𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 12: 𝘉𝘰𝘳𝘢𝘤𝘢𝘺 🌼

43 2 0
                                    

MAUREEN

Nandito kami ng family ko sa boracay at kasama din namin si Enzo at family niya. Tatlong araw na kami dito bukas na din yung uwi namin. Isang linggo na ang nagdaan matapos mahuli si Paul Jang pero kailangan parin namin magingat kasi we don't know baka balikan kami nun.

"Mau." ngumiti ako kay Enzo. "Are you ok?" tumango ako. Akalain mo yun NGSB siya pero sobrang maalaga siya sa akin at ang sweet pa haha.

"Enzo, pwede ba ako sumama sayo kapag pumapasok ka?" nagtaka naman siya.

"Wag muna ngayon hindi pa tayo sigurado na wala na talagang mangugulo sa ating lahat." safety nga pala namin yung iniisip niya lalo na sa akin.

"Naiintindihan ko. Tara na." naglakad lakad na lang kami kasi naman yung pamilya namin iniwan kami hindi namin alam kung nasaan sila.

Sa totoo lang gusto ko ng sagutin si Enzo kaya lang gusto ko sana in romantic way kaya ang naisip ko doon sa bahay niya. Dapat pala icheck ko muna yung sched niya para hindi naman fail yung gagawin ko. Si Nam parin naman yung secretary niya sa kumpanya kapag 8 months na yung tyan niya maghahanap ng temporary secretary si Enzo.

"Kamusta naman date niyo?" tanong ni mom sa amin. Kaya pala iniwan kami.

"Ok lang naman mom." sabi ko sa kanya. Hindi ko namalayan nandito pala kami sa isang restaurant dito sa boracay.

"Kain na kayo." kumain na kami ni Enzo. Ang sasarap ng mga pagkain. Habang kumakain kami napapansin ko panay tingin nila mom sa akin.

"Bakit po?" tinanong ko na baka nahihiya lang sa akin.

"Ah kasi nak may business trip kasi kami ng dad mo at kasama din kuya mo..ok lang ba kung iwan ka muna namin kay kumare?" yun lang pala eh.

"Oo naman po tsaka may work din po kasi ako." ngumiti naman si mom sa akin.

"Sige, 1week lang naman kami dun." tumango ako. Hindi ko po pwedeng iwan trabaho ko lalo na ngayon na buntis si, Nam.

After namin kumain naglibot libot ulit kami, bibili na daw ng mga pasalubong.

"Ang cute mo." sabi ko kay Enzo napangiti naman siya haha. "Ang pogi mo." natawa na siya sa sinabi ko.

"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na lang babe hahaha." umiiling ako at ngumiti sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Parang may sasabihin ka yata eh ramdam ko." nagtawanan kaming dalawa.

NAOMI

Buti pa sila Mau nasa boracay isasama nga sana kami ni tita Cynthia kaya lang biglang sumama pakiramdam ko kaya no choice kundi magpaiwan dito. Normal lang naman daw yun sa buntis yung magsuka at mainitin ang ulo. Si Jerome nga eh ang haba ng pasensya sa akin kahit alam ko na masama.

"Ma'am, ano po gusto niyong kainin?" tanong sa akin ni ate Mela.

"Nam na lang po ate." napakamot naman siya ng ulo niya. "Gusto ko po sana kumain ng spaghetti." si Jerome naman kasi ayaw akong palabasin ng bahay eh kasama ko naman yung mga bodyguards.

"Yun lang po ba? Wag po kayong mahiya sabihin sa amin yung mga gusto mo." araw araw na lang kasi ako utos ng utos sa kanila sinabihan ko nga si Jerome nga gawing 20k yung mga sweldo nila instead na 10k.

"Turon at pancit malabon ate." tumango naman siya.

"Sige po." umalis na siya at pumunta ng kusina. Sinundan ko siya sa kusina wala naman kasi akong ginagawa dito sa sala.

To: Hon ❤️

Bili mo ako chocolate cake sa red ribbon at sa goldilocks.

Cravings tho hahaha.

From: Hon ❤️

Magpabili ka nalang sa driver hon kesa naman maghintay kapa ng matagal.

Oo nga no haha.

To: Hon ❤️

Sige hon. Ingat ka. I love you ❤️

From: Hon ❤️

Ipabili mo yung mga gusto mong kainin. See you later. I love you too ❤️

Gusto ko ng kumain ng Jollibee kaya lang bawal daw eh. Ipapabili ko na lang mga kakanin tapos chocolate cakes at J.CO donuts.

"Ate Mela, si kuya Edgar?" si kuya Edgar yung pangalawang driver ni Jerome.

"Naliligo pa po hehe, bakit po?" sinulat ko na lang yung ipapabili ko.

"Pakibigay na lang to sa kanya ate, salamat." may pera ng nakahanda sa bulsa ko para hindi na ako aakyat dun sa kwarto.

"Sige po." pumunta na lang ako dito sa sala manonood na lang ako ng Netflix. Mamaya pa kasing gabi makakauwi si Jerome. Ako naman walang trabaho kasi nga nasa boracay si sir, Enzo.

ENZO

Nandito kami sa boracay kasama ko family ko at kasama din namin si Mau at family niya, pero bukas uuwi na din kami kasi marami din kaming naiwan na trabaho actually tambak ako ng trabaho kaya lang family first.

"Sinagot kana ba ng kapatid ko?" umiiling ako. "Weh? Umamin ka na." natawa ako.

"Hindi pa nga kami." pero feeling ko sasagutin niya this week or next week. Instinct.

"Balitaan mo ko haha." nagiinuman kaming dalawa dito sa veranda. Sila Mau at Elisse naman nasa loob nagkwentuhan. Kasama namin ni Mau sila Elisse at Dylan.

"Buti hindi mo nabuntis yang si Elisse knowing you haha." muntik na niya mabuga sa akin yung iniinom niyang beer.

"Hindi na ako ganon men." knowing him naglalaro ng feelings ng babae at ginagalaw pa, tawag nga sa kanya dati ng mga Cassanova.

"Talaga lang ha." tinapunan ako ng tansan. "Good for you hahahaha." nakakamiss yung mga araw na nagbibiruan kaming lima. Ako si Dylan, Jerome, Rhys at Raymond. "Maiba tayo, ayos na ba kayong dalawa?" nagkapikunan kasi sila Rhys at Dylan noon ng dahil sa babae. Yung girlfriend ni Dylan noon jinowa ni Rhys kasi ang pagkakaalam ni Rhys wala na sila.

"Matagal na yun men, siya lang hinihintay kong kausapin ako." tumango ako. Pride na naman. "Actually kinausap ko siya last week pero nginitian lang ako. Baka siguro nahihiya lang kausapin ako." siguro nga. Mahiyain pa naman si Rhys.

"Maayos niyo din yan." sabi ko sa kanya. Nagpatuloy lang kami sa pagkwe-kwentuhan. Magkababata pa naman silang dalawa pero nararamdaman ko na maayos pa nila tsaka matagal na din yun. Humingi lang sila ng tawad sa isa't isa ayos na sila.

𝐇𝐢𝐬 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon