun kung sino man siya.

𝐇𝐢𝐬 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon