MAUREEN
Ang bilis no 8 years na pala ang nakakalipas, dati secretary lang ako ni Enzo ngayon asawa na. Wala pa kaming balak magkaanak gusto muna namin mag enjoy sa mga travels namin. Iba na kasi yung may kasama kayong anak diba. Ngayon dito na kami sa Ireland nakatira kasi may bagong project na gagawin sila Enzo it takes 3-5 years bago matapos and after that travel na naman kami to Greece another project ulit so titira na naman kami doon not sure pa kung ilang years yun hahaha.
Our parent's lived in France wala eh gusto nila doon tumira every year umuuwi kami ng Pilipinas to visit Jerome and Nam tsaka yung twins nila. Yes. Twins anak nila girl and boy. Hindi pa sila kasal kasi gusto ni Jerome magpakasal sa France kaya lang hindi pa kaya ng budget nila.
"Babe, ang lalim naman ng iniisip mo." yakap ni Enzo sa akin.
"May iniisip lang, babe." hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit. "Thank you sa lahat." sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa labi.
"Ayan ka nanaman babe eh." natawa naman ako. Araw araw ko na lang kasi yan sinasabi. Thankful lang kasi talaga ako sa kanya.
"Date tayo." pinisil niya ilong ko.
"Sure, magpapalit lang ako." pumasok na siya sa loob ng bahay, nandito kasi ako sa garden namin. Nagagandahan kasi ako sa bahay na may garden so nagpalagay kami dito tapos kita din yung labas ng bahay namin. May mga taong naglalakad mga kotse na dumadaan tapos malapit lang din kami sa school minsan may mga batang naglalaro sa field perfect view hehe.
Sila kuya Dylan at ate Elisse naman kasal na sila 3 years ago at may dalawang anak na din sila parihas babae. Ngayon yung balik nila sa France kasi namimiss na daw nila sila mom. Magkikita naman kami sa december eh, minsan dito sila pumupunta sa Ireland kasama yung dalawang magaganda kong pamangkin.
NAOMI
"Mommy, saan po pala si daddy? Hindi namin siya nakita kanina." tanong sa akin ni April Fiona Lee anak namin ni Jerome.
"Nasa work daddy niyo baby pero uuwi naman siya for lunch." sabi ko sa kanila. Btw twins anak namin.
"Mommy, tell daddy to buy us Jollibee with toy." araw araw na lang Jollibee.
"Hindi naman pwede yun Andrew kahapon nag Jollibee na kayo. Next time na lang." Andrew Finley Lee. Si Jerome nagpangalan sa kanya ako naman kay April. Ang cute lang kasi ng Fiona hihi.
"Sorry mommy." ang cute talaga neto. "What about donuts na lang po." tumango na lang ako. Ang kulit pa naman ng batang to.
"Sige sasabihan ko si daddy, ok?" ngumiti na siya. Kinuha ko yung phone ko at tinext si Jerome.
"DADDY!" tumakbo yung dalawa sa may pinto. Nandito na pala siya.
"Miss niyo si daddy?" napangiti na lang ako sa kanila. "I bought this." sabay pakita nung Jollibee at J.CO donuts. Hay nako talaga Jerome iniispoiled masyado yung mga bata. Nilapitan ko silang tatlo.
"Mommy look oh." sabay pakita nung Jollibee at donuts.
"Ask yaya to help you with that." makakatikim talaga sa akin tong lalakeng to. Pagkaalis nung dalawa tinignan ko ng masama si Jerome.
"Sorry na hon promise last na talaga yun." inirapan ko siya. "Sorry na. I love you." paglalambing sa akin ni Jerome. "Meron din naman ako para sayo." may kinuha siya sa bulsa niya at dun sa sofa. "Here." paper bag ng MK at YSL tapos maliit na box. Kinuha ko yung maliit na box at binuksan ito. OMG! Engagement ring!
"Hon, I'm sorry if natagalan ito. Gusto ko kasi perfect lahat kaya ako busy lagi dahil pinagawa ko ito sa baguio, may kilala kasi si mom dun." ang ganda ng ring.
"Thank you, hon." sinuot ko na yung ring syet ang ganda. "I love you." hinalikan siya.
"Our eyes." natawa naman kami ni Je. Binuhat namin yung dalawa. "Ang ganda po ng ring daddy." sabi ni April sa daddy niya.
"Ako pa." kasal na lang ang kulang. Mahal kasi yung gastos sa kasal namin kasi doon sa France. Ang sarap sa feeling na may nagmamahal sayo.
Wala na akong balita sa pamilya ko simula nung tinalikuran ko sila at hindi binigyan ng pera tapos nung bago ako nanganak pinuntahan namin ni Jerome yung bahay kung saan sila nakatira pero wala ng tao doon. Ang sabi sa amin nung mga kapitbahay nila lumipat na daw at yung nanay ko daw may bago ng asawa ganon din daw yung tatay ko. Yung kapatid ko naman may asawa na daw indiano sabi ng kapitbahay nila pumatol daw yung kapatid ko sa may asawa. Wala na akong pakialam sa kanila hindi.
Masaya na ako ngayon sa buhay ko. Secretary parin ako pero hindi na si sir Enzo yung CEO. Binigay na ni sir Enzo yung position niya sa pinsan nila na galing Canada. CEO parin naman si sir Enzo pero doon na sa Ireland kasama niya sympre si Mau. Miss ko na nga yun eh. Tuwing december ko lang nakikita yung babaeng yun ang layo naman kasi ng Ireland.
Gawin niyo yung gusto niyo para sa huli wala kayong pagsisisihan. Hayaan niyo yung sasabihin ng iba basta be yourself.
~~~
THE END
~~
Keep safe everyone 🖤Princess_tar 🥀
BINABASA MO ANG
𝐇𝐢𝐬 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲
عاطفية𝙼𝚊𝚐𝚒𝚐𝚒𝚗𝚐 𝙿𝚎𝚛𝚜𝚘𝚗𝚊𝚕 𝚂𝚎𝚌𝚛𝚎𝚝𝚊𝚛𝚢 𝚊𝚔𝚘 𝚗𝚒 𝙿𝚛𝚒𝚗𝚌𝚎 𝙴𝚗𝚣𝚘 𝙻𝚎𝚎 𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚍𝚊𝚠 𝚔𝚊𝚜𝚒𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚝𝚊𝚐𝚊𝚕 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚢𝚊 𝚋𝚞𝚝 𝚕𝚎𝚝'𝚜 𝚜𝚎𝚎 🌼