MAUREEN
Ako nga pala si Ayesha Maureen Dizon, 23 years old. Currently working at Lee Group of Companies. Magisa na lang ako sa buhay hindi ko kasi alam kung saan mga magulang ko. Yung nagpalaki sa akin nasa Switzerland na, kinuha na sila ng anak nila. Hindi siguro ako mahal ng mga magulang ko kasi pinaampon nila ako eh tapos hindi man lang nila ako hinanap. Hindi ko din alam kung bakit Dizon ang apilyedo ko.
Nandito lang ako sa boardinghouse ko, hindi ako pumasok. Nagdadalawang isip nga ako kung magreresign ba ako kasi ayoko maging secretary ng boss ko kasi yung mga naging secretary niya nagsisialisan eh.
From: Nam
Girl, nasaan kana? Kanina ka pa hinihintay ni Ma'am Odessa dito at kakausapin ka daw nila mrs Lee.
Ano ba yan. Nagbihis na lang ako total tapos na akong maligo kanina. After kong magbihis kinuha ko na mga gamit ko at lumabas na sa inuupahan ko na bahay. Magtataxi na lang ako 10 mins lang naman eh kung jeep aabutin ng 30 mins bago ako makarating sa kumpanya.
To: Nam
Otw na. Pakisabi kay Ma'am pasensya na kung late ako masama kasi pakiramdam ko.
Kakasakay ko lang ng taxi. Baby powder at liptint na lang nilagay ko sa mukha ko para naman sabihin na may sakit haha.
From: Nam
Wag ka nalang daw tumuloy magpagaling ka nalang daw sabi ni mrs Lee
Buti pa yung mayari mabait.
To: Nam
Nandito na ako sa labas papasok na.
"Ito po keep the change." nagmamadali akong lumabas ng taxi at pumasok agad ako sa kumpanya. Kung hindi lang sana ako pinili ni Ma'am Odessa edi sana pumasok ako.
"Mau." ngumiti ako kay Nam. "Akin na mga gamit mo puntahan mo sila sa office ni sir Enzo bilis." pinindot ko ulit yung elevator. Pumasok agad ako pagkabukas at pinindot yung 8th floor. Kung pwede lang talaga mag resign gagawin ko. Ano ba kasing meron kay sir Enzo at walang nakakatagal sa kanya na secretary niya. Sinasaktan ba sila or di kaya pinapatay? Jusko wag naman sana.
*KNOCK KNOCK* bigla akong pinagpapawisan jusko dai.
"Come in." pinunasan ko muna pawis ko bago ako pumasok. Ay tama hindi pala ako kumain hay nako.
"Good morning po." bati ko sa kanila.
"Good morning, you must be Ayesah Maureen Dizon?" tumango ako kay mrs Lee. "Masama pala pakiramdam mo hindi ka nalang dapat pumunta dito." ngumiti ako kay mrs Lee.
"It's ok po." wag lang talaga tumunog tiyan ko.
"Nasabi sa amin ni mrs Gomez na ikaw daw yung kinuha niya para maging secretary ni, Enzo. Ewan ko ba dito sa anak namin kung bakit hindi nagtatagal yung mga secretary niya." tumingin naman ako kay sir Enzo nakatingin din pala sa akin.
"Siya po napili kong maging secretary ng anak niyo po para hindi na po mahirapan si sir, Enzo." talaga lang Ma'am ha. Ngumiti na lang ako sa kanya.
"No. I want her to be my Personal Secretary." Personal secretary? Ano yun? "Personal it means sa bahay ko siya titira kung nasaan ako nandun din siya, iba din yung secretary ko dito sa kumpanya. So do your job find me a new secretary. And you, give me your address I will fetch you later so better go home now and pack your things. You may go." totoo ba to? Bakit?
"Iha, let's talk first." aya sa akin ni mrs Lee. Jusko ano ba nangyayari sa mundo. "Hindi ko alam kung ano ang plano ng anak ko pero kung may mangyayari na hindi maganda mamaya call me, ok?" binigay niya sa akin yung calling card niya.
BINABASA MO ANG
𝐇𝐢𝐬 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲
Romantizm𝙼𝚊𝚐𝚒𝚐𝚒𝚗𝚐 𝙿𝚎𝚛𝚜𝚘𝚗𝚊𝚕 𝚂𝚎𝚌𝚛𝚎𝚝𝚊𝚛𝚢 𝚊𝚔𝚘 𝚗𝚒 𝙿𝚛𝚒𝚗𝚌𝚎 𝙴𝚗𝚣𝚘 𝙻𝚎𝚎 𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚍𝚊𝚠 𝚔𝚊𝚜𝚒𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚝𝚊𝚐𝚊𝚕 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚢𝚊 𝚋𝚞𝚝 𝚕𝚎𝚝'𝚜 𝚜𝚎𝚎 🌼